Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

Aling J, Care Giver


Hindi ka sa mainit na buhanginan napunta tulad nila
Kundi sa negyeyelong mundo—
Sa Kanluran,
Na isa ring punlaan ng mga pangarap.

Kung tutuusin, mas maswerte ka
Kaysa sa kanila—
Hindi nasusunog ang kulay mo
Hindi napupuwing ng buhangin ang mga mata.

Swerte nga bang maituturing—
Kung sa halip na anak mo’y
Anak ng iba ang kayakap?
Kung sa halip na nanay at tatay mo’y
Nanay at tatay ng iba ang kinakalinga?
Kung madalas sumasagitsit ang pangungulila
Sa alab ng masasayang alaala?

“Gusto ko nang umuwi ,” ang sabi mo.
“Walang katumbas na Euro ang kalungkutan ko dito
Tuyo na kung tuyo
Dilis na kung dilis
Mantika na kung mantika
Asin na kung asin
Ang ulamin namin.”

“Ayaw ko na sana rito,”
Ang sabi mo noong minsang makausap kita.
“Kung hindi nga lang sa kakarampot na sweldo naming mag-asawa
Na madalas ay nakikiraan lang sa payslip at bulsa.”
Kung hindi nga lang sa anak naming lima
At sa kinabukasan nila.”

Marami-rami na ring tulad mo ang nakauwi na—
May umuwing masaya
May luhaan
May halos panawan ng katinuan
May bugbog ang katawan
Pati na kaluluwa
May halos wala nang hininga.
Ang pinakamalungkot, yaong
Umuwing nakasalansan sa kahon
Ang mga bahagi ng katawan nila.

Malapit na ang Pasko,
Habang eksayted kami sa pagdating nito
Alam kong mas eksayted ka sa paglipas nito.
At sa tuwing nakikita ko sa balita sa TV
Ang pag-ulan dyan ng pinong niyebe,
Naalala kita—
Ikaw at ang iyong pakikipagsapalaran
Ikaw at ang iyong tapang
Ikaw at ang buhay mo sa Kanluran
Ikaw at ang pagnanais mong bagtasin ang daan
pabalik dito sa Silangan.

(Ang larawan ay kinuha ko isang madaling araw kung saan ang mga paa ay unang inihahakbang palabas ng bansang sinilangan, ang Ninoy Aquino International Airport.)

Posted 6 years, 12 months ago at 2:49 pm.

35 comments

35 Replies

  1. Ms. N…

    nakakatouch naman po..di biro ang tinitiis ng mga kababayan nating nangangamuha sa ibang bansa at nag-aaruga ng mga taong hindi naman nila kaano-ano. habang ang sariling pamilya ay milya-milya ang layo at sa pamamagitan ng mga larawan na lamang naalala ang bawat isa.

    can i ask po if i can repost this? ahihihihi

    thank you Ms. N…

    take care and Godbless

  2. nortehanon Oct 27th 2010

    Hi Yanah! Dapat talaga may pa-award ako dito eh haha!
    Sige lang, if you think pwede itong i-repost at wala namang magrereklamo sa pulis o sa korte, go ahead haha!

    Take care din, iha. God bless you, too, and your family.

  3. i forgot to add, na once again napanganga na naman po ako sa photo hehehehe

  4. nortehanon Oct 27th 2010

    O, wag po masyado matagal ang pagnganga, baka may kung anong lumilipad ang pumasok dyan hehehe. Salamat, Yanah!

  5. kinikilabutan po ako habang binabasa ko ito.
    niyebe o buhangin man iisa lang naman talaga palagay ko ang nais pagkatapos ng paghihirap (unless ayaw na natin sa Pilipinas) ay yun ang Makabalik sa Latitude 13º00´ North of the Equator at Longitude 122º00´ East of Greenwich
    Pilipinas nating mahal!

    be blessed po Ms. N!

  6. nortehanon Oct 27th 2010

    Naks! Pati ang longitude at latitude alam ah 😉 Ituturo mo ba sa magiging anak moo yan? haha!

    Salamat, Pong!

