Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

June

Buwan ng Hunyo nang una akong makipagsapalaran sa Maynila. Trese anyos lang ako noon. Naglakas-loob akong lumuwas ng Maynila dahil nanghihinayang ako sa isang magandang opurtunidad. My uncle had offered to help out with my schooling. In return, I was expected to help with the household chores. Naging katulong ako ng kanilang kasambahay sa paglilinis, paglalaba, pag-aalaga ng bata at pamamalantsa, at kasama-kasama ako ng auntie ko sa pamamalengke. Bale, all-around ako hehehe, maliban sa pagluluto.

Life away from home was hard, especially that I was only thirteen. I was living with relatives but it felt like I was living on my own. Ang mag-asawang tinirhan ko kasi ay hindi katulad ng nakasanayan kong nanay at tatay na pwede mong kausapin tungkol sa lahat ng bagay, Most of the time, they were stiff and strict. I can not remember being asked, even once, how my day in school was. Bagay na madalas kong ma-miss kina Nanay at Tatay. Madalas kasi sa probinsya, tuwing pagkakatapos ng hapunan, ay tinatanong kami nina Nanay at Tatay kung kumusta sa school, kung meron bang lesson na nahihirapan kami. Pagkatapos nun, tuturuan na nila kami sa mga assignment namin.

Pagtuntong ko ng Maynila ay walang ganun: walang nangungumusta sa akin, walang nagtuturo sa assignment ko, walang nagtuturo sa mahirap na lesson. Ako lahat ang gumagawa para sa sarili ko.

Dalawang aspeto ng buhay ko ang nangailangan ng major adjustment: sa school at sa bahay.

Sa school, araw-araw ay nakikibaka ako sa mga classmate kong kung hindi valedictorian ay salutatorian o kaya naman ay accelerated sa elementary. Natanggap ako sa isa sa mga public school sa Manila na may malaking populasyon. Noong unang araw ng pasukan ay nagimbal ako sa dami ng mga estudyante. Ang first year ay umabot ng section 33 at bawat section ay may average na 50 students. Sa first year pa lang ay umabot na kami ng mahigit 1,650 na estudyante. Sa pagdaan ng mga taon, unti-unti itong nabawasan.

Pinalad akong mag-qualify sa tinawag nilang star section o Section One. Sa probinsya kasi, wala kaming star section noon sa eskwelahan namin, sapagkat iisa lang naman ang section sa bawat grade level. Haluhalo ang miyembro ng klase namin noon sa probinsya. Magkakasama ang slow learner at fast learner. Magkakasama ang mga nasa tamang gulang at mga 16 at 17 gulang na ngunit nasa Grade 6 pa lang. Ang iba nga sa kanila, pagka-graduate ng elementary ay agad nang nag-asawa.

Balik tayo sa mga kaklase ko dito sa Maynila. Lahat sila ay marurunong. Lahat yata ay gustong mapunta sa honor roll, parang mga kandidatong nag-aagawan sa pwesto. Ako’y madalas tahimik lang sa klase. Ito ay sa dahilang madalas nila akong bansagang promdi at bisaya. Palibhasa’y bata pa noon kaya kahit paano ay dinamdam ko ang ganung mga panunukso. Ngunit nang lumaon ay hindi ko na rin ito pinansin. Ang tanging nasa isip ko lang ay makatapos ng high school. Unti-unti rin namang nag-mature ang mga kaklase ko at hindi na lang puro honor ang iniisip nila.

Nasa high school ako nang pumutok ang Mt. Pinatubo (O, wag ka ng magkwenta ng edad ko. Alam ko nag-Google ka agad kung kelan pumutok at Mt. Pinatubo hahaha ). Nasa high school din ako nang maganap ang pinakaseryoso at huling coup d’etat laban sa Aquino administration na pinangunahan ng Reform the Armed Forces Movement o RAM (O, sinabi nang wag mag-Google eh!) At the time, hindi pa uso ang celphone. Walang landline sa bahay. The fastest way you could communicate with people far away from you was through telegram. Letters from Manila took 2 to 3 weeks to arrive in Samar. And letters from Samar took the same length of time to arrive in Manila. Madalas, kapag may problema ako sa school o sa tinutuluyan kong bahay, sa simbahan ang takbo ko. Doon ako iiyak, nang iiyak, nang iiyak at magdadasal, magdadasal, at magdadasal. Kung ikaw ay taga-Maynila at mapapadaan ka sa simbahan ng Sto. Niรฑo sa Pandacan, ingiti mo ako sa simbahang iyan na naging kanlungan ko sa loob ng maraming taon.

Sa high school ko natutuhang makibaka sa buhay. Sa high school ako maraming beses na sinubok ng tadhana. Sa high school din ako natutong maging matatag. Sa high school, lalo kong pinagtibay sa sarili ko ang kagustuhan na makapagtapos ng pag-aaral para naman hindi mabalewala ang lahat.

