Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

Ang Buhay, Ang Blog, at Isang Pagtatapat

Isang pagtatapat: hindi ito ang kauna-unahang blog ko, bagama’t ito ang kauna-unahang dotcom ko.

Kung pagsasama-samahin ang mga taon na nag-blog ako, aabot na rin ako ng mahigit pitong taon. Bago pa man sumikat nang husto ang WordPress at Blogger at mga sariling dotcom, sumubok na akong mag-blog. Dati akong nasa tabulas, sa blogdrive, tk, i.ph at pati sa tblog. Marahil, marami sa inyo ay hindi na pamilyar sa mga blog site na ito dahil mga bata pa kayo noon hehehe.

Nariyan pa ang ilan sa mga blog ko na yan, nakalutang lang sa hangin. Iisa ang tema, parang diary. Maaaring nadaanan na ninyo at nasilip. May apat na blogger na sinamahan ako rito mula pa sa isang naunang blog ko.

Isang natutuhan ko sa pagba-blog ay ang malaking pagkakatulad ng ugnayan ng tao sa tunay na buhay at sa blogging.

Sa buhay, may mga taong dumarating na parang mga patak ng mahiyaing ulan: darating panandali at mawawala bigla. Sa blog, ganun din.

Sa buhay, may mga taong dumarating ngunit hindi nagpaparamdam. Nariyan sila ngunit ayaw ipaalam, mas pinipili lang na magmasid at sumubaybay, manatiling tahimik at walang imik na maghintay ng susunod na kabanata ng ating buhay. Sa blog, ganun din.

Sa buhay, may mga taong kumakatok sa ating pintuan. Tulad halimbawa ng mga kandidato sa eleksyon, kakatok at hihingi ng boto. Pagkatapos ay biglang mawawala, at hindi na lilingon kailan pa man. Sa blog, ganun din.

Sa buhay, may nga taong ngingitian mo, dadalawin, babatiin, kukumustahin, ngunit hindi ka tatapunan ng kahit kaunting pagtingin. Sa blog, ganun din.

Sa buhay, may mga taong dumarating para pangitiin ka, para makitawa, makiiyak, makiramay, at makibahagi. Sila ‘yung mga taong hindi ka man magpakita ng ilang linggo o hindi ka man dumalaw ng ilang buwan ay nariyan pa rin bilang mga kaibigan. Patuloy kang naaalala. Patuloy na nagtitiwala. Patuloy na handang makibahagi sa buhay mo. Sa blog, natutuwa akong may mga taong ganun din. At sa araw na ito, espesyal kitang pinasasalamatan kung isa ka sa kanila.

Natutuhan kong sa kwadradong mundong ito kung minsan ay hindi na kailangan ang pangalan, hindi na kailangan ng mukha. Sapagkat hindi ang mukha at pangalan ang ating pagkakakilanlan. At kahit kailan ay hindi rin ito magiging sukatan ng pagkakaibigan. Dito, sa mundong ito na pinaiinog ng sala-salabat na kable, hindi lang tayo sa mata maaaring magkita kundi sa damdamin at diwa at sa matamis na himig ng pagtitiwala.

Today, nortehanon.com turns two and two years of having nortehanon.com in my life has been a lot of fun, all because you have joined me in celebrating the gift of life. So please accept my heartfelt gratitude. I’m sending cyberhugs your way. But I’m reserving a real hug for each one of you, if and when we ever meet in person someday….

Maraming, maraming, maraming salamat po!


(Ang larawan ay kuha ni Ana Banana at bigay niya NOONG ISANG TAON. Si Ana ay isa sa mga unang bisita ko dito sa blog na ito at hanggang ngayon ay patuloy na dumadalaw. Salamat, Ana.)

Posted 6 years, 10 months ago at 8:26 am.

60 comments

60 Replies

  1. base ba ako? wahaha!

    Ms. N!!! nakakaiyak naman to! huhu. pero anyway highway my way gokongwei, happy anniversary sa Nortehanon.com!!!!!!

    kakapalan ko mukha ko at sasabihing kabilang ako dun sa
    “Sila β€˜yung mga taong hindi ka man magpakita ng ilang linggo o hindi ka man dumalaw ng ilang buwan ay nariyan pa rin bilang mga kaibigan. Patuloy kang naaalala. Patuloy na nagtitiwala. Patuloy na handang makibahagi sa buhay mo.”

    hehe. oonga Ms. N, sa spirit nga kamo, ramdam na ramdam ka namin! mwahugs!! πŸ™‚

  2. nortehanon Nov 3rd 2010

    Base ka nga! Dahil dyan, clooose na tayo! (Haha! Parang si Mr. Fu lang ‘no?)