  7. bakit nga ba minsan,ang sakripisyo ay hindi na lamang tapatan lagi ng tagumpay, ng ligaya, ng kapayapaan ng loob, ng pagkasapat? bakit kaya kailangan pa ring mag bunga ito ng kabiguan, ng sakit, ng bagabag , ng pangungulila, ng kakulangan?

    ito ang tulang nagsasalaysay na ng lahat ng pakikibaka ng gaya ni aling J, at ng kanyang bayan na naging pangunahing kalakal ay ang kanyang mamamayan mismo.

    at ang gaya ng tulang ito ang nagpapaalala ng kanilang sakripisyo.salamat,miss N.

  8. hi miss n., this is out of topic. 🙂 i just want to say thank you for dropping by my blog. i wonder if i know you. 🙂

    it’s nice to know na i have a kababayan who share the same passion – blogging/writing.

    i hope to know you soon. i’d love to.

    by the way, in lieu to your post, i’d want to share this…

    http://pamdeleon.blogspot.com/2010/07/my-piece.html

    it’s a short post i have written for those who have to leave the country just so they could give their families a better life. i may not be one of them, but my sentiments are. 🙂

    God bless Miss N. Thanks again. 🙂

    oh, will add you up in my blog list sa http://pamdeleon.blogspot.com/

    🙂

  9. nortehanon Oct 27th 2010

    Hi Pam, you are most welcome. But I doubt if you know me by my name 😉

    By kababayan, do you mean you are also a Waray? I would love to know if you are 😉 Matagal na akong naghahanap ng Waray bloggers haha!

    Good luck to your PEBA entry. God bless you, too! Thank you for adding me up.

  10. I answered your query at my blog. 🙂

    I am definitely a true blooded Nortehanon po. 🙂

  11. nortehanon Oct 28th 2010

    Maupay nga adlaw!

    Yehey! Hayan, may nakilala akong blogger na taga-Norte rin. Saya! Sana may iba pa, tapos gawa tayo ng group tulad nung mga blogger sa ibang probinsya hehehe.

  12. oo nga po eh. 🙂 that would really be exciting. 😀

  13. nortehanon Nov 2nd 2010

    Hmn, sige, pag medyo dumami-dami tayo (parang gremlins lang ‘no :)) i-organize natin yan.

  14. Para sa PEBA ba ito?

    Pinipiling landas ang sagot sa paghahanap
    Subalit minsan, maling daan ang nasusumpungan
    Tadhana man o nakaguhit sa palad
    Ang tangi ko lamang alam, ito ay dulot ng pagmamahal
    sa pamilya, sa anak at sa ating bansa.

  15. nortehanon Oct 27th 2010

    Naku, hindi po, Ginoong Kulisap. Hindi po ito contest piece. Matagal ko nang gustong isulat itong kwento ni Aling J. Yun nga lang, di ko mabigyan ng panahon tapos nakalimutan ko na. Kanina, nagbabasa ako ng literatura galing sa NCCA at may isang patungkol sa isang OFW. Bigla ko naalala uli si Aling J 🙂

    Salamat sa taludtod na iyan na ginawa mo sa iyong komento 🙂

  16. goosebumps! grabe… love it.

    Ms. N, meron pong top commentator sa WP pero sa WP.org ko nakita, nasa plugin directory.

    YB

  17. nortehanon Oct 28th 2010

    Thanks for the info, YB! Hmn, lagyan ko kaya itong sa akin? hehehe. Tapos ang pinakamaraming comment ay mananalo ng house and lot…sa paso hehehe.

  18. Such a very beautiful sky!! Right after the sunset, I suppose…. 🙂

  19. nortehanon Oct 28th 2010

    Hi Viola! Thank you. This is sunrise at the international airport here. So sorry about the Tagalog post. It’s about the sacrifices of Filipinos working abroad, away from their families. I find it fitting to write it in my native language.

  20. The colors and the tones of the photo is awe-strucking. Galing. Plus the poem pa, astig talaga Ms. N. Sobrang inspirational kayo. two thumbs up! =D

  21. nortehanon Oct 28th 2010

    Hi Pao! If I’ll make a list of bloggers na kinatutuwaan ko, you’ll be in the list. Natutuwa ako kasi hindi ka nakakalimot.

