Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

I’m a Versatile Blogger

No, I didn’t say that. Pong did hehehe. He passed on to me the Versatile Blogger Award.

He gave me the award because, according to him, I tour my readers to the different places in our country and I take pictures and inscribe them with thoughts about life, living, and faith. Thank you so much, Pong, for this award.

The rule of this meme says I am supposed to share 7 things about myself, para naman hindi ninyo sabihing I’m a ghost blogger at nag-iimbento lang ng mga kuwento ko rito hahaha! So here goes:

1. I used to write for a major daily newspaper in Manila. The collage above shows some of my articles. My first assignment was to cover news at the Department of Health. Next was the Manila beat: NBI, PNP-Western Police District, Manila City Hall and Manila trial courts. Then, I had a short stint at the Department of Justice, Ombudsman, and a few days covering MalacaΓ±ang. I immensely enjoyed everything about my job. And I super miss everything about it.

2. I am the eldest among 5 children. And I am honored and happy to have been able to help my parents send my siblings to college. Awa ng Diyos, tapos na silang lahat at may work na rin.

3. Dahil mahirap lang kami, I couldn’t have finished college without the help of the government of the Land of the Rising Sun, Cherry Blossoms, and Anime. (O ha, marami nang clue kung anong bansa ‘yan haha!)

4. My entire life, I have been blessed with people who are very, very kind. And so I am trying to pay it forward in my own little ways.

5. I am still in contact with some of my teachers, even my Grade 1 teacher. I have always felt that they have been a big part of who I am today.

6. My feet are fond of playing with a blanket/malong before I sleep.

7. I am a child of war kaya ayokong nakikipag-away at gusto ko lagi ng peace πŸ™‚

Next, I am supposed to pass on this award to 15 fabulous bloggers I have recently discovered and to let them know about it. So…I am passing on this award to you. Yes, you, the blogger who is reading this. Because I believe that most bloggers are versatile. Because I know that almost all bloggers who have been reading my blog have written poems, essays, and stories. You all deserve the Versatile Blogger Award. Sige na, gawin na ito. It’s fun, lalo na yung paggawa ng 7 things about yourself πŸ˜‰

Happy weekend to all of you. Sorry but I won’t have access to internet until Tuesday so I won’t be able to check emails and visit your blogs. Sa mga magbibiyahe, mag-iingat po. Enjoy your family reunions. Be safe.

Posted 6 years, 9 months ago at 1:43 pm.

42 comments

42 Replies

  1. nakakatuwa namang malaman yung ibang personal background mo,miss N. then mas lalong nakakatuwa kase ipinasa mo sa lahat ng readres yung award believing na deserving din kami.yehey!

    magandang araw!

  2. nortehanon Nov 2nd 2010

    Ay, yes, syempre deserving kayo, lalo na ikaw, Duking. Ikaw ang tunay na versatile: gumuguhit, sumusulat ng sanaysay, humahabi ng tula, at nagpapatawa rin sa mga isinusulat. O, di ba?

    Magandang araw rin sa iyo!

  3. hahaha Ms. N! nadadagdagan ang mga nalalaman ko about you. hehehe im sorry i was not able to reply last night nakatulugan ko po hehehe..

    niisip ko kung magpapaka-stalker ako at hanapin at alamin kung anong broadsheet ung mga nasa collage hehehe joke lang po.. I know i can always ask you about something hahahaha

    t sa photo po, super super thank you sa pagpayag sa kakulitan ko to give us one photo of Ms. N.. parang kahit ako bilib na din sa kakulitan powers ko.

    ingat po lagi… Godbless..

    ahihihihihi naunahan ako ni kuya DUking!

