Go, celebrate the gift of life!
 

Minsang Hirit #1: Tanong

kapag ang bata ay nagtanong
malamang sa hindi ay manganak ito
ng isandaan pang mga tanong

madaling sagutin ang tanong
ng isang bata
kahit pa isandaang beses kong sagutin
ang isandaang mga supling ng kanyang tanong

ang mahirap sagutin
ay ang iyong katanungan na bagamat iisa lang
ay habambuhay akong ikukulong
sa isandaan nitong pakahulugan.

**Apologies to my non-Filipino readers.

Posted 6 years, 8 months ago at 2:31 pm.

54 comments

54 Replies

  1. Hehehe. naalala ko pamangkin ko. Puro siya bakit ganyan, bakit ganito…. etc. πŸ˜€

  2. nortehanon Feb 18th 2011

    At dapat mo siyang sagutin ng tama, MP πŸ™‚

  3. I couldn’t agree more! πŸ™‚ Kids are sooooooooo inquisitive. Yung mga estudyante ko nga, kahit pagpapagupit ko lang, parang napakalaking issue na sa kanila. And they would flood me with questions na hindi ko masugot – not because they’re hard, masyado lang talagang marami! magtatampo ang iba kapag hindi sila sinagot.

    At tama, sa kabila ng maraming tanong at mga handang kasagutan, laging may isang tanong na kahit alam mo mang sagutin, nakakatakot aminin, at habang buhay magiging isang palaisipan ang sagot.

  4. nortehanon Feb 18th 2011

    Haha! Nai-imagine ko na ang classroom mo, Naleyn. I remember a story of my Tita who was a preschool teacher. Pumasok siya na bagong gupit. May lumapit sa kanyang bata sabay sabi, “Teacher, pumangit ka po”. Napa-tambling ako sa sinabi ng bata haha! Napa-inosente raw talaga ng pagkakasabi sa kanya.

  5. ang mga daga.. pag sabay-sabay magtanong… times three hundred ang drama kaloka
    curiosity… takes them places.. hahahaha

  6. nortehanon Feb 18th 2011

    haha! Oo nga, ang daming tanong nun! 3×100! Nai-imagine ko na kung gaano ka aligaga sa pagsagot sa mga tanong nila hehehe

  7. inosenteng katanungan.. inosenteng kasagutan. Bakit? bakit? bakit? walang katapusan. Nangangahulugan, hindi sapat ang paliwanang.. hanggang sa makulitan.. tulad mo, para sakin.. mas ok ang ganito

    Kesa sa isang tanong, madaling sagutin, mahirap panindigan..

    magandang hapon po ma’am.. πŸ™‚

  8. nortehanon Feb 18th 2011

    Sa simula ng komento mo ay seryoso ang mukha ko habang nagbabasa. Pagdating sa huling linya, napatawa ako dahil itinuwid mo ang tawag mo sa akin. Yes, Ma’am ako, iho, at hindi Sir hihihihi

  9. ang sarap kausapin ng mga bata lalo na yung mga matanong dahil nahahamon yung kaalaman ko sa mga bagay bagay..at nakakatuwang isipin na minsan sa buhay natin naging ganun rin tayo kakulit at kainosente tungkol sa buhay at sa mundo..=)

  10. “kapag ang bata ay nagtanong
    malamang sa hindi ay manganak ito
    ng isandaan pang mga tanong”

    nasaktohan mo miss N!

    pinakamahirap na tanong sakin ni wendy: “mama, what is life?” asus! nosebleed!

  11. This is so true. Like it so much Miss N. Will definitely remember it forever. =)

  12. at kapag ang bata ang nagtanong, inosente at walang pasubali. bakit ganito?, bakit ganun?, pano nangyari yun? kelan? saan? pano? ang galing!

  13. exactly describes how my nieces and nephews. naku – hindi nauubos and tanong. i like how you worded this poem.

