Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

Superhero


(This is NOT an entry to the Pinoy Expats/OFW Blog awards (PEBA) 2010, kundi bilang pakikiisa sa mithiin ng patimpalak at pagsuporta sa mga OFW. For the official entries, click here. The person in the photo is a former OFW. Let’s call him, Mike. Ito rin ay isang pagpupugay sa lahat ng hirap na dinanas niya sa pangingibang-bayan.)

Anak,

Naalala kita kanina nang gumuhit ang isang matalim na kidlat. Takot ka pa ba sa kidlat? Noon kasi, takot ka kapag kumikidlat. Hahagilapin mo agad ako, tatakbo papunta sa akin, at magpapakarga. At pag nakakapit ka na sa bisig ko, maglalaho na ang takot mo. Pakiramdam ko, nagiging superhero ako. Tagapagpayapa ng loob mo. Taga-alis ng takot mo. At sa oras na nangyayari iyon, nananalangin akong patuloy akong maging superhero ng buhay mo.

Pero malayo na ako ngayon. Milya-milya ang ating pagitan. Maraming dagat at bundok ang naglalayo sa ating dalawa. Kung kikidlat man diyan, nag-aalala ako. Sapagkat walang malakas na bisig na kakarga sa ‘yo. Kaya maging matapang ka sa kidlat, Anak. Huwag kang magpapakarga sa Inay mo. Paminsan-minsan kasi, sumasakit daw ang likod niya sa paglalabada.

Pasensya ka na, Anak. Ang iwanan kayong mag-ina ay isang malakas na suntok sa dibdib ko. Ngunit ang mangibang-bayan na lang ang huling baraha ko. Maniwala ka, Anak, nagsikap ako habang nandyan sa isla. Kahit ang gabi ay ginawa kong araw sa pangingisda. Ngunit lumuwa man ang mga mata ko, lumawit man ang dila ko, at maubos man ang lakas ko sa pagsagwan, kumukurot sa puso ko ang katotohanang hindi ko kayo madaling maiaahon sa kahirapan.

Mahimbing kang natutulog sa duyan nang umalis ako. Nakatulog ka sa kaiiyak nang malaman mong aalis ako at hindi ka kasama. Ang akala mo’y sa bayan lang ako pupunta. Umiiyak ang iyong Inay. Umiiyak din ako. Parang pinipira-pirasong papel ang puso ko. Tumututol ang mga paa kong humakbang papalayo sa inyo. At habang bumabaybay sa payapang dagat ang bangkang maghahatid sa akin sa bayan, papaliit nang papaliit sa aking paningin ang ating dampang malapit sa dalampasigan. Ipinangako ko sa sarili ko, ipaaayos ko ang giray-giray na dampang iyon para pagbalik ko, buo na ang bahay ko, buo na rin ang pamilya ko.

Mainit dito, Anak. Mainit ang disyerto. Subalit kahit masakit sa balat ang silahis ng araw ay ginagapang ng lamig ang puso ko. Parang laging may hamog sa loob nito. Siguro dahil miss ko na kayo. Dalawang taon na ako rito pero hindi pa rin ako nasanay sa ganito, na mamuhay nang malayo. Kung noon ang paboritong libangan ko sa isla ay magduyan sa tabing-dagat kasama kayong mag-ina, ngayon ang tanging libangan ko’y maglaro ng usok ng sigarilyo at titigan ang mga larawan ninyo.

Anak, hindi pa rin natatapos ang aking pagsagwan. Araw-araw, patuloy ang pagsagwan ko sa mga pagsubok dito sa disyerto.
Pangungulila.
Bisyo.
Mabigat na trabaho.
Klima at temperatura.
Sakit.
Mga kasamahang hindi marunong makisama.

Pero magtitiis ako, Anak. Magtitiyaga ako. Alang-alang sa mga pangarap ko para sa inyo ng Inay mo. Binibilang ko ang bawat araw na dumadaan, na parang mga dahong nalalagas at kumakawala sa pagkakakapit nila sa mga sanga ng puno. Hihintayin kong muli kayong makasama. Kahit matagal. Kahit mabagal. Kahit mahirap. Basta’t nariyan kayo. Basta’t alam kong kahit magkalayo ay iisa tayo. Binibigkis ng iisang pangarap. Binibigkis ng iisang damdamin. Binibigkis ng pagmamahal. Kahit ano kakayanin ko para sa inyo.