    Maraming salamat sa greetings, Jayvie! Wag kang mag-alala, hindi mo na kailangang kapalan ang iyong mukha dahil idinideklara ko nang isa ka sa mga taong iyon haha!

    Talaga? Naramdaman mo ako in spirit? Hala, baka hindi ako yun, Jayvie! Katatapos pa man din lang ng Halloween…awoooooo! πŸ˜€

  3. kaarawan na ba ng datkom ni Ms. N ngaung araw na toh? ahihihihi
    haverdey sa nortehanon! more blogging years to come..

    naikutan ko an rin yung mga nabanggit mo na blogging host hehehe..

    sa lahat eto ang pinakagusto ko:

    “Sa buhay, may mga taong dumarating para pangitiin ka, para makitawa, makiiyak, makiramay, at makibahagi. Sila β€˜yung mga taong hindi ka man magpakita ng ilang linggo o hindi ka man dumalaw ng ilang buwan ay nariyan pa rin bilang mga kaibigan. Patuloy kang naaalala. Patuloy na nagtitiwala. Patuloy na handang makibahagi sa buhay mo. Sa blog, natutuwa akong may mga taong ganun din. At sa araw na ito, espesyal kitang pinasasalamatan kung isa ka sa kanila.”

    thank you for inspiring us your readers.. looking forward to more inspiring posts from you.. Im glad i found your blog.. and i cant wait for the day na makita ko po kayo in person hehehe.. alam na..

    have a nice day Ms. N…

    namiss kita ng ilang araw ah!

  4. nortehanon Nov 3rd 2010

    Yes, Yanah, birthday nito today. Pero walang handa eh. Wala pa kasing 13th month haha! Kape lang meron dito, gusto mo? Isang tasang kape na may kasamang pan de sal na may palamang pagmamahal πŸ™‚

    Aha! Ikaw din pala ay dating squatter sa blogging ha. Pareho palang tayong No Permanent Address sa blogging nun ha, umiikot lang sa mga bloghost hehehe

    Salamat sa pagbati, Yanah. Parang baliktad yata, iha, because I am inspired by my readers πŸ˜‰ Umasa kang magpapatuloy ako sa pagbabahagi sa pamamagitan ng blog na ito. Natutuwa rin akong makilala ka at ang iyong blog. Ako rin ay umaasang matutunaw ang maskara hahaha!

  5. Ayun naman eh, birthday pala ni nortehanon.com πŸ™‚

    Happy anniversary sa inyo πŸ™‚

  6. nortehanon Nov 3rd 2010

    Sir Charlie, salamat po! At salamat sa ating pagkakaibigan na nagsimula noong unang taon sa halos ganito ring panahon πŸ˜‰

  7. Salamat sa pagba-blog mo Ms. N, marami akong napupulot πŸ™‚

  8. nortehanon Nov 3rd 2010

    Dinah, maraming salamat din at isa ka sa mga blogger na matagal na ring nagtiyaga dito sa bahay ko.

  9. Happy Anniversary!!! I love this post. Totoo nga. ang blog ay nagpapatunay na hindi tayo limitado pagdating sa “friendship”. And many more years to come!

    I’m always here… kahit di regular ang dalaw lately. See you around Sis! πŸ˜›

  10. nortehanon Nov 3rd 2010

    Little Sis!
    Thank you for the greetings! Alam ko naman na andyan ka lang πŸ˜‰ I read your All I Want post. Sana ma-grant lahat ng partner mo haha!
    See you around!

  11. Ang lalim nitong post mo na ito, Sis. Kasing lalim ng pagma-mahal at pag-hanga ko sa iyo, noon, ngayon, at pang-matagalan! Isa ka sa mga nakilala ko sa mundo ng blogosphere na napalapit sa aking mailap na puso. You have truly captured my SkippyHeart!

    Cheers to you, Dear N! Continue to be a blessing to us all! GOD BLESS you as always!

  12. nortehanon Nov 3rd 2010

    Ate Becca! Maraming, maraming salamat sa napakatagal na nating pagkakaibigan. Ikaw na ang naging Ate ko dito πŸ™‚ I am blessed to have found you. God always find ways to bring me people who gives me positive energy πŸ™‚

    God bless din, Ate Becca!

