Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

Bisperas ng Pasko ng Batang Lansangan


madalas, mahimbing ang mundo at hindi pansin ang sipag ng isang musmos sa lansangan.

hindi pa man isinisilang ang araw,
gising na siya’t nilalambat na ng kanyang mga daliri
ang kanina pa makukulit na langaw.

ang kanyang mga butuhang daliri
paminsan-minsang sinasapo
ang sikmurang umuungol sa hapdi.

agahan: sinimulan na niyang kumayodβ€”
nag-usisa sa mga kalawanging basurahan,
munting minerong sabik sa mailap ng yaman.

tanghalian: sa palengke tumakbo
nag-alok ng serbisyo,
“ale, mama, ako na po ang magbubuhat ng bayong ninyo.”

hapunan: tinungo ang karinderya,
sa amoy ng pagkain nagdiwang ang ilong niya, at nilunod pansamantala
ng mabangong amoy ang ungol ng kanyang sikmura.

sumilip sa loob, inaninag ang mga aninong busog ang tiyan
at pinangarap na sana’y tumagos ang sarili sa salamin
na nasa pagitan niya at ng mesang hitik sa laman.

bigo at walang nakuha ni latak ng pinagkainan,
kaya’t balik basurahan
nanimot ng mga mumo at buto na kung di panis ay pinagsawaan

gabi, bisperas ng pasko, bago matapos ang misa de gallo,
muli ay inangkin niya ang munting espasyo;
muli ay itinayo niya ang kanyang bahay sa malamig na sementoβ€”
langit ang bubungan
at ang mga dingding, walang hangganan.

abalang-abala sa pangangaroling ang ibang bata,
ang hangin, kung hindi amoy hamon ay amoy pulbura,
inilatag ng musmos ang pagal na katawan sa malamig na kalsada.

sa di kalayuan, may mga bahay na pinagpalaβ€”
may nagkikindatang mga ilaw na nagpapanggap na mga tala
at may mga mesang sa dami ng noche buena ay di magkanda-ugaga.

ngumiti ang musmos at masayang ipinikit ang mga mata.
bukas, araw ng pasko, tiyak nang may pagkain siya:
nasa loob ito ng itim na bag ni santa.

Posted 6 years, 5 months ago at 11:53 am.

53 comments

53 Replies

  1. wah. nakakaiyak naman ito.

  2. nortehanon Dec 10th 2010

    Hi Zyra!
    Aba, napadpad ka. Tuloy ka sa bahay ko. Pasensya na at medyo may alikabok. Medyo tagal koo ring hindi nalinis πŸ™‚ Ang mga unang bumibisita rito ay may meryenda. So, ano gusto mo: coffee, tea, milk? πŸ™‚

    Wag ka maiyak, iha. Iyong bata nga dyan sa kwento ay nakangiting natulog πŸ˜‰

  3. beys! yehey

  4. hi miss n.
    kuhang kuha sa sinulat mo yong sitwasyon ng mga bata..mga batang lansangan na pilit humuhugot ng pag-asa sa mga taong o basurang makikita nila. umaasang sana’y mabigyan man lang ng kahit kaunting barya.

    ang hirap sa kalooban tingnan
    lalo na kapag kumakain ka sa isang fastfood
    tapos pagtingin mo sa labas makikita mo ang mga batang nagugutom na ‘to
    parang ang hirap lumunok.

    natutuwa ako dahil alam kong isa ka sa mga nagbibigay ng pag-asa sa mga batang ito ms. N.

    Merry Christmas.

  5. nortehanon Dec 10th 2010

    Maraming salamat, Kapatid. Masarap maging inspirasyon ang kahirapang aking pinanggalingan.

    Kung minsan, ang mga batang iyan, kailangan lang nila ng magpapakita ng malasakit at magandang kalooban. Higit pa yun sa pakiramdam na may laman ang kanilang tiyan πŸ˜‰

    Merry Christmas din sa iyo at sa iyong pamilya.

  6. TAMA kapatid.
    kailangan nilang maramdaman na may nagpapahalaga at nagmamalasakit samahan pa ng respeto sa kanila para maramdaman nilang ‘kabilang’ parin sila sa lipunan.

    isang mapagpalang pasko sa iyo at sa iyong pamilya kapatid.

  7. sad but true…. daming nagkalat na batang lansangan.