Sa PICC ginanap ang graduation namin nung high school.Mula sa 33 sections noong first year ay naging 28 sections na lamang kami. Kasama ko sina Nanay at Tatay nang umakyat ako ng entablado. At sa araw na iyon ay tuwang-tuwa ako.

Ikinuwento ko ang episode na ito ng buhay ko para kapulutan ng kahit na munting aral, lalo’t kasisimula pa lang ng pasukan.

Una, sa mga magulang at mga taong nagpapaaral, I hope you will take time out para kumustahin ang mga estudyante ninyo after a day in school. I tell you, it matters A LOT to them. Sana’y wag kayong tumigil sa pagtaguyod ng inyong mga mag-aaral

Sa mga mag-aaral na hindi na kinakailangan pang mahiwalay sa pamilya para lang makapag-aral, I hope you’ll feel grateful for that. Hindi madali ang mawalay sa pamilya.

Sa mga mag-aaral naman na katulad kong nawalay sa pamilya, sana’y matutuhan ninyo ang patuloy na pagtitiis at pagpapasensya. Patuloy kayong magsikap.

Alam kong may magtatanong kung nandyan ako sa picture, opo, nandyan ako, pakihanap na lang. Ang makakahanap ay may premyong trip to Boracay Davao Palawan Jerusalem hehehe.

Posted 6 years, 8 months ago at 5:24 pm.

33 comments

33 Replies

  1. ako rin galing sa section noong high school na lahat eh gustong makapasok sa honor roll pero di naman naging kasing hirap ng pakikibaka nyo ms n..hehehe thank you sa pagkekwento..^_^

  2. nortehanon Jul 19th 2010

    I’m glad na naging madali para sa iyo ang pakikibaka mo sa high school. Sana, lahat ng kabataan ay ganyan ang karanasan.
    Walang anuman hahaha. Sana ay kinapulutan mo ng kahit na mumunting aral ang kwentong ito ng buhay ko ๐Ÿ™‚

  3. mahirap hulaan kung sino ka dun sa picture. pero using my intuition, isa ka sa nakatayo towards left. yung medyo shy na nasa loob ang kulo. ๐Ÿ™‚

    you’re very fortunate to have wonderful parents. siguro ay may honor ka kaya kasama mo silang umakyat sa entablado. i can just imagine how proud they were of you then. ok, kahit naman ngayon, di ba?

  4. nortehanon Jul 19th 2010

    Hello po! Hahaha natawa naman po ako dun sa “medyo shy na nasa loob ang kulo.” Ako po ay nasa kaliwa ๐Ÿ˜‰
    Kasama ko po silang umakyat ng entablado….para tumanggap lang ng diploma hehehe

  5. kita mo, i’m right on the money. but i won’t pinpoint you exactly at baka magkabistuhan na. hmmm… ba’t ko kaya alam? big secret. ๐Ÿ™‚

  6. Ms. N
    haaaaaaaaaaaaaaist nakarelate ako ng madami. Una, ganun din kadami kami sa isang pinakasikat at malaking private catholic school sa pampanga. At 28 sections din kami nung naggraduate, ako lang mag-isa nun, sina nanay at tatay nasa east avenue medcen dahil inatake siya. Pagkatapos ng grad bumili kami ng tig-isang sanmig light in can ng bestfriend ko habang pauwi (dinamayan niya ako hindi nadin siya nagpasama sa mommy niya) naiwan ko pa yung call slip ko ng papunta na sa skul (ang call slip ay paper na ipepresent mo dun sa emcee para tawagin ang name mo para makuha ang diploma pag-akyat ng stage).
    Prep ako ng pumutok ang mt.pinatubo gumuho ang 2nd floor ng bahay namin (taga-Porac ako).
    Nadanasan ko naman nung college ang makitira (2002) sa tita ko for 2 months, mahirap although kain tulog lang ako sa bahay nila, iba parin sa bahay, July ay namatay si tatay hindi na ako nakitira kasi parang nawala na yung bind that connects us dahil wala na si tatay.
    Andami kong nakarelate dito, nag-aral mag-isa sa public college, pinag-aral at ngayon ay nagpapaaral.

    Mabuti kang tao Ms. N that’s why the Lord’s blesses you abundantly and exceedingly.

    Be blessed po.

  7. nortehanon Jul 19th 2010

    Pong!
    Nakakatuwa naman, marami pala tayong common experiences. Pati sa number of sections pareho tayo.
    I am sorry to hear about your graduation day. Mag-isa ka lang at wala ang nanay at tatay mo at nasa ospital pa. Pero natutuwa ako na kahit wala ang parents mo ay nagpunta ka pa rin sa graduation mo.