  13. So cool Ms. N. I agree with everything you wrote here. Uhm, Happy Anniversary sa blog na ‘to! =D

  14. nortehanon Nov 3rd 2010

    Hi Pao! Maraming salamat sa pagiging mabait sa akin palagi πŸ˜‰ Salamat sa greetings.

  15. happy blogoversary ms. N, patuloy na makikibahagi si aninipot sa paglalakbay ng nortehanon.

    be blessed ms. N. πŸ™‚

  16. nortehanon Nov 3rd 2010

    Ms. Ani!
    Maraming, maraming salamat! Natutuwa akong makilala ka na tulad ko ay isa ring taong mahilig sa bundok hehehe. Ang pagkakaiba natin ikaw ay climber at ako ay hindi πŸ˜‰

    Be blessed, too!

  17. Awwwwww….. special mention pa, touch naman ako. Makakaasa ka Ms. N sa patuloy kong pagdalaw sa blog mo at pagsuport sa Pens of Hope.

    Thanks Ms. N for touching one’s life through your blog.

    Happy 2nd Anniversary sana pala nakagawa ako ng latest fan sign hehehe

  18. nortehanon Nov 3rd 2010

    Hi Ana!
    Naku, no need for a fan sign. Okay na okay na ang simpleng greetings mong ito. Maraming salamat sa dalawang taon mong pagsama sa aking paglalakbay.

  19. Happy birthday sa blog mo Ms. N! More years to come… πŸ™‚

    Ganun talaga… may darating at may mawawala. Ang mahirap lang kung yong dumating na yon ay masyadong kang na-attach at biglang nawala.

  20. nortehanon Nov 3rd 2010

    Hi MP! Maraming salamat.
    Yes, I agree. Kaya nga’t naihambing ko ito sa totoong buhay. Oo nga, mahirap nga kung masyado ma-attach at mawala. Katulad ng sa totoong buhay, mahirap ang masanay.

  21. Mabrook! Happy Anniversary Ms. N. Ang tagal mo na palang blogger. OoO tama hindi nga ako pamilyar sa mga host na nabanggit mo, but I beg to disagree, you don’t look old in your photo. ha3. I love Nortehanon and please keep on inspiring people and us with your writings. You are one woman with substance.

    Cheers from Yellow Bells!

  22. nortehanon Nov 3rd 2010

    YB! Salamat! Haha! Hindi naman po sa ma-brook. Siguro dahil talagang gusto ko lang magpasalamat sa inyo mula sa puso πŸ™‚

    Hmn, kung hindi ka familiar sa mga blogging host na yun, ibig sabihin ay bata ka pa πŸ™‚ Bata pa nga siguro ako sa picture ko na yun kasi that was taken noong panahon ng Hapon hahaha! Jowk.

    Asahan mo pong magpapatuloy ang Nortehanon sa sinimulan nitong adhikain. Dadamihan natin ang substance na iyan, baka sakaling isang araw ay maisangla ko sa bangko ahaha!

  23. huwaw! apiedertdei kay nortehanon.com
    at sa babaeng nasa likod nito, walang mukha pero nagpapakilala kung paano ipagdiwang ang kagandahan at kahalagahan ng buhay na bigay ng Diyos.

    damang-dama ko ang cyberhugs hihihihi
    akala ko may pic mo na po Ms. N kasi sabi mo Isang pagtatapat, dahan-dahan kong hinihila pababa ang scroll para sa pic mo wala pala hahaha, nataga ako dun
    ako nagpapasalamat ako kay teacher nalaine dahil napadpad ako sa kuta mo! yehey!
    saan po ang party?

  24. nortehanon Nov 3rd 2010

    Malaki pala ang utang na loob ko kay Teacher Nalaine, Pong. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ka maliligaw dito πŸ™‚ Medyo matagal na rin kaming magkakilala ni Nalaine, mula pa doon sa unang blog niya. Natutuwa ako sa blog niya at alter ego niya πŸ˜‰

    Salamat sa greetings, Pong. Sorry kung nataga ka haha! Natawa naman ako dun sa unti-unti mo pang ini-scroll down ang browser mo. Dapat may kasamang sound effect pa yun na parang sa suspense movie hihihi. Hayaan mo at isang araw siguro ay matutunaw din ang maskara hahaha! Masaya ako at naging blogmate kita πŸ™‚

    Party? Naku, sorry, Pong. Walang party eh. Alanganin ang birthday nitong blog ko eh: tapos na ang a-trentang suweldo at wala pang bigayan ng 13th month hehehe

  25. Dito, sa mundong ito na pinaiinog ng sala-salabat na kable, hindi lang tayo sa mata maaaring magkita kundi sa damdamin at diwa at sa matamis na himig ng pagtitiwala.