  4. nortehanon Nov 2nd 2010

    Yanah!
    Haha, hayan, sa wakas hindi na nauna πŸ˜€ Naniniwala na akong hindi ka 24/7 πŸ˜€

    Salamat at interesado kang magkaroon ng kaalaman. Makinig ka kasi nang makinig kay Kuya Kim para sa dagdag kaalaman hehehe. Sige, seriously, nariyan sa baul ko sa kaliwang column ang marami pang kaalaman tungkol sa iyong lingkod. Kapag minsan, umuulan, wala kang magawa, kesa naman bilangin mo ang mga gulay sa La Trinidad ay stay indoors ka na lang at maghalungkat ng baul ko haha!

  5. actually Ms. N bago mo pa man sabihin eh nag-aala-stalker na ko at binubungkal ung baul mo hahahahaha

  6. nortehanon Nov 3rd 2010

    Haha! Sige lang, bungkalin mo lang yung baul. Mabuti nga para matanggal yung mga agiw hihihi.

  7. Oh. Ms. N, you really are a versatile blogger. And it’s nice to read something more of who you are. Great!

  8. nortehanon Nov 2nd 2010

    Maraming, maraming sa iyo, Paolo, iho.

  9. wow! bow ako sayu Ms. N tulad ng sinabi ni yanah nadagdagan din ang nalalaman ko sayu. after reading this, it only means you really really have a humble heart, for sure this are few things for who you really are.

    always be a blessing to other! πŸ˜€
    Godbless you more and more!
    peace out!

  10. nortehanon Nov 2nd 2010

    Hi Zeb! Maraming salamat sa matatamis na salita, ginawa ko nang asukal sa inuming tsokolate ko kanina hehehe. Salamat sa masipag na pagdalaw ha.

    God bless you, too!

  11. yey ms. n!
    basta i have already a glimpse of u dun sa PEBA site hihihihii
    napa wow ako dun sa mga newspapers na pinagtrabauhan mo po.
    kagaya ng ibang comment nakakatuwang isipin na may mga new things/infos kaming nalalaman about kay Ms. N!

    God bless po!
    enjoy your holiday!

  12. nortehanon Nov 2nd 2010

    Yey! Natuwa si Pong sa post ko hahaha!

    Ah, yung sa PEBA? Mga 50 years ago pa yun kinunan haha! Saka, looks can be deceivingβ€”hindi talaga ganyan itsura ko sa personal. Hindi kasi truthful yung lens na ginamit dun nyahaha!

    Isang dyaryo lang ‘yun, iho. Iba-iba nga lang ng assignment. Minahal ko yang trabahong yan, sayang nga lang I had to leave dahil medyo hindi kasya yung salary ko sa pagtulong sa pag-aaral ng mga kapatid ko eh. Pero no regrets naman, basta para sa mga kapatid at sa pamilya ko kaya ko magsakripisyo πŸ˜‰

  13. Congrats sa iyong Versatile Blogger Award Miss N. Naku ikaw pala ay may lisensiya para magsulat talaga. At salamat sa ibang impormasyon tungkol sa iyo. God Bless!

  14. nortehanon Nov 2nd 2010

    Haha! Lolo Jem, hindi naman po kailangan may lisensya para magsulat. Basta mula sa damdamin ang isinusulat, okay na okay po ‘yun πŸ˜‰

    God bless din po!

  15. naku Ms. N salamat sa award hahaha, may isa pa akong alam tungkol sa iyo, unang article mo na nabasa ko ay about sa Christmas tree mo nung bata ka pa na ginagawa nyo ng nanay mo, pareho tayo halos ganon din ang tree namin pag dec 25 at didagdagan ng tatay ko ng belen, mula sa article mo na yon kita sinimulang laging sinubaybayan. kita ko ang pic mo sa PEBA, may may mask muka na tuloy ikaw si super N.

  16. nortehanon Nov 2nd 2010

    Wow naman, naalala mo pa pala yung post ko na iyon! Maraming salamat, YB! That was about a year ago ah. Tenkyu-tenkyu talaga. I was touched, nakakatuwang malaman na meron din naman palang mga post na nari-retain sa mga readers.
    Ikaw ha, ini-stalk mo rin ako sa PEBA hahaha. Kaya ako nag-mask kasi maganda ako kapag naka-mask ahahaha!

