Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

Professor Grace Estela Mateo

May dalawang bagay sa post na ito ang hindi ko karaniwang ginagawa tuwing nagba-blog: mention a specific name and not post a picture. Ang una ay bilang pagpupugay sa isang napakabuti, napakalambing, at napakamapagbigay na kaibigan. Ang ikalawa ay bilang pamamaalam sa kanya.

Si Prof. Grace Mateo ay assistant professor at associate dean for academic affairs ng College of Arts and Sciences (CAS) sa U.P. Manila. Nagtapos siya ng AB History sa UP Diliman, MA Asian history sa Northern Illinois University, at Ph.D. history sa University of Hawaii.

Maraming beses siyang ibinoto ng mga mag-aaral ng U.P. Manila bilang guro ng taon. Libu-libong guro ng Pilipinas ang kanyang sinanay mula Batanes hanggang Jolo bilang consultant ng Teacher Education Council ng DepEd. Ito at marami pang ibang accomplishment ay nagawa niya sa loob ng 45 taon ng kanyang buhay. It was a short life. But it was a wonderfully-lived life.

Ang buhay ni Doc Grace ay ginugol niya sa pagsisilbi sa pamilya, sa mga kaibigan, at sa bayan. Kung minsan, kahit masama ang pakiramdam niya, pinipilit pa rin niyang magbiyahe para mag-train ng mga guro, magturo sa U.P., at mag-attend ng mga meeting na may kinalaman sa pagpapaganda ng curriculum sa pampublikong paaralan.

Natatandaan ko noong minsang gumagawa kami ng isang proyekto, ilang buwan din kaming halos walang tulog. Malaki na ang aming mga eye bag. Sa lapag lang kami natutulog, sa malamig na semento, gamit ang manipis na kutson. Ngunit kahit kelan ay hindi ko siya kinakitaan ng ere. Sa hirap na dinaanan namin para lang matapos ang proyekto, naaalala ko ang sinabi niya sa akin, “N, para ito sa batang Pilipino.” Kaya sa tuwing nakararamdam ang buong team ng sobrang pagod at pressure, we would always quote her, “Para sa batang Pilipino.”

Salamat, Doc Grace. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Posted 6 years, 10 months ago at 9:18 am.

16 comments

16 Replies

  1. im sure she knws she will be truly missed.
    my condolences Ms. N..

    Godbless

  2. nortehanon Sep 27th 2010

    Sobrang mami-miss, Yanah. Salamat. God bless din.

  3. When good people pass away, we sometimes think of the still many possibilities they could have fulfilled had they lived longer…

    And yet, they always affirm that life should be lived to the full, for only people who always seize the day will be remembered and thought of that way…

    My condolences Miss N…

  4. nortehanon Sep 27th 2010

    Tama ka, Mark. For it is only in seizing every moment of our life that we can truly live.

    Salamat.

  5. How sad to lose someone like her. I feel like she’s truly a nice and wonderful person. Condolence Miss N.

  6. nortehanon Sep 27th 2010

    Thanks, Pao.

  7. Para sa Batang Pilipino..

    Napangiti ako. Yung line ko kasi palagi, “Para sa Sambayanan.” 🙂

    Anyway…

    Nabawasan na naman ng isang tapat na guro ang bayan natin. 🙁 Nabawasan na naman ng magaling na guro ang UP. haay. ang daming nawawala.

    Pero naniniwala akong hindi naman sila tunay na nawawala. Mananatili ang alaala nila satin..at nasa kamay natin ang pagpapatuloy.

  8. nortehanon Sep 27th 2010

    Ang dalawa ay magkatulad 😉 Ang para sa bata ay para rin sa sambayanan 🙂

    I agree very much with your last statement, Naleyn.

  9. bluguy Sep 25th 2010

    ang gandang kwento ng buhay…salamat for sharing this friend of your to us…

  10. nortehanon Sep 27th 2010

    Salamat din po, Fr. Rhett.

  11. my condolences ms n..

  12. nortehanon Sep 27th 2010

    Thanks, Jaid. Nailibing na siya yesterday.

  13. Great capture of the dancing..nice mood!

  14. nortehanon Sep 27th 2010

    Many thanks, Sidney! Have a great day.

  15. “Para sa batang Pilipino.”
    Kinilabutan ako ng todo dito Ms. N.
    naging tagapagturo din ako, nakasama sa mga missions/outreaches, pero iniwan ito, wala ni gahibla ang naiambag ko sa “PARA SA BATANG PILIPINO” ni Doc Grace.

    You’re blessed that you were able to work with her. And truly she is admired and missed!

    She’s happy!

  16. nortehanon Sep 28th 2010

    Yes, Pong. Alam kong she is happy now kung saan man siya naroroon. Salamat.

    Sadyang napakadakila ng propesyong minsan ay ginampanan mo—ang pagtuturo. Saludo ako sa ‘yo.


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.