Magpapakabait ka, Anak. Ang tanging lakas ko sa pagsagwan sa disyerto ay nagmumula sa iyo, sa inyong mag-ina. Sa bawat pagsagwan ko sa buhay dito, sumasandal ako sa bawat hello mo sa telepono, sa bawat ngiti mo sa webcam, sa bawat halik na ipinalilipad mo sa camera, sa bawat larawan mo habang lumalaki ka. Dahil sa mga bagay na ito ko hinuhugot ang aking lakas. Ang mga bagay na ito ang nagdudugtong sa aking hininga. Dahil baligtad na ngayon, Anak. Dahil ngayon ikaw na ang superhero ko. Ikaw na ang tagapagpayapa ng loob ko. Ikaw na ang tagapag-alis ng mga takot ko.

Nagmamahal,
Itay

Posted 6 years, 7 months ago at 1:37 pm.

49 comments

49 Replies

  1. nakaka-touch naman ‘to.
    alam mo po, sobrang apektado ako kapag ganito ang topic. ‘yong tungkol sa pagalis sa sariling bayan.
    ang hirap kaseng isipin na kailangan pang lumayo at iwan ang mga mahal sa buhay para mabigyan sila ng masmagandang kinabukasan.

  2. nortehanon Sep 29th 2010

    Wow, ang bilis ni Tacio! Base ka! hahaha. Pero pasensya ka na kung dahil walang premyo ang mga nagbi-base dito haha!

    Salamat at naka-relate ka sa post na ito. I know where you are coming from. Kaya alam kong meron itong koneksyon sa buhay mo.

    Hang in there, Kapatid na Tacio.

  3. naiiyak naman ako dito, parang ako yung gumagawa ng sulat para sa anak ko eh πŸ™

  4. nortehanon Sep 30th 2010

    Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi mo sa blog mo na comments lang binabasa mo pag mahaba. Pero konti pa lang naman ang comments na nauna sa yo kaya binasa mo nga ito hahaha!

    Maraming salamat po. Pagdamutan mo na ang nakayanan kong kontribusyon para sa mithiin ng PEBA.

    Siguro po, ganyan ka rin gumawa ng sulat para sa anak mo kaya ka naiyak πŸ™‚ Pero smile na po ha, kasi kahit malayo sila parang malapit na rin lalo na sa panahon ngayon na madali na nating makausap ang ating mga mahal sa buhay dahil sa teknolohiya.

  5. hahaha, hindi naman lageng ganun…syempre kapag ung umpisa ng entry eh medyo kainte-interes na, babasahin ko to kahit mahaba pa…

    maraming salamat din sa pag alay nito para sa peba πŸ™‚

    ang tutuo, di pa ako gumawa ng sulat para sa anak ko…dahil na rin siguro sa sinasabi mong teknolohiya, madali na para sa atin na sabihin kaagad sa kanila kung ano yung nararamdaman natin…

    pero kung gagawa man ako ng sulat para sa kanila, malamang ganyang-ganyan sa sulat na nasa itaas. labas lahat, galing sa puso πŸ™‚

  6. nortehanon Sep 30th 2010

    I was just kidding you, CM haha!
    Walang anuman. Kung may maitutulong ang post na ito sa ano mang paraan, I’m giving PEBA permission to use this.
    I still write handwritten letters sa panahong ito na uso na ang maraming paraan ng makabagong komunikasyon. And yes, I still pour my heart out whenever I write to a person. Naisip ko kasi, life is short at kailangang ilabas na lahat lagi ang galing sa puso πŸ˜‰

  7. Kinilabutan/Kinikilabutan pa rin ako habang sinusulat ko ang comment kong ito Ms. N.

    Nangilid/Nangingilid ang aking mga luha.
    Ramdam ko ang init/lamig ng temperatura
    Ramdam ko ang kasabikan, sa bawat text, sa bawat chat o webcam o tawag
    Ramdam ko din ang pagsagwan kung gaano ito kabigat na pilit na pinapagaan kahit sa isip lamang para sa pamilyang naiwanan.