  17. ang galing galing talaga ni Ms N. super humble pa πŸ™‚ teka…parang natag na ko noon ng ganito noon πŸ™‚

  18. nortehanon Nov 2nd 2010

    Sige, AJ, dahil na-tag ka na nito noon, excuse ka na hehehe

  19. haha I love your 7 things about you! πŸ˜€

    even the little things are worth being thankful for! πŸ˜€

  20. nortehanon Nov 2nd 2010

    Thanks, Geli. Yes, even the little things are worth being thankful for.
    Kumusta ang thesis? Good luck ha!

  21. you are deserving of the award Miss N.! sabi nga, the truly great are the most humble. Bow ako sa ‘yo – your family is blessed to have you.

    God Bless.

  22. nortehanon Nov 2nd 2010

    Hi Ms. Emma! Na-miss po kita! Maraming salamat. I also feel blessed na sa kabila ng aming pinagdaanan at mga pinagdadaanan ay sila ang naging pamilya ko.

    God bless din po!

  23. Congrats naman….at unti unti na po bang magpapakilala si Ms. N? πŸ™‚

  24. nortehanon Nov 2nd 2010

    Haha! Sir Charlie, sa dami ng mga kwento ng buhay ko na naibahagi ko na rito, unti-unti pa rin ba akong nagpapakilala? Feeling ko naikwento ko na po buong buhay ko dito eh hehehe.

  25. ay natuwa ako! hihi. natuwa ako kasi mas nakilala kita dito Ms. N. pwede mo rin ba sagutin ang mga bagay na ito tungkol sa yo?

    1. ilang taon ka na?
    2. san ka nagtatrabaho ngayon?
    3. ano ang peyborit color mo?
    4. kapamilya ka ba o kapuso?
    5. may boyfriend/asawa ka ba?

    ganito na lang, sama ka sa susunod na meet up namin nila AC hihi. sabik na kaming makilala ang tao sa likod ng Daydream Believer πŸ™‚

  26. nortehanon Nov 2nd 2010

    Dear Javie (parang sa sulat lang ‘no?hehe)

    Sana’y nasa mabuti kang kalagayan. Padalhan mo na lang kaya ako ng slumbook at sasagutin ko ang mga tanong mo. Gusto ko 150-pages na slumbook hahaha! Pero sige, dahil sa ikaw ay mabait na bata ay sasagutin ko ang mga tanong mo:
    1. ilang taon ka na?–Tama lang, hindi naman masyadong bata, pero hindi rin naman masyadong matanda para magka-arthritis at rayuma na πŸ™‚
    2. san ka nagtatrabaho ngayon?–Sa opisina πŸ™‚
    3. ano ang peyborit color mo?–80%magenta +60%cyan πŸ™‚
    4. kapamilya ka ba o kapuso?–Kapatid πŸ™‚
    5. may boyfriend/asawa ka ba?–I’m in love. Kung kanino o kung sa ano, tanging ang ipis lamang sa may pasimano ng bintana namin ang nakakaalam πŸ™‚

    Hmn, imposible po na makasama ako date ninyo ni AC (Ibili ninyo muna ako ng cebupac ticket kahit one-way lang hahaha! Pero salamat sa imbitasyon.). Saka date ninyo yun, dapat solemn, dapat walang istorbo ahahaha!

  27. wahahaha! in-add kita sa fesbuk Ms. N! tanggapin mo naman oh!

    sa opisina ka din nagtatrabaho? ako din eh! baka opismeyts tayo! hehe

    ang kumplikado ng peyborit color mo. ako blue lang haha

    inpernes, mukhang gumaganda nga shows ng TV5 hekhek

    ay talaga inlababo ka teh! share mo naman dito sa bahay mo! wag lang sa pasamano.

    hmmmm. akala ko taga-siyudad ka kahit Nortehanon ka pa. as in, as in, as in!!