  8. nortehanon Dec 10th 2010

    Di naman gaanong sad, MP. Dahil ang kwento ng musmos ay may dalang pahiwatig sa atin πŸ™‚ Kaya wag ka na sad, ha?

  9. matapos ang matagumpay na Project Smile kaninang umaga, your post actually made me sad..totoo naman kasi.. madami.. madami ang ganyan… my heart goes to these children. maswerte pa rin ako.. maswerte pa rin ang mga batang nabigyan namin ng kaunting regalo kanina. kahit papano nakakapag-aral, maski na salat sa lahat at least may bubong silang nasisilungan, may pamilya, may pagkain kahit na pagkaminsan sumasala. ang unfair ng buhay.

  10. nortehanon Dec 10th 2010

    Hi Yanah, naku, tuwang-tuwa ako sa ibinalita mo kanina tungkol sa Project Smile. Salamat at marami pa ring nagmamalasakit sa mga bata. Tama ka, nakatutuwa ring isipin na marami pa ring maswerteng batang Pilipino sa kabila ng lahat.

  11. aw! Ms. N, naiiyak ako.. nasa panahon kasi ako ng pagrereklamo nakalimutan kong may higit pang may karapatang magreklamo. Tagos hanggang buto ang pagsasalarawan mo Ms. N.

  12. nortehanon Dec 10th 2010

    Medyo nahalata ko nga sa post mo sa blog mo, Ms. Ani πŸ˜‰ Pero natural lang sigurong dumarating ‘yan sa buhay natin. Ang mahalaga, we keep on going. At natutuwa akong kahit paano ay may naidulot sa iyong maganda ang post na ito. Maraming salamat.

  13. Ang galing mo nmn…alam n alam mo ang pinagdaanan ng bata…at nakikita nmin ito sa likha mong larawan…GENIUS! πŸ™‚

  14. nortehanon Dec 10th 2010

    Dahil halos ganyan din ako sa kanila dati, Jag πŸ˜‰

    Maraming salamat, iho.

  15. nakakalungkot πŸ™ pero totoo

  16. nortehanon Dec 15th 2010

    Opo, ito ang nakakalungkot na katotohanan πŸ™

  17. another poignant post Ms. N, this line really tears my heart
    “hindi pa man isinisilang ang araw,
    gising na siya’t nilalambat na ng kanyang mga daliri
    ang kanina pa makukulit na langaw.”….. i imagine this scenario Ms. N πŸ™ sana lahat ng bata nasa tahanan na puno ng pagmamahalan sana sana sana puro sana… nawa ay magka totoo kahit malayung mangyari πŸ™

    i want to share this to you pero for sure alam mo na din ito…

    “On the road I saw a child cold and shivering, I felt bad and ask God, “Why don’t You do something, Why do You allow this?”
    God replied ” I certainly did, I sent you.” πŸ™‚

    Nawa maging pagpapala tayo sa ibang tao πŸ˜€

  18. nortehanon Dec 15th 2010

    hi Zeb!
    Hindi malayong mangyari yun πŸ˜‰ Basta lang tututukan ang problemang ito ng lahat ng kinauukulan, mapa-government man o private sector.

    Salamat sa pag-share mo. Napapansin kong tuwing may post ako ay may bago kang sini-share. I appreciate that very much.

    Sana nga, Zeb, sana nga’y palagi tayong bigyan ng lakas para magbahagi sa iba.

    God bless!

  19. you really captured, photo and words, the hardships and trials for the homeless especially kids.

    mabuhay ka!

  20. nortehanon Dec 15th 2010

    Maraming salamat, Kayni.

    Mabuhay ka rin! God bless!

  21. nkakalungkot nmn..haiszt

    merry xmas Ms N

  22. nortehanon Dec 15th 2010

    Merry Christmas din sa yo, che. Wag kang malungkot, enjoy mo lang Pasko mo dyan sa SG πŸ˜‰

  23. ang Pasko daw ay para sa mga bata. Silang mga kinagigiliwan ng Diyos. Saludo ako mga tao/grupo na may adhikain para sa mga batang kalye hindi lang tuwing Pasko. Ang pagsasalarawan mo po Ms. N ay isang pambukas mata, puso at isip na sa kabilang banda may mga batang napapasaya ng diwa ng Pasko at sa buong taon.