  14. ang bata, kapag nagtatanong siya, iyon ay dahil nagsisimula siyang bumuo ng mundo niya ng katotohanan. kaya dapat talaga na sagutin natin siya ng totoo na hindi lang batay sa ating pinaniniwalaan. sabi kasi ng lolo ko (oo,wala lang ‘to sa sinabi ng lolo mo) kapag daw nailigaw natin ang anumang kainosentehan sa direksiyon ng kasinungalingan at hindi ng katotohanan, para na rin nating niligaw ang buong sanlibutan.

    ‘bakit po dumarami ang bakla kahit hindi sila nanganganak?’ pag may batang nagtanong sa akin nito…ewan ko lang kung paano ko sasagutin. :))

  15. isa lang masasabi ko, kapag nagtanong ang bata..ibigay ang totoong sagot.

  16. .. may edad talaga ang bata na sobrang matanong. naalala ko yung bunso namin nung maliit pa siya, kada dalaw nung nobyo ng ate ko ganito ang mga hirit nya: “dito ka kakain? wala ba kayong ulam sa bahay nyo”? o kaya, “anong oras ka uuwi? matutulog na kami e”. napapahiya kami sa kanya! hanggang ngayon may mga panahon na napapagkwentuhan pa rin namin sa bahay yung kakulitan nung kapatid ko nung bata sya.

  17. at sino naman ang nag-iwan sayo ng matalinghagang tanong Ms.N? hihihi… nang-iintriga lang. πŸ™‚

    naalala ko pamangkin ko, magsisimula sa “ano”, susundutan ng “bakit”, pinakamalala yung “pano”, at iikot ng iikot ng iikot ang iikot pa ang mga tanong. hahaha

  18. Kapag ang bata kasi ang nagtanong, nandon ang kawalang muwang pero kapag ang may higit na matatas na isip na ang nagwikat at sumusog, hindi natin makapa kaagad ang mga akmang sasabihin lalo na kung alanganin o may pag-agam agam tayo sa ating sinasabi.

    Gusto ko ang maiksing tula. Nandun na ang nais. πŸ™‚

  19. Naalala ko tuloy yung bata sa bahay namin, si sam sam, ang hilig din nya magtanong, tapos after ng isang katanungan, di pa sya makontento, hayan na naman. Minsan nakakaasar kasi hindi mo alam kung panu mo sasagutin ung tanong nya…

    Nakakaaliw naman minsan pag di ka pagod…

    ingats…

    napadaan lang ulit…hihihi

  20. nakow mga pamangkin ko hindi nasa satisfy sa sagot ko. kaya tanong ng tanong.

    ang batang matanong ay matalino… yan yung kasabihan ng pamangkin kong si kyla nung sumali sa contest sa skul nila. hehe

  21. nortehanon Feb 22nd 2011

    Hi Shea!
    Natuwa naman ako dun sa sagot ng pamangkin ko sa contest. Winning answer ba yun? πŸ™‚

  22. ms. N, may naalala akong bata sa tula mo, walang iba kundi ang batang “ako”..hahahaha, pag nakita ako ng mga tita ko ngayon madalas ang mga sinsabi ay “naku! dalaga na pala ang batang pinapapaiyak ako dahil sa mga tanong”…wahahaha

    kaya sigoro sobrang like ko ang mga kids na matanong, ang haba ng pasensya ko sa kanila kase isa ako sa mga batang halos pangilagan na ng ibang tao dahil sa mga tanong.. at sya nga pala hanggang ngayon matanong parin ako, at madalas napapasubo dahil sa mga tanong ko..hahaha

  23. nortehanon Feb 22nd 2011

    Aha! So ikaw pala Ms. Ani ay isang taong maatalino πŸ™‚ Sige, ipagpatuloy lang yan. Ask lang nang ask ng question at wag mahihiya πŸ™‚