  28. nortehanon Nov 3rd 2010

    Ayan, friends na tayo sa Fb. Pero hindi ako kasing-active sa FB, ha. Baka kasi mawalan ako ng trabaho eh haha!

    Malamang! Malamang nga opismeyts tayo! hehe

    Hehe hindi naman kumplikado, actually yan shade yan ng purple. There is this particular shade na gusto ko, yung light lang. Siguro pwede na rin lavender πŸ˜‰

    Napapapansin ko nga na may effort ang TV5 na pagandahin ang mga show niya hehe

    Alin ang share ko? Yung lababo ko? ahahaha!

    Hmmmm…puwede rin naman po ako maging taga-siyudad πŸ˜‰

  29. naks!!!ikaw na!!!!kaw na versatile. hahaha. pag naririnig ko yung word na versatile una kagad pumapasok isip ko yung mga talents na nag-i-split. so kako—kaya siguro versatile blogger e kasi blogger na umi-split.bwahaha

  30. nortehanon Nov 2nd 2010

    Well, pwedeng-pwede rin naman po ako mag-split. Sayang naman yung isang semester ko noon sa gymnastics kung hindi ako matututo mag-split, di ba? haha! Medyo bigyan mo lang ako ng isang taon para mag-prepare. Kailangan ko kasing tumungga ng Anlene sa loob ng isang taon kasi brittle na ang bones ko, delikado ahaha!

  31. Ako nmn hindi ako nakakatulog hangga’t hindi ko naikikiskis ang mga paa ko sa kulambo NOON hehehe…buti nawala na ngayon ang habit na iyon hehehe…

    Congrats sa award hehehe…

  32. nortehanon Nov 3rd 2010

    Ay, kapareho mo ang pinsan ko, Jag. Mabuti nga at nawala, no? Ako, pinilit kong mawala kasi parang dyahe kung nakikitulog ako sa ibang bahay tapos walang kumot tapos maghahanap ako ng kumot, di ba? Nakakahiya naman. Mabuti rin at nawala na yung paglalaro ko ng kumot hehehe.

  33. Wow, it’s interesting to know media practitioner din po pala kayo tulad ko. Sa TV Production naman po ako (dati :). Medyo mahirap nga yung ganun kung hindi sapat ang sahod at marami kang kapatid na kailangang pag-aralin. I’m also the eldest among 7 children. I understand the sacrifices na ginagawa ng isang panganay. But it’s really fun to have a big family – masayang magulo! Haha

    Congrats again Ms. N! πŸ™‚

  34. nortehanon Nov 3rd 2010

    Hi S! Kumusta? Yes, I agree, masaya at magulo ang malaking pamilya haha! Wow, 7 kayogn magkakapatid at panganay ka pala. Naku, dapat good girl ka palagi para susunod sa ‘yo ang mga kapatid mo hehehe. Karaniwan kasi sa mga nakababatang kapatid ginagawa nilang model yung mga Ate at Kuya nila, di ba?

    Wala ka na pala sa TV prod ngayon, I read your posts dati about your production sessions with some ABS-CBN stars. Saan ka na ngayon? Natuloy ba yung pag-venture mo into the tourism industry? Di ba dati parang yan ang gusto mong gawin? Sana natuloy para kung magawi ako ng kasuluksulukan ng Mindanao ay may resource person akong travel expert haha!

  35. Nalate yata ako ng komento. Ano ba ang ginagawa ko.

    Sapat na sa akin ang mga ibinabahagi mo.