    Salamat po dito Ms. N!
    Pagpalain po kayo ng Maykapal!

  8. nortehanon Sep 30th 2010

    Pong, maraming salamat sa pag-share ng feelings mo tungkol sa post. Alam kong kahit wala ka pang pamilya ay makaka-relate ka rito. Just hang in there, Pong. Kasabay nito ang aking panalangin para sa iyo.

  9. It is hard to be away from family.
    Too bad some people need to leave the country to make a descent living.

  10. nortehanon Sep 30th 2010

    Sidney
    Hi Sidney,
    Oh, I didn’t know you could read and understand written Tagalog πŸ™‚ I guess it comes with the length of time you stayed in the Philippines πŸ˜‰
    Yes, too bad many Filipinos have to chase their dreams outside the country. I hope the time comes when no Filipino will have to go abroad just to have a means to support his or her family.

  11. wow! MS. N..
    in behalf of PEBA 2010, thank you.. thank you for this .. πŸ˜€

    this is really very touching..
    im sure maraming makakarelate dito.. πŸ˜€

    GOdbless you Ms. N!

  12. nortehanon Sep 30th 2010

    Hi Yanah!
    Maraming salamat at nagustuhan mo ang aking munting kontribusyon sa simulain ng PEBA.

  13. grabe. naiyak ako dito. T_T

  14. nortehanon Sep 30th 2010

    Here *Miss N hugs and gives tissue* T_T
    Salamat sa pagdalaw, cza πŸ™‚

  15. That was touching! Hays! naisip ko paano na lang kaya kung di naimbento ang makabagong telecommunication noh? Like snail mails noong unang panahon…waaahhh!!!

    God bless!

  16. nortehanon Sep 30th 2010

    Salamat, Jag. Oo nga, imagine mo kung ano ang nararamdaman ng isang OFW noon na naghihintay ng mahigit dalawang buwan para lang makatanggap ng sulat. Kung may pagkakataong mang makatawag sa landline ng mahal sa buhay, aba’y mabubutas naman ang bulsa niya sa mahal ng bayad ng mga calls noon o kaya sa taas ng presyo ng mga call card.

  17. Wala ako masabi. Basta naiyak lang ako pagkabasa nito. Nakaktouch. Nakakmove ang lines nya.

    Basta naiiyak lang ako coz I know how it feels. Remember.. I grew up without my Dad and my Mom…

    yun lang. eeheheheh!

  18. nortehanon Sep 30th 2010

    AC! Ayan, nahipo ka na naman hahaha! Ikaw talaga, oo. Madaling mahipo haha!
    Salamat po. Yes, alam kong nakaka-relate ka dito. Hindi lang ito para sa mga magulang na lumisan, para rin sa mga anak at ina na naiwan.

  19. very touching… everytime na umuulan at kumikidlat… naalala ko ung isa sa mga favorite songs ko.. lullabye for a stormy night.. btw thanks for dropping by my blog..

  20. nortehanon Sep 30th 2010

    Oh, now you made me miss Vienna Teng’s songs πŸ™‚ Gusto ko rin yang Lullaby for a Stormy Night niya. Para akong pinaghehele hehe.
    Thanks din sa visit.

  21. a very touching entry. this made me teary-eyed. mabuhay ang mga taong handang magsakripisyo kapalit ng magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.

    by the way, thank you for dropping by at my blog.

  22. nortehanon Sep 30th 2010

    Hi eds, thanks for visiting back. Yes, isa talagang sakripisyo ang pangingibang-bayan para sa pamilya.