    Maraming salamat for your kind words.

  22. wagi! wagi! isa kang tunay na makata Ms. N!!! super like. at super relate ako kasi caregiver din dati si madir hihi.

    gawa ka pa ng maraming tula ah! babasa ako 🙂

    at ang larawan! amazing! 🙂

  23. nortehanon Oct 28th 2010

    Jayvie, why do I always smile whenever I read your comment? 😀

    Salamat. If you can call it a tula…haha! Kasi di naman ako makata eh.

  24. salamat sa iyong pagdalaw sa aking pugad, Nortehanon, at aking natuklasang ikaw pala ay isang makata.
    gustung-gusto ko to:
    “Gusto ko nang umuwi ,” ang sabi mo.
    “Walang katumbas na Euro ang kalungkutan ko dito
    Tuyo na kung tuyo
    Dilis na kung dilis
    Mantika na kung mantika
    Asin na kung asin
    Ang ulamin namin.”
    hahaha! sinabi na rin namin ito ni mr. noon pa pero di pa rin umuuwi ng pinas. pero buti na lng magkasama kmi at ng baby nmin at madali lng (at ms mura) uwian 2kids nming nag-aaral sa pinas at saka nakakapunta sila dito madalas. sa kaso ng karamihan sa mga OFWs ay tiis tlga sila ng dalawa or mahigit pang taon para sila magkita-kita ng pamilya dahil sa kanilang contrata at sa malaking halaga ng pamasahe. di ko kaya yong ganon katagal mawalay sa aking mga anak kaya dakila tingin ko sa mga nakakatiis ng ganun kahabang panahon bago magkakita-kita.
    again, salamat sa makabuluhang tula.

  25. nortehanon Oct 28th 2010

    Hello, Nice, and welcome to my blog.

    Naku, hindi po ako makata. I can’t even call it a tula haha!

    OFW pala kayong mag-asawa. Maswerte kayo because mas malapit kayo sa Pilipinas at sabi mo nga it doesn’t take you that long para makauwi o para makita ang mga anak ninyo. May chance din silang dumalaw-dalaw sa inyo dyan. Sana, ganun din kadali ang lahat para sa ibang pamilya ng OFW.

    Salamat sa pagdalaw.

  26. miss N, your partner is waiting for your all i want for christmas post! thanks!

  27. nortehanon Oct 28th 2010

    Ay, oo nga pala hehehe. Soweeee….

  28. Nice picture…

    Ang hirap talaga mamuhay sa ibang bansa…kaya sana ako marami ng pera para kung magkapamilya na ako hindi ko na needed umalis pa ng bansa…. hays!

  29. nortehanon Oct 28th 2010

    Thanks, Jag.
    Kaya work, work, work at save, save, save para dumami pera 😉

  30. .. nakakalungkot. kung may pamilya ako, di ko nanaisin magtrabaho dito sa kinalalagyan ko. nakita ko kung gaano kahirap mawalay sa pamilya sa mga magulang ko. pero tuloy ang buhay at di dapat mawalan ng pag-asa.

  31. nortehanon Oct 30th 2010

    Tama ka, Rob, dapat laging tuloy ang buhay.

    Pag-uwi mo sa Pinas, siguro ay milyonaryo ka na kaya hindi mo na kakailanganin pang magtrabaho uli abroad 😉

  32. naalala ko yung kapatid ko (at ang pamilya niya) na nasa UK.

    we can only hope and pray that our relatives and loved ones in abroad will always be safe and sound as they work and strive hard for their respective families here in the Philippines.

    marami pong salamat sa tulang ito.

  33. nortehanon Oct 30th 2010

    Maraming salamat din po sa panahon na ginugol ninyo sa pagbabasa nito. I agree, we can only hope and pray na maging safe at okay ang mga mahal natin sa buhay na nasa labas ng bansa. At kasama kong ipinagdarasal lagi ang katatagan ng kanilang damdamin.

  34. Lovely picture. So pretty!

  35. nortehanon Oct 30th 2010

    Hi Ms. Ida!
    Welcome and thank you for visiting my blog. And hank you, too, for your kind words about the photo. I hope you are enjoying my blog. Will visit yours, too.


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.