    Salamat sa award, salamat din sa mabait na si Pong. πŸ™‚

  36. nortehanon Nov 3rd 2010

    Huwag kang mag-alala, Ginoong Kulisap, dito po sa blog ko ay walang late. Hindi po ako naglagay ng bundy clock sa pintuan πŸ™‚ Maaari pong dumalaw kahit anong oras at hinding-hindi ko ituturing na late πŸ˜‰

  37. Enjoy Nov 3rd 2010

    Dyanraan! (hanep sa entrance! Hahaha)

    Namiss ko ang bumisita dito sa page mo at sa pagdalaw ko, talaga namang nutritious ang nabasa ko. Parang si Kuya Kim lang sa mga trivia (ikaw naman si Ate Kimmy :p ) ah. Kulang na lang talaga eh pektyur na kita ang lahat ng parte ng mukha at hindi natatakpan ng maskara na kulay green at parang pang-masquerade ball. πŸ™‚

    May bago na naman akong nalaman syo. Nga pala, ayoko na kitang tawaging Ms. N. Pag tinatawag kasi kitang “miss”, naaalala ko yung HS English teacher ko na “Miss” pa rin hanggang ngayon. Tama lang ang age mo di ba? Hehehe. I can call you N now because FB friends na tayo. Feeling close lang :))

  38. nortehanon Nov 3rd 2010

    Enjoy!!! Amishu!!!!!!!
    Bakit naman hindi mo sinabing darating ka dito sa bahay ko? Hindi tuloy ako nakapagwalis-walis. Wag mong pansinin ang mga agiw sa tabi-tabi ha, bagay pa naman kasi katatapos lang ng Halloween haha! Anong gusto mo? Kape? Gatas? Milo? o Susagen….Prime?hahaha. Matanda na kasi ako kaya Prime na yung binibili ko hehehe.

    Kumusta? Ang pagdalaw mo bang ito ay senyales ng iyong resurrection sa kuwadradong mundo?
    Dyanraan! (hanep sa entrance! Hahaha)

    Naku, pagtiyagaan mo na muna yang maskarang yan at uso pa naman dahil katatapos lang ng Halloween. Pag inalis mo yang maskara, baka mas nakakatakot makita mo ahaha!

    O siya, feel free to call me N. Kahit Tita N pwede, Mommy N pwede rin. Kung saan ka masaya, doon ako, suportahan ta ka hihihi.

  39. Enjoy Nov 3rd 2010

    Ang bongga naman ng pag-welcome sa kin! Ang daming offer na meryenda. Prime na lang N. Pwede na rin ako dun. Hahaha!

    Wala akong napansin na agiw. Mga nagagandahang nilalang lang (kabilang tayo dun :p) kaya ganun pa rin, masarap pa rin ang bumisita sa bahay mo. Hindi pa rin naman ako nawawala sa mundo ng blogging. Dumadalaw pa rin (parang multo lang ano?) kaya lang tamad mag-comment. Hinay-hinay muna at nire-recharge ko pa lang ulit ang aking mga brain cells pero basta… dadalaw ulit ako πŸ™‚

  40. nortehanon Nov 5th 2010

    Syempre, bongga! Kung pwede nga lang magpa-cater eh haha!

    “Hinay-hinay muna at nire-recharge ko pa lang ulit ang aking mga brain cells”>>>>Naks, talagang recharging ng brain cells ha. Talagang pinaghahandaan nang husto ang pagbabalik πŸ™‚

  41. Ms. N, a truly deserving award. I am learning a lot about you. Your writings are very poetic, both in English at ang sariling wika natin.

    Aha, nahulaan ko na, Japan!

    Pareho pala tayo, panganay, at maagang namamayapa ang mga magulang ko at age 21, kaya, I have sent my three other sibings to school.

    7 plus years, of blogging this is a feat, ako, hehehe mag two years pa ngayong Jan.

    Congratulations again!~

  42. nortehanon Nov 5th 2010

    Thank you, Mommy Ebie! I am humbled by your words.

    Tama po, Japan. Ikaw lang po ang humula πŸ™‚

    Saludo ako sa iyo, Mommy Ebie. Dahil ikaw na pala ang naging nanay at tatay ng mga kapatid mo.

    Your being in the blogosphere for almost two years is already a feat, Mommy Ebie, especially that you always come up with photos that are so lovely, they always remind me how beautiful our world is.


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.