    I feel very old nung sinabi mong Prep ka pa lang nang pumutok ang Mt. Pinatubo. Nakakalungkot talaga ang mga pangyayaring yun. Taga-Porac ka pala. I hope ok na ok na ang bahay ninyo ngayon sa Porac.

    Nakatutuwang malaman na ikaw ay nagpapa-aral. By doing that, you are making a big difference in someone else’s life. I pray that you be blessed with much, much more. Para mas lalo pang maraming buhay ang maging mabuti because of your generous heart.

  8. Awww… I miss school. I wanna go back…

  9. nortehanon Jul 19th 2010

    Lika! Balik school tayo, AC! hehehe. Tumatanggap pa ba sila ng otsenta anyos na estudyante? ๐Ÿ˜€

  10. thanks for this story.

    if ever… mapalad ako at may ipapaaral someday na relative… i will do what you said: ask him/her about his/her day. ๐Ÿ™‚

  11. nortehanon Jul 19th 2010

    Hi Tina!
    Wow, ang swerte naman ng paaaralin mo. You really have a big heart. Sana ay lalo ka pang pagpalain para mas marami ka pang mapaaral, my dear Little Sis ๐Ÿ˜‰

  12. first off, parang gusto ko maluha while reading the first paragraphs of your entry. I can’t imagine being separated from my parents at 13, nor my childrren from me even when they’re old enough to be in college. But look at you, you became a tough person who is also very conscientious because of what you had to go through. talagang naniniwala ako na ang mga pinagdaanan natin ang nakapagpapatatag sa atin at nagbibigay ng ating personalidad. Palagay ko, you wouldn’t be as hardworking, empathizing and grateful as you are if you didn’t go through what you had to go through…and i truly admire you for that.

    MA Roxas is close to my heart because that’s where my father spent his high school, and where my mother-in-law taught, i think in the 80s. i have to find out exactly when she taught there.

    And i wholeheartedly agree with what you said in the end, that it’s best to ask how our kids did in school. I do that with Ate Kara. though sometimes feeling ko nasasawa na siya sa katatanong ko, i still want to know what happened to her because i want to always be involved. Ayun, kadalasan, nakukuwestyon ko ang mga teachers nila kasi yung ibang mga teachers mismo ang pasaway. hahahha!

    And the part where you narrated how you would just go to the church everytime you feel low, sobrang affected ako…just wanted to hug you tight.

    At shempre, nung pumutok ang pinatubo, e high school na din ako. it followed the baguio earthquake, if i remember it right…so siguro nga hindi tayo nagkakalayo ng edad. hahaah!

    God bless, Ms. N!

  13. nortehanon Jul 19th 2010

    Hi Ms. Kaye,
    I do believe in what you ave said, na yung mga experiences natin ang pumapanday sa atin. Blessing in disguise nga siguro that I had to go through all those things, otherwise baka hindi ko sinikap na makatapos ng pag-aaral, or baka napariwara buhay ko, o kaya napasama ako sa mga taong may masamang impluwensiya.

    Your children are so blessed they have you and your husband. Hindi ko kayo personal na kakilala mag-asawa but through your blog, nakikita ko how much you love each other and your children din. At nakikita ko rin that you are both ready to do everything para mapabuti at mapagaan ang buhay ng mga anak ninyo.

    Roxasian din pala ang father mo ๐Ÿ™‚ At nagturo rin pala ang mother-in-law mo doon. Baka inabutan ko pa siya ๐Ÿ˜‰

    Nakupo, nagkakaalaman na ng edad hahaha. Hmn, I think halos magka-edad nga tayo ๐Ÿ˜‰

    God bless din, Ms. Kay at salamat sa hug! Naramdaman ko po kahit nasa malayo ako ๐Ÿ™‚

  14. napakaganda ng kwento mo miss N! sabi ko na matalino ka eh! ๐Ÿ™‚

  15. nortehanon Jul 19th 2010

    Naku, di naman po sa ganun. Yung pag-akyat ko po sa stage ay dahil lang po yun sa diploma hehehe.

  16. Mula sa puso ang iyong kuwento na may habiling aral para sa mga istudyante, anak at magulang. Ako man ay nakaka-relate sa iyong pinagdaanan…pero yun din ang di ko malimutan…ang simbahan na laging takbuhan…dahil di kapiling ang mga mahal sa buhay.

    Nagsumikap na kaming mag-asawa na magkabahay sa Maynila nung araw dahil ayaw namin na mangyari sa mga bata ang nangyari sa amin(nakitira din ako nung nag-aaral). Isang pinagpapasalamat namin sa Diyos na naging maayos ang buhay ng aming mga anak lalo na ang pag-aaral.

    God Bless!