    Maligayang Pasko po!

  24. nortehanon Dec 14th 2010

    Tama ka, Pong. Hindi lang dapat tuwing Pasko. Ang pagpansin sa kanila tuwing Pasko ay isang band-aid solution lang, pansamantalang pampagaan ng kanilang kalooban. Ang kailangan ay long-term solution.

    Maligayang Pasko rin sa ito, Pong….at advance happy birthday! πŸ™‚

  25. poetry at its best!

    kung nakakasakit sa mata ang larawan ng mga batang gaya nila, ibang level ng sakit ang hatid ng pagkakahayag ng pinagdadaanan nila. may mga salitang kumakalabit, may mga salitang yumuyugyog sa baliktat, at may mga gaya ng tulang ganito ang humihiyaw sa pandinig ng nakakabasa saka sasampalin ng katotohanang kailangang gumising at kumilos ng lipunang natutulog imbes harapin ang problemang gaya nito.

    naisip ko bigla ang RH bill. isang bagay sana iyon. ang mukha ng mga kandidatong nahalal at nangakong tutulong sa problema ng kahirapan. sa bandang huli, naisip kong nasa magkabilang tabi lang ang problema at solusyon. nagtitigan lang sila at naghihintay sa pag gising ng lipunang nahihimbing sa piling ng masayang panaginip.

    hinding hindi ako magiging sanhi ng dagdag na kasawian at lungkot sa puso nang sinumang bata bagkus sa abot ng aking makakaya, pipilitin kong dagdagan ang ngiti sa kanyang pisngi at pangalagaan ang kanyang kamusmusan.bilang kuya.bilang magulang.bilang kapit bahay.bilang mamamayan ng sanlibutan.

    -ang panatang maka-bata

    napakagandang handog nito sa kamalayan namin na makakabasa miss N.salamat!

  26. nortehanon Dec 14th 2010

    Hi, Duking,
    Maraming salamat.
    Gustung-gusto ko ang panatang maka-bata mo. Ang galing. Sana ay ganun ang attitude ng nakararami sa atin, hindi lang sa salita kundi sa gawa. Madali kasing magpahayag ng salita, ngunit ang pagsasabuhay ang mahirap na parte ng pagtupad ng isang panata.

  27. Hi Ms. N..

    Nakakaiyak naman yung post mo..

    Nakakaawa talaga ang mga batang lansagan….

    Sana merong intitusyon satin na kukunin nila lahat ng batang lansangan…Tulad ng gingawa ng dswd dati. Para wala ng batang lansagan, kasi mas maganda kung my mag aalaga sa knila, mabigyan sila ng sapat na edukasyon.

    Isang magandang post na naman Ms.N.

    pagdating sa pag susulat, saludo ako sau….

    ingat ka lagi….

    hanggang sa susunod…

    mwahs….

  28. nortehanon Dec 14th 2010

    khyshelle! Na-miss kita dito πŸ™‚ Kumusta ka? Oo nga, mas maganda kung may mag-aalaga sa kanila. Pero mas maganda kun gmay malinaw na magandang at epektibong programa para hindi na tayo makakakita ng mga batang tulad nila.

    Maraming salamat sa iyong very kind words, bagama’t hindi intensyon ng blog na ito na mag-showcase ng istilo ng pagsusulat. Kasangkapan lamang ng blog na ito ang pagsusulat para makapagpahayag at subuking magmulat ng iba sa kagandahan ng buhay πŸ™‚

    Ingat ka rin lagi. Sending back to you a beso-beso πŸ™‚

  29. thumbs up. Ang ganda.. la na ako masabi. Nainspire tuloy ako mag sulat =)

  30. nortehanon Dec 14th 2010

    Maraming salamat, keko. Welcome dito sa blog ko. Kita-kits around. Sulat lang ng sulat, okay? =)

  31. Ms. N, may programa ang DSWD ngayon tungkol sa mga batang lansangan. Sabi nga, hindi awa/pagkahabag ang kailangan nila kungdi tulong, hindi sigaw o tanong kungdi yakap, eh paano kung sa sarili natin, kulang pa rin ang ating pinagkakakitaan? Maraming tanong kung ayaw tumulong.

    Isulong ang RH bill upang kumonti man lang ang mga batang ligaw sa lansangan.