  24. dito pumapasok ang tamang pagpapaliwanag sa mga bata ng mga kaukulang sagot sa kanilang mga tanong.
    matalino ang nagtatanong lalo na kung galing sa mga bata.
    ang responsable at tamang pagsagot ng nakakatatanda o taong pinagtatanungan ay siyang magiging basehan nung batang nagtanong.
    isang style na aking natutunan sa Bible Sharing ay kapag hindi alam ang sagot mangyaring magsabi na lang na ireserved natin ang tanong na iyan sa next meeting at aking pag-aaralan dahil hindi ko alam o kulang pa ang aking kaalaman para sagutin ang tanong mo. Kesa sa manghula o ma-mislead pa ang nagtatanong. Palagay ko po applicable yun sa musmos na nagtatanong.
    XD
    be blessed po!

  25. nortehanon Feb 21st 2011

    Tama ang sinabi mo, Pong. Kung minsan nga lang, marami sa atin proud masyado not to admit na hindi natin alam. Siguro parte na rin ng kultura. Kasi naman, yung mga nagtatanong din, kapag hindi mo alam, merong magpaparamdam sa yo na parang napapahiya ka.

    Siguro ganun din ang ibang mga magulang, wag lang mapahiya sa anak ay sasagot ng kung ano na lang, without thinking kung ano ang magiging epekto nun sa bata.

    Be blessed, too!

  26. Bakit ka po nag blog? Ganito ba ba magtanung ang bata? Then my follow up questions, tapus sunod sunod para kang tinatadtad nang bala. Maraming salamat po sa pag greet sa blog ko.

  27. nortehanon Feb 22nd 2011

    haha! ganyang-ganyan nga, dlysen. Siguro ganyan ka nung bata ka pa ‘no? Sabi nga nung mga nag-comment dito, ang batang inquisitive ay matalino πŸ˜‰

    Salamat sa pagdalaw dito at congrats uli sa birthday ng blog mo.

  28. Hi! Thank you for the comment you left in my rarely visited blog. πŸ˜‰
    I can relate sa lines na ‘to

    madaling sagutin ang tanong
    ng isang bata
    kahit pa isandaang beses kong sagutin
    ang isandaang mga supling ng kanyang tanong

    super totoo!!!!

    at super may impact sa akin yung last lines mo

    ang mahirap sagutin
    ay ang iyong katanungan na bagamat iisa lang
    ay habambuhay akong ikukulong
    sa isandaan nitong pakahulugan.

    ouch! πŸ˜‰

  29. nortehanon Feb 22nd 2011

    Hi Diane!
    Welcome to my blog. Natutuwa ako at naka-relate ka sa mga naunang linya haha. Siguro marami kang pamangkin ‘no?

    Ouch ba? haha! Oks lang yan, ang tawag dyan ay dilemma haha!

  30. “ang mahirap sagutin
    ay ang iyong katanungan na bagamat iisa lang
    ay habambuhay akong ikukulong
    sa isandaan nitong pakahulugan”

    omg! ang isang katanungan bang tinutukoy mo na mahirap sagutin ay “will you marry me?!”

    ikakasal ka na Ms. N?! eeeeeeeeeeeeeeeehhhhhh! πŸ˜€

  31. nortehanon Feb 22nd 2011

    Ako? Ikakasal? haha! Hindi na ako kelangan tanungin. Sasagot na ako agad ng “Yes, yes, yow!” hahaha!

    At kung sakali man, abay kita, Jayvie! πŸ™‚ Isip ka na ng design ng gown mo πŸ™‚

  32. very well said, tama ka sometimes i lost patience.lol
    thanks for dropping and commenting at my blog. cheers!