  17. nortehanon Jul 19th 2010

    Mapalad ang inyong mga anak dahil po naitaguyod ninyo sila. Nakakatuwa po na makarinig ng mga ganung kwento.
    God bless din po, Lolo Jem!

  18. wow. i just want to tell you na sobrang hanga ako sa iyo. i guess some people take education for granted, pero kapag tumagal na, doon nila marerealize ang importance nito. amazing how you really worked for it! cheers!

  19. nortehanon Jul 19th 2010

    Maraming salamat po at and let me welcome you to my blog. Opo, meron ngang mga tao who take education for granted. At ang nakakalungkot minsan, sila pa ‘yung mga taong may kakayahan at financial capacity na pumasok ng eskwela. Tapos, marami naman, gustung-gustong mag-aral but they are on the opposite side of the fenceโ€”walang perang pantustos sa pag-aaral.
    Salamat po for dropping in.

  20. nawrongway Jul 8th 2010

    Hulaan ko kung sino ka dyan. Maiksi ba hair mo sa pic? ๐Ÿ˜€

    Tama. Mahirap talaga mag-aral kung wala ka sa puder ng mudra at oppa mo. Pero nasa determinsayon din ng estudyante yan. ๐Ÿ™‚

  21. nortehanon Jul 19th 2010

    Kumusta, nawrong way? Mabuti at nawrong wa ka uli dito hahaha.
    Opo, maiksi po ang hair ko ๐Ÿ˜‰
    I agree with you na talagang nasa determinasyon ‘yan ng estudyante.

  22. miss n. nakaka-touch naman ang entry mo. marami sigurong natuwa at nakatapos ka ng pag-aaral bagkos sa mga pinagdaanan mo.

    you are an inspiration to many miss n.

    keep up the great work. God bless!

    inay chuva

  23. nortehanon Jul 19th 2010

    Inay!
    Maraming salamat po, Inay. Amishu! Opo, marami naman po ang natuwa hehehe.
    God bless din po!

  24. aba Ms. N, tagalog to ah…ahahaha
    grabe naantig ang puso ko sa entry na to sobra…naniniwala ako na ang mga pagsubok na pinagdadaanan natin sa buhay ay may purpose…at lahat ng pinagdaanan mo Ms. N, yan ang kumumpleto sayo para maging ikaw…

    tough yet caring…

  25. nortehanon Jul 19th 2010

    Hi Deth!
    Opo, Tagalog po ito, para ma-review naman ang Tagalog ko hahaha. Kami raw kasing mga Waray kung minsan ay hindi masyadong marunong mag-Tagalog ๐Ÿ™‚

  26. Ms N, you have come a long way! Nakakaiyak naman ang buhay mo. Who would have known na Bisaya ka, ang lalim ng Tagalog mo at well composed. I also understand about the adjustment of being away from your parents.

    We have always cousins living in our house and my parents sent them to school. When my parents passed on, we continued the tradition and we send even our house help to school too just to get an elementary education without any payback.

    To reminisce, one of them is now a CPA-lawyer.

  27. nortehanon Jul 19th 2010

    Wow! Nakakatuwa naman ang family ninyo, Mommy Ebie. Napakabait. At nakakatuwa na among those people you have sent to school is now a CPA-lawyer! Ang galing!

    God bless po!

  28. Lalo mo kong pinahanga. Hats’ off to you Miss N!
    Saang Manuel A Roxas highschool ba ito? meron dito malapit sa min pero parang di ganyan ang uniform nila… Qc.

  29. nortehanon Jul 19th 2010

    Hi Vera!
    Salamat sa muling pagdalaw. Sa Paco po, Manila ang pinasukan kong school. It is just near the old Paco Railroad Station and the Philippine Columbian.

  30. Nakakaawa pala ang napagdaanan mo Ms. N.
    Nakakarelate ako na malaking bagay yong tinatanong ka ng magulang mo kung kamusta ang skuwela….^_^
    GOD BLESS Ms. N.

  31. nortehanon Aug 13th 2010

    Salamat, Angie. God bless din!

  32. kakaiyak nman… parang naalla ko pa days namin ni Noli ..Hirap tlaga pag galing kang probinsya.. I experienced d same shock wen I arrived in Manila for the first time..The only advantage kc during that time u were already there to help us out. I remember crying sa school pg tinatawag ako ng teacher to recite tapos ngkkamali sa pronounciation at pagtawanan ng classmates. Pero ok na ako ngayon…I learned a lot from that xperience…

  33. nortehanon Sep 3rd 2010

    Uy! You’re here! Welcome, adi lingkod ngun-a. Pasensya na wara pa ak paglimpiyo dinhi sini nga ak balay hahaha.

    Yes, those experiences have made us strong. Look at you now, with two board exams under your belt! Plus NCLEX pa! Galing!


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.