  32. nortehanon Dec 14th 2010

    Tama ka, Ginoong Kulisap, hindi awa ang kailangan nila kundi ang sama-samang pagkilos para sa kanilang kapakanan. Hindi ang pagbibigay dole-out kundi pangmatagalang solusyon sa kanilang kalagayan at pagpaplano para sa pagtulong na mapabuti ang kanilang bukas.

    Hindi ko na panghihimasukan ang RH bill. Ang tanging masasabi ko lang, it all boils down sa pagiging responsable ng mga magulang. Kung sana’y lahat ng magulang ay iniisip ang magiging kapakanan ng kanilang anak, hindi na nating kailangan pang pagtalunan kung ilang anak ang dapat sa pamilya, kung ilang taon dapat magpatali ang babae, kung anong method ang kailangan sa family planning.

  33. Hindi ko naman masabing kulang sa pag-iisip ang pamilyang Pinoy pero ang tanging natitiyak ko ay kakulangan sa kaalaman.

    Iikot lamang tayo sa tamang pagkukunan ng kaalaman, tamang pasilidad at suporta ng gobyerno.

    Kadalasan sa mga mauunlad na bansa, maliit na populasyon ang namamayani.

    Maligayang Pasko Ms. N/

  34. napaiyak ako…

  35. nortehanon Dec 14th 2010

    Magandang araw, Kiko, at salamat sa pagbisita. If you were moved by the poem, salamat. Ang tanging layunin nito ay magmulat sa atin sa kondisyong araw-araw na kinakaharap ng mga batang tulad niya.

  36. Ms. N! kokoronahan na kita bilang makata ng taon! tagos na naman sa puso ang iyong isinulat. at ako’y tila napaluha, naisip kung gaano kapalad ang kabuhayan ng iba samantalang ang batang tinukoy sa tula ay walang makain sa bisperas ng Pasko. πŸ™

  37. nortehanon Dec 14th 2010

    Jayvie, daliiiiii nasaan na ang korona? ahaha! excited?!

    Hindi nito ibig na paluhain ka. Ibig lang nitong kwentuhan ka at konsiyensyahin habang subo ka ng subo ngayong Pasko ng masasarap na pagkain harharhar!

  38. .. napakalungkot ng katotohanan sa buhay ng mga bata na ganyan ang kondisyon. pamulat mata ang tula mo miss n.

  39. nortehanon Dec 14th 2010

    Salamat, Rob. Ito nga ay naglalayong magmulat sa atin sa maraming bagay. Ilan sa mga bagay na ito: na tayo ay maging mapagpasalamat sapagkat sa kabila ng mga hinaharap nating problema ay mas marami tayong biyaya kesa sa kanila, na tayo ay patuloy na kumilos para sa kanilang kapakanan, na sa mga biyayang ating natatanggap ay matuto tayong magbahagi hindi ng limos kundi ng ating sarili sa iba.

  40. this is very touching N. masuwerte pa rin talaga tayo at kahit paano ay di na kailangan sumala sa pagkain. i always remind my kids about how fortunate they are. sana dumating ang araw na wala ng batang magugutom sa lansangan. para everybody happy! πŸ™‚

  41. nortehanon Dec 15th 2010

    Hi Enjoy! Amishu! Kumusta? Halika, maupo ka muna. Let’s have some tea πŸ™‚

    Tama ka, masuwerte tayo sa kabila ng mga trials natin sa buhay. Mabuti nga tayong matatanda, we can find ways to solve our problems in our own capacity. Pero ang mga bata, talagang wala. Survival of the fittest talaga sa lansangan. Sana nga, Enjoy, sana nga ay wala nang batang lansangan.

  42. bravo, ang ganda ng pagkakalahad at mensahe.

    sana nga’y magkaroon ng kasiyahan ang bawat bata sa mundo. nawa’y ang Pasko ang magsilbing araw kung saan masasabi nilang may pag-asa at saya rin sa buhay.

    mabuhay at maligayang Pasko!

  43. nortehanon Dec 21st 2010

    Maraming salamat, hoshi. Sana nga. Ang dami nating “sana” πŸ˜‰

    Mabuhay ka at maligayang Pasko rin sa ‘yo!