  23. nangibang bayan din ang tatay ko noon, grade five ako hanggang sa tumungtong sa ikalawang taon ng kolehiyo pero hindi ko naalalang sinulatan ako ni tatay ng may buong pagmamahal ng katulad nito.

    ang naalala ko, ako ang sumulat, binalita ko sa kanya kung ano na ang kalagayan ng mga uring manggagawa sa pinas, yung patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at syempre ng matrikula ko bilang isang estudyante.

    nuong umuwi sya, ako pa ang sinisi, sabi nya natatakot sya sa kahahantungan ko dahil sa mga sinulat ko sa kanya kaya umuwi na lang sya di ko alam kung para bantayan ako o talaga lang na hirap na rin sya sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

  24. nortehanon Sep 30th 2010

    Nalen,
    Maaaring ang sagot sa tanong mo ay both: umuwi siya out of concern sa yo. Gusyo niyang maalagaan at mabantayan ang dalagang estudyante niya dahil maaaring naalarma siya sa iyong mga tinuran sa iyong sulat. Baka inakala niyang matutuloy ka sa pagiging aktibista πŸ™‚ Maaaring uwi rin siya dahil sa mahirap naman talaga ang magtrabaho sa ibang bansa. Imagine mo, pagod ka galing trabaho tapos pagdating mo sa inuuwian mo ay walang asawa o anak na papawi ng pagod mo. Kaya siguro minabuti na ng iyong ama ang umuwi sa Pinas.

  25. your post brings tears to my eyes, i have a brother in Saudi, though I am also far from my other brothers who are in the Philippines, but somehow him being in Saudi and alone makes me always think about him and hoping and praying he is not really lonely there, i always get happy when i hear something from him.

  26. nortehanon Sep 30th 2010

    Ms. Betchai,
    *hugs* Mula ngayon ay kasama mo akong magdarasal para sa iyong, Kapatid. I’m sure he doesn’t get really lonely there, lalo’t marami naman po yatang Pinoy doon. And it is now easy to get in touch with the people who are close to him because of modern technology.

  27. My gratitude and respect goes to you for looking into the OFW and his family =)

  28. nortehanon Sep 30th 2010

    You are very much welcome, Beverly. It is my pleasure to be honoring the OFWs and their families in my own little way πŸ™‚

  29. i could totally relate kasi dati ding OFW ang mommy ko… hindi talaga matatawaran ang pagmamahal ng magulang sa anak πŸ™‚

  30. nortehanon Sep 30th 2010

    Oo nga pala, ‘no. I can still remember yung mga previous post mo about your mom working abroad. So, dito na ba siya sa Pinas ngayon? I agree with you, ibang level ang pagmamahal ng magulang sa anak πŸ™‚

  31. Miss N, humihikbi ako habang isinisulat ito. mapalad kaming mag-asawa na hindi pa kailangang mag abroad at pilit pa ring kinakaya ang buhay. pero paano pag magcollege na ang panganay ko? sana ay hindi danasin ng pamilya ko ang ganitong hirap.

  32. nortehanon Sep 30th 2010

    Dinah,
    Isang malungkot na katotohanang maraming magulang ang kailangang lumayo para sa kinabukasa ng pamilya dahil sa hirap ng buhay. Ipagdadasal kong patuloy ninyong kayaning mag-asawa ang lahat, para hindi na ninyo kailanganin pang mawalay sa inyong mga anak.

  33. yes, i love the letter very touchy and inspiring.

  34. nortehanon Sep 30th 2010

    Thank you very much!

  35. ms. N, parang para sakin yong sulat, ramdam ko yong hirap ng tatay na mawalay sa anak, yong pananabik, yong nakatagong lakas para magsakripisyo, naiiyak ako na ngumingiti, kase alam ko sobrang daming pilipino ang gumagawa nun para sa pamilya.

  36. nortehanon Oct 1st 2010

    Ms. Ani, OFW din ba ang tatay mo?
    Gaya mo, tinitingnan ko na lang ito sa ibang konteksto, sa pananaw na positibo. Tulad ng sinabi mo, tinitingnan ko na lang ito sa pananaw ng pagsaludo sa tapang at tatag ng mga OFW. Ako, hindi ko naisip kahit kailan na mag-abroad. Hindi dahil walang pangangailangan ang pamilya ko. Kundi dahil hindi ako ganun katapang at alam kong hindi rin ako ganun katatag.

  37. ang ganda,miss N.

    nakakahaplos ng puso.sana nga,wala nang pamilya pa ang naghihiwalay para sa mga pangarap.hindi kasi natin masisisi ang mga nangingibang bayan para sa kanilang pangarap,e.katulad nga ng sinabi mo,minsan yun na lang ang huling baraha.

    sana talaga,maging prayoridad ng gobyerno na lumikha ng mararangal at nakakabuhay na trabaho rito sa atin mismo para hindi na maging option ang pag alis sa karamihan.