    Sang-ayon ako dito.

    Dahil ang blogesperyo ay ektensiyon ng mga damdamin at kaisipan na tao rin ang nagpapagalaw, kaya ito ay buhay.

    Binabati kita Ms. N sa ika-pitong taon mo dito. Isa ka na palang pader.

  26. nortehanon Nov 3rd 2010

    Maraming salamat, Ginoong Kulisap. Yun pong ikapitong taon ay pinagsama-sama ng pong haba ng panahon ng ginugol ko sa iba-ibang blog. Pero po itong Nortehanon, pangalawang taon pa lang po nito. Bata pa itong blog na ito πŸ™‚

    “Dahil ang blogesperyo ay ektensiyon ng mga damdamin at kaisipan na tao rin ang nagpapagalaw, kaya ito ay buhay.”>>>Swak na swak po ito, Ginoong Kulisap πŸ˜‰

  27. hi Ms. N! πŸ™‚
    HIndi ko first time dito sa site mo, may mga nabasa na ko dati na mga post mo hindi lang ako nag-iiwan ng bakas. πŸ™‚
    Ang alam ko puro positive at napakagaan ng pagsusulat mo.
    Happy blog anniversary! πŸ™‚

  28. nortehanon Nov 3rd 2010

    Oh, hi Davin,

    Nakakatuwa kasi sa FB kita naunang naging contact bago ka ngayon napadpad dito. Nung nakita ko nga sa FB na may blog ka ay bumisita ako at nag-iwan pa nga ako ng comment eh. Uy, salamat ha at nagparamdam ka πŸ™‚ Nakatutuwang malaman na bukod sa mga nagpaparamdam dito ay meron pa palang iba na dati ay tulad mong tahimk lang na sumusubaybay. Sana ay magparamdam na rin sila tulad mo πŸ™‚

    Halika, tuloy ka at maupo sandali at nang maipaghanda kita ng minindal πŸ™‚ Naubos na ang kape kasi medyo marami-rami na rin ang bumisita mula pa kanina. Kaya sana ay okay lang sa ‘yo kung orange juice ang ihahanda ko πŸ™‚

    Maraming salamat sa greetings. Mamaya dadaan ako sa blog mo. Titingnan ko kung may natira pang ulam na beef tapa hehehe

  29. dati naman kase kong reader lang talaga, mga kalahating taon din siguro bago tuluyang maggawa ng sariling account sa wp. hehehe… pero ayun, paminsanminsan lang ang update… balik ako bukas para sa mga new post mo. πŸ™‚

  30. nortehanon Nov 9th 2010

    Davin!
    Aha! Ikaw pala ay dating lurker ha hehehe. Mabuti naman at naisipan mong gumawa ng account. Don’t worry kung paminsan-minsan lang ang update, okay lang yun. Andito lang kami mag-aabang sa mga susunod mong post. Maraming salamat sa pagdalaw muli.

  31. Enjoy Nov 3rd 2010

    Wow! Happy blogoversary N! Isa ka na palang haligi. Nakakatuwa ang passion mo for writing na kahit ilan na ang dumalaw at umalis dito sa blog mo, you’re still there to keep your passion burning and inspiring more and more people. Malapit na rin ang blogoversary ko at goal ko ang muling makabalik bago mangyari yun. Hopefully, one of these days πŸ™‚

    More power to Nortehanon.com and may you continue to inspire people through your blogs and advocacies πŸ™‚

  32. nortehanon Nov 3rd 2010

    Waaaahhhhhh….Enjoy, tao po ako, tao po. Hindi po ako haligi ahaha! Pasensya na kung may pagka-krung-krung ako today. Nakalutang lang ako sa happiness ngayon dahil sa birthday ng blog ko hihihi. Masaya lang, ganun.

    Hangga’t may panahon po akong mag-blog ay magpo-post ako dito. Bahala na si Batman kung may magbabasa o hindi πŸ™‚ Ito namang blog ay ginawa ko for catharsis din, emotional release lang, ganun.

    Sana ay makabalik ka sa blogging. Sayang naman ang pagkakapanalo mo ng PEBA OFW Blog award last year, di ba, kung hindi mo ito itutuloy πŸ˜‰ I am looking forward to it. Namiss ko bigla ang mga palitan natin ng komento. Salamat dahil kahit natigil muna ang blogging life mo ay patuloy kang nakikipag-communicate.