  33. nortehanon Mar 1st 2011

    Hi genny!
    Salamat din πŸ™‚ Wag kang mawawalang ng patience sa mga bata hehehe

  34. napatawa ako dahil pareho kami ng wavelength ni jayvie. yun din ang katanungang naisip ko…baka kasi di mo pa gustong “magpabilanggo” hahahaha!

    but what you said is true. ang mga bata pag nagtanong nanganganak talaga yan. alam mo naman siguro yung dalawa ko. pero si Jeremy ang maraming bakit. at para lang malaman niya na mahirap yung palaging tinatanong ng bakit, nagkakatuwaan kami sa bahay na gawin din yan sa kanya. nagtatanong din kami ng mga bakit at matapos niya sagutin ang isang bakit, nanganganak pa ito ng mas maraming bakit. SA akin, ok lang ito kung ikaw ang tinatanong ng bata, o kung ikaw ang nagtatanong ng bakit sa bata dahil sa parehong pagkakataon, nakatutulong ka upang malinang ang pagiisip at pagbibigay ng rason ng mga bata. =)

    pero ano nga kaya ang nagiisang katanungan na iyan? =)

  35. nortehanon Mar 1st 2011

    Ang batang matanong daw ay matalino! Kaya tingnan mo naman ang mga anak mo, Mommy Kaye, matatalinong gaya ninyo ni Daddy Bong πŸ™‚

    Hmn, sige na nga, ang itinatanong talaga sa akin ay One plus One! Ang hirap sagutin eh haha. Pakisagot na nga lang, Mommy Kaye hehehe

  36. eh bakit nga? hehe

  37. nortehanon Mar 1st 2011

    ah…eh…shy akong sagutin ang tanong..haha!

  38. kaya humahaba,.,,,

    example:

    daddy pano ko ginawa?

    dinala ka ng stork samen.

    huh?

    yung bata, confusedmats na wahahhahaha

  39. nortehanon Mar 1st 2011

    haha! jezon, naitanong mo ba yan sa mama at papa mo noong bata ka pa? hihihi. Curious ako kung ano naging sagot nila sa yo πŸ™‚

  40. mahirap ngang sagutin ang isang katanungan na maraming kasagutan.

  41. nortehanon Mar 1st 2011

    naku, tama po ang sinabi mo! Pero pag tanong ng bata, ok lang sa akin kahit marami πŸ™‚

  42. Love this poem! Clever last lines! πŸ˜‰

    As they say, questions are powerful. They make us stop and think. Why let yourself be “imprisoned” by just one question? You can actually liberate yourself, that is if you want to, by throwing back a question as a response. πŸ˜‰

  43. nortehanon Mar 1st 2011

    Oh, hi Carey! Salamat!

    Afraid to throw back a question, because its answer might be another addition to the bars that will imprison me haha! Jowk!

  44. natawa ko sa comment ni Jayvie…pero nagustuhan ko ang tula, maikli pero sapul na sapul πŸ™‚ Hi Ms. N.

  45. nortehanon Mar 1st 2011

    Salamat, ssf. Mabuti at nasapul haha!

    Hay naku, alam mo ba yang si Jayvie, yung mga komento niya never fail to make me smile. Minsan naman, nalalaglag ako sa upuan, at kung minsan, napapatambling pa ako hehehe

  46. nakakanosebleed ang tagalog. hehee. : lab it

  47. nortehanon Mar 1st 2011

    haha! Nakaka-nosebleed ba? Pasensya na haha!

    Ui, maraming salamat sa pagdalaw ha, at sa pagkomento. See yah around!

  48. nasa spam po ata comment ko last time?

  49. nortehanon Mar 1st 2011

    Hi Jeson, for approval daw. Sorry di ko a-approve agad kasi di ako nakapag-blog last week πŸ™

  50. true, mga bata non-stop ang tanong minsan gusto mo ng patulugin na lang hahaha!

  51. nortehanon Mar 1st 2011

    haha! joyo, natawa ako dun sa patulugin na lang. siguro matanong din ako nung maliit pa ako kasi madalas din akong patulugin ng nanay ko hehehe

  52. Tanong tulad ng? πŸ˜€

  53. nortehanon Mar 2nd 2011

    ah….eh…ah…secret! hahaha!

  54. hala, ay ba’t nga walang like dine? paano sasabihin pag like? πŸ˜‰ hullo! πŸ™‚


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.