  38. nortehanon Oct 1st 2010

    Salamat, Duking.
    Sana nga mangyari ang mga iyan para hindi na kakapit sa huling baraha nila ang mga ina at ama ng tahanan.

  39. This is wonderful, so touching, so inspiring.

    “Magpapakabait ka, Anak. Ang tanging lakas ko sa pagsagwan sa disyerto ay nagmumula sa iyo, sa inyong mag-ina. Sa bawat pagsagwan ko sa buhay dito, umaasa ako sa bawat hello mo sa telepono, sa bawat ngiti mo sa webcam, sa bawat halik na ipinalilipad mo sa camera, sa bawat larawan mo habang lumalaki ka”

    This one I liked the most. As a father and OFW, I know deep in my heart the truth, father’s by heart, OFW by action, and we are many – we are a legion. Please allow PEBA and KABLOGS to repost this and we will give due credit. Thank you again, and hope more bloggers in Visayas and Mindanano will join this season.

    Salamat sa pagsuporta sa PEBA. It’s a great honor to have you blog about something that is in relation with our theme this year. Salamat ulit!

  40. nortehanon Oct 1st 2010

    Hi Sir Kenji,
    Maraming, maraming salamat po for your kind words about this post. Katulad po ng sinabi ko kay LordCM, I am allowing PEBA and KABLOGS to use this post kung ito man ay may maitutulong sa missions at goals ninyo. Isang karangalan po sa akin ang makapag-ambag in my own little way. Muli, maraming salamat.

  41. thanks for this nice post ms N

    buti na lang single pa ko hehhehe..

  42. nortehanon Oct 2nd 2010

    hehe oo nga. saka wala ring disyerto dyan sa SG kaya di ka makakapag-emote na ganito ahahaha!

  43. hahahah tama ka dyan..

  44. aaawwww….. ganda naman ng post na to! relate na relate kmeng mga nasa ibang bansa. Tinitiis ang pangungulila para sa kinabukasan ng mahal sa buhay!

    Thanks for sharing Ms. N πŸ™‚

  45. nortehanon Oct 4th 2010

    Maraming salamat, Ana. At mabuhay kayo!

  46. Kaya di ako natuloy mag-Saudi nung 80s…yan Miss N ang malamang ang pipiraso sa puso ko…ang lungkot na mawalay sa mga minamahal. Pero tunay na saludo ako sa mga natuloy upang itaguyod ang mga mahal sa buhay. Pero sa isang parte ng buhay ayun parang OFW din ako dito sa bayan ni Ankel Sam…wala lang disyerto. God Bless!

    Ang ganda talaga nitong poste mo. Sana makasulat din ako ng ganito para sa mga OFW.

  47. nortehanon Oct 18th 2010

    Salamat for your encouraging words about my post, Lolo Jem.
    Hindi man mga OFW ang mga magulang ko, ngunit marami rin akong kamag-anak at kaibigang OFW kaya ramdam ko rin ang kanilang mga damdamin.

  48. Naman….Naiyak ako:( Sana nga alam ng aming pamilya ang mga pinagdaraanan namin…Naalala ko tuloy ang matagal ko ng isinulat na tula para sa aking anak ng nakatapos siya ng high school..Wala kase ako noon para sa knya, at sa mga pictures nya, wala anggulo na nakangiti siya..Parang pinupunit yung puso ko..guilt ung naramdaman ko..ang hirap i justify ang pag alis kung alam mong naghihirap emotionally ang iniwan mo..at alm mong ikaw ang dahilan ng paghihirap na yun..

  49. Wag ka pong mag-alala, I’m sure na naiintindihan ng anak mo kung bakit kailangan mong umalis. Matatalino ang mga bata ngayon at open-minded sila sa mga ganitong sitwasyon, lalo’t alam naman nilang para sa kanila ang iyong pagsasakripisyo.

    Hats off ako sa iyo, sa pagtitiis at pagtitiyaga sa ibang bansa para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Mabuhay ka!


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.