  33. Enjoy Nov 3rd 2010

    Siempre naman… ikaw yata ang isa sa mga idol ko pagdating sa pagsusulat. Yun oh! San ba handaan? :))

    Malapit na kong bumalik sa blogging… nararamdaman ko yun. Hehehe πŸ™‚

  34. nortehanon Nov 5th 2010

    Nyahahaha! Idol talaga ha? Parang bigla naman akong nahiya dun ah. Wag ganun, walang ganyanan , hokey? πŸ˜‰

    Handaan? Naku, wala eh. Alanganin sa sahod hehehe. Wala pa ring 13th month.

    Heksayted na ako sa iyong pagbabalik, Enjoy! Nangangamoy dotcom na ba? haha!

  35. Happy Birthday sa dotcom mo πŸ™‚ keep on writing Ms. N. alam kong darating ang panahon na magkikita kita tayo, magtatawanan at magkwekwentuhan ng harapan na walang kableng nakakonek:-)

    Salamat sa bawat post, sa bawat kwento at sa bawat larawan.:-)

  36. nortehanon Nov 5th 2010

    Maraming salamat, Ms. Anne! Isang araw, masarap ngang dumating iyon na magkwentuhan tayo nang harapan πŸ˜‰

  37. maligayang kaarawan sa blog mo Ms n. bago man ako pero ako ay nkkibagi sa ikalawang taon mo dito sa dotcom mo. Cheers!

  38. nortehanon Nov 5th 2010

    Hi Che! Maraming salamat! I am honored na isa ka sa patuloy na nakikibahagi dito at natutuwa talaga ako.

  39. una,maligayang ikalawang taon ng Nortehanon sa blog!

    pangalawa,salamat sa napakagagandang post.kung sa paghahambing na ginawa mo,lalagay ko na lang yung sarili ko sa mas simpleng paghahambing.matakaw ako kunwari.pagkain ang blog.pagkain ng kaisipan,ng pananaw sa buhay,ng diwa.kunwari,restaurant tong nortehanon.paulit ulit akong kumakain.masarap lagi.thank you sa cook kahit lagi syang nasa kusina at ni hindi ko man lang alam kung sino ba sya kapag tapos nyang gawin ang trabaho nya sa restaurant.at lalo syempreng thank you kase libre ang pagkain.

    magandang araw!

  40. nortehanon Nov 5th 2010

    Maraming salamat, Duking!

    Nakakatuwa naman, imagine, nagawan mo pa ng analogy ang pagbisita mo dito hehehe. Pati yung sa part ng cook. Pinabilib mo ako hehehe. Palaging magiging libre ang pagkain dito hehehe

  41. happy anniversary. I love how you listed the similarities of life to blogging, very true all of them. we both share the love for outdoors, maybe hopefully someday, we get to meet, either there or here or somewhere πŸ™‚ happy anniversary again.

  42. nortehanon Nov 5th 2010

    Thank you so much, Ms. Betchai. Yes, perhaps we can someday explore some interesting places πŸ˜‰

  43. awwww… nahuli akong bumati. Pero ang motto ko naman ay better late than never. hehehe

    You are one of those whose blogs I enjoy visiting from time to time. I may not be able to visit as often as I want to because work, especially right now, is interfering with my bloghopping (teehee!) but please know that I consider this site special to my heart. It has all the more become significant when I decided to join your project. Oh, and I haven’t forgotten my promise yet. πŸ™‚

    I wish you more years of blogging. Even if we haven’t met each other personally, your stories have given me and your other readers much better appreciation of life. πŸ™‚

    Cheers! God bless!

  44. nortehanon Nov 5th 2010

    Hi Mommy Kaye! Okay lang po, wala pong late dito kasi hindi ako naglagay ng bundy-clock hehehe.

    Na-touch naman ako sa iyong mga sinabi. Marami pong salamat. At salamat sa suporta sa proyekto. Sa November 19 po may distribution ako and I’m already excited. Wag mo po alalahanin yung promise mo, tuluy-tuloy naman po ang distribution eh kaya you can sent it anytime na di ka na busy at very convenient na sa ‘yo to send.

    God bless din po!

  45. i’m very honored to have “met” you. thank you for inspiring me. πŸ™‚

  46. nortehanon Nov 5th 2010

    AC!!! Nagpa-cater ako para sa sosyal na president ng fan club ko hehehe. Yes, fan club lang kasi iisa lang ang confessed fan ahahaha!