  44. hi! i’ve read the poem and sobrang nakaka antig sa puso.. can i share this site to friends para mabasa nila ang tula mo? maraming salamat at maligayang pasko sau. πŸ™‚

  45. nortehanon Dec 16th 2010

    Hi Lalie! Maraming salamat po. Natutuwa ako at nagustuhan mo itong tula. Syempre po, you may share this site. Walang problema πŸ™‚ I’m even flattered you consider this worth sharing with your friends. I noticed you did not leave a link to your blog (or do you have one?) so I sent you an email using the email address you used in this comment.

    Maligayang Pasko rin sa ‘yo!

  46. napaka ganda naman po nito, malalim at malaman. nakakaaliw talaga mapadpad dito sa datkom mo ms.n. πŸ™‚ para akong nag safeguard, hehe, parang konsensya ang mga posts nyo, ang sarap basahin, lalo na sa mga panahon ng kalungkutan at tuwing may tampo ako sa mundo. medyo malungkot ako kasi wala akong pera ngayong pasko, pero dahil sa sinulat nyo, na guilty ako bigla (ng bonggang-bongga, LOL) dahil naghihinanakit ako sa mundo samantalang may bahay at pamilya naman ako at tiyak na may kakainin ako sa araw ng pasko.

    sana kahit man lang sa araw ng pasko at bagong-taon, walang bata ang magutom. eto na lang ang wish ko ngayon pasko.

  47. nortehanon Dec 21st 2010

    Hi Raffy, nakangiti ako habang binabasa itong comment mo, lalo na dun sa part na para kang nag-safeguard hehehe. Maraming salamat.

    Wag kang magatatampo sa mundo, iho. Pilitin mong maging positive lagi, kasi pagdating ng araw maiisip mo hindi naman pala ganun karaming dahilan para magtampo πŸ˜‰

    Pareho lang tayong walang pera sa Pasko, iho. Kami ay walang bonus. But it should not keep us from celebrating Christmas. After all, simpleng-simple naman talaga ang unang Pasko, yung sa sabsaban πŸ˜‰

    Salamat sa wish mo, siguro dahil sa wish mo ay may mga batang mai-spare sa gutom πŸ™‚

  48. Whew! The power of a photograph and of words… I was teary-eyed.

    I used to feel good with myself, being a child sponsor in WV, sometimes agonizing yet rewarding…

    But there have been many moments when I see children lying on the streets and all I can do is stare and utter a wishful prayer. There were also many times that I’d head to the nearest bakery, and buy as many bread as can with the money I have and put bread beside these sleeping children. But then most of the time I feel helpless, and I feel guilty for not having done much. I see the image of Christ the suffering, Christ the helpless, Christ the child… And yet all I can offer is a prayer and a piece of bread for the night… πŸ™

    β€œOn the road I saw a child cold and shivering, I felt bad and ask God, β€œWhy don’t You do something, Why do You allow this?”
    God replied ” I certainly did, I sent you.”

    My response: “Yes Lord, You did send me. But see, I am also suffering and wounded too. Forgive me, I am an unworthy servant for I haven’t done much for Your children…”

  49. nortehanon Dec 22nd 2010

    Mark, sabi nga nila, there is no such thing as “small” when it comes to charity. The ripples you create, however “small” you see them, will join the ripples of others. And together they will become a very big wave of charity πŸ™‚

  50. hi Ms. N! muling dumadalaw… hayyy… nakakalungkot lang, madalas pa naman madinig sa karamihan na ang pasko ay para sa mga bata. sabi mo nga habang nagsasalo-salo ang mga pinagpala sya naman ay maghihintay na lang ng bukas para sa mga pagkaing nasa itim na bag.

  51. nortehanon Dec 22nd 2010

    Davin! Na-miss kita hehehe. Kumusta? Wag ka malungkot, marami namang mga taong may ginintuang puso na magpapaligaya tiyak sa maraming batang lansangan ngayong Pasko πŸ˜‰ Kahit saglit lang, magiging masaya sila. Pero ang wish ko talaga para sa kanila ay yung magkaroon ng long-term solution sa problema nila.

  52. Napakagandang tula. Nakakapukaw ng damdamin πŸ™‚ Babalik-balikan ko ang bahay mo. Have a nice week ahead!

  53. nortehanon Jan 11th 2011

    Hi Katherine! Maraming salamat! Enjoy the week, too!


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.