    Maraming, maraming salamat sa dalawang taong pagiging bahagi mo nitong blog ko. You’ve also been a big supporter of POH. Salamat.

    Palagi mong sinasabi na I inspire you. But I am all the more inspired because of people like you.

    I wish you good luck sa lahat ng endeavors mo. Your being part of activities for a cause is only a testament of how big your heart is. You are truly a woman of beauty and substance.

  47. *blushing* ayan na naman kase yang beauty & substance na yan eh. hihi.. thanks. πŸ˜‰

  48. nortehanon Nov 8th 2010

    Because it’s true, my dear πŸ™‚

  49. happy 2nd blogversary…

    sana makilala kita ng personal.. and for keeps.. hehe

  50. nortehanon Nov 5th 2010

    Hi Shea! Uy, alam mo bang na-touch ako sa comment mo? Salamat. Madali naman po ako kilalanin, and yes, I can be a friend for keeps πŸ˜‰ I sent you an email pala.

  51. hapi bday to one of the blogsite i truly admire and always look forward to visit…

    blogging has never been the same bec of u..thanks for making it meaningful, timeworthy, and wonderful…

    press on, …more power, and hope to meet you in flesh, someday :=)

  52. nortehanon Nov 5th 2010

    Isa ka sa mga pinakaunang bisita ng blog na ito. Imagine, two years na pala since your first visit. Maraming salamat sa hindi paglimot sa blog na ito, and for your kind words, too.

  53. sana di pa ko huli. πŸ™‚

    happy second year! πŸ™‚ i may have known this blog for just awhile, i’m sure naman na it’s gonna be one of those i’ll always find time to visit.

    who would appreciate more than a kababayan, diba po?

    i’m just so looking forward to meeting you when time and opportunity allows.

    Congrats and God bless kababayan. πŸ™‚

    *i’m also celebrating my second year. di nga lang po sa dotcom ko (mag-iisang taon pa lang yun eh), kundi sa blogger ko. πŸ™‚

  54. nortehanon Nov 5th 2010

    Hi Pam!
    Don’t worry, wala namang nahuhuli dito eh. Wala kasing bundy clock dito haha!

    Damo nga salamat sa greetings. I believe we’ll see each other again if God wills it, lalo na’t we both came from the same province. Where exactly in Norte did you come from, if you don’t mind? Ako kasi pakalat-kalat eh hahaha!

    Congratulations also on your second year in the blogging world. Keep writing, my dear!

    God bless you, too!

  55. Naku late na ata ako. sana makahabol pa πŸ™‚

    You’re indeed a versatile blogger or should i say, writer, Miss N. Ewan ko bakit ngayon lang ako napapasyal sa blog mo which i think has full of sense and meaning. But better late than never, di ba? I’m glad to know you kahit dito lang sa blog world. Who knows one day we can get to see each other in person. Camiguin tayo πŸ™‚

    Keep writing and keep inspiring us. God bless, Miss N. πŸ™‚

  56. nortehanon Nov 6th 2010

    MissGP! Di ka pa po late, malugod pa rin akong tumatanggap ng mga greetings πŸ™‚

    Thank you for your kind words. I am also honored to have “met” you here. I think it’s never too late. It will never be too late. We still have a lot of time ahead of us to be visiting each other’s blog πŸ˜‰ And yes, perhaps someday, if God will sit, we will both be in Camiguin enjoying White Island with Mt. Hibok-Hibok in the background πŸ˜‰

    God bless you, too!

  57. Wow, nice naman.. MissGreenBellPepper and Nortehanon in Camiguin..ipopost ko talaga yan sa blog ko.. God bless, Miss N πŸ™‚

  58. nortehanon Nov 9th 2010

    Haha! Parang may title ka na agad sa post mo ah hehehe πŸ™‚
    God bless din, iha! Kumusta ang umaatikabong lablayp? haha!

  59. first time ko s ablog mo ngayon, pero pangalawang comment ko na ito, at kahit late na ako sa eksaktong date ng blog anniversary mo, binabati pa rin kita!

    tama ka sa mga sinabi mo. ako 2007 nag-start ng seryoso sa pagba-blog. kaya hayin nasabi kong tama ka. hehehe

    mabuhay sa iyong pagiging blogger, mga blogs at mga adhikain!

  60. nortehanon Dec 4th 2010

    Hi! Maraming salamat sa pagbati. Kita-kits around πŸ˜‰


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.