Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

Paalam Na Ba?


Matagal na rin kitang kasama, tantiya ko’y mag-aapat na taon na. Kilalang-kilala na kita. Kilalang-kilala.

Masarap kang kasama.Napapangiti mo ako at napapatawa. Kung minsan nga ay napapaindak pa ako sa iyong musika. Madalas, ikaw pa ang taga-gising ko sa umaga.

Hindi kita ikinahihiya. Kahit na nga kung minsan may mga tingin na mapangkutya kapag kasama kita. Dahil siguro sa hitsura mo kaya sila nanghuhusga.

Naaaliw ako sa iyo. Kung minsan, kapag kasama mo, humahabi ako ng mga salita at sumusubok lumikha ng tula o talata. O kaya naman ay malayang isinusulat ang nasa aking diwa.

Pero kailan lang ay malaki ang ipinagbago mo. Hindi mo na nagagawa ang mga dating nagagawa mo. Minsan, sumasablay na ang musika mo. Minsan, ayaw mo na ring lumikha ako ng tula o talata kasama mo.

Ibig mo na bang magpaalam at iwanan ako? Kung ‘oo’ ang sagot mo’y naiintindihan ko. Ang apat na taon ay sapat na siguro upang ikaw ay palayain ko.

————
Alay sa lumang-luma kong Nokia 6610i na ang pabalat ay gasgas na, ang keypad minsan ay hindi na umuubra, at ang screen madalas ay madilim na kaya hindi ko na mabasa :D

Photo taken from a forwarded email.

Posted 11 months, 2 weeks ago at 11:03 am.

26 comments

26 Replies

  1. Beary_Good Sep 24th 2009

    Alam kong ikaw ay alagad ng malayang talata at walang pakialam sa sukat at tugma. Pero naaliw mo pa rin ako sa ginawa mong ito kasi parang tula. Akala ko’y para sa isang tao. Akalain mong pati cellphone ay pagdiskitahan mo pang gawan ng post hehehe. Sabagay, tulad nga ng laging sinasabi mo dito sa blog mo, simple things matter.

    You always amaze me with how you play with words in English and in Filipino.

    [Reply]

  2. sa simula pa lamang naisip ko na agad na selepono ito…ahahahaha..dahil marami nang nakadenggoy saken sa mga ganito…:P

    naku Ms.N, baka naman nalolongkot lang siya at kelangan ng bagong kasama,bili na…bili na…bili na:D

    [Reply]

  3. bye bye silipon..ingat ka sa pupuntahan mo..hehehe pakita mo sa amin new silipon mo huh ms. n..^__^

    [Reply]

  4. mahirap yang pagpapalit ng cellphone. masakit, madugo, nakakaiyak.

    ang hirap kasing maglipat ng pictures, music at phonebook details sa bagong unit. :D

    [Reply]

  5. senti mode.

    ako, sobrang nalungkot nung naholdap kaming mga pasahero sa bus at nakuha yung 6610 ko.

    nalungkot ako dahil yun ang isa sa mga unang bagay na nabili ko galing sa sweldo.

    [Reply]

  6. natuwa ako sa post na ito miss n. ang galing mo naman talagang lumikha ng tula at talata. :)

    [Reply]

  7. ganda naman! may pamamaalam pa ;)

    Hi Ms. N!

    [Reply]

  8. little lobster Sep 24th 2009

    yun oh. lumalabas ang pagiging malikhain pag namamatayan ng cellphone. :)
    musta?

    [Reply]

  9. Haha! I knew it was your cellphone. :lol:

    [Reply]

  10. “Hindi kita ikinahihiya.” gusto ko itong sinabi mo na ito. Dahil ako man ay nakaka-experience nito nung araw dyan sa atin. Walang akong magawa dahil yun lang ang nakayanan ko na selpon.

    ang gandang tribute para sa isang selpon.

    [Reply]

  11. naku magkakaroon na ng bagong celpon ah… ehhe…

    goodbye old cp… ;-)

    [Reply]

  12. paalam na sinta. paalam na celfone. welcome new fone. (i-fone) astig!

    [Reply]

  13. bluguy Sep 26th 2009

    ay dapat lang bigyna mo na sya ng retirement benefits na super rest…..matagal at mahaba na pala ang kanyang service sa iyo…hehehehehe……housing loan meron na ba yan?..hehehe

    [Reply]

  14. akin nalang cp mo… hehehe….

    alam mo ba na ang cp unit ko ay nokia 3310. nabili ko ng 500 pesos. inclusive of the sim and a charger… hehehe…

    la atang kabuluhan tong comment ko… la lang. :-)

    [Reply]

  15. alam mo nararamdaman ko na rin yan sa cp ko… kami 6 years na magkasama… ahuhuhu

    [Reply]

  16. tsenn' Sep 30th 2009

    angkyut! 4years is 4 years, dahil jan
    eto ang loyalty award for you ate! ^^

    [Reply]

  17. hehehe! natawa ako dito Ms. N. iba kasi yung nasa isip ko eh. nung nabanggit mo yung musika, inisip ko na baka isa itong musical instrument tulad ng gitara :lol:

    [Reply]

  18. tadah…perstaym ko d2..naaliw ako…pra kay celphone pala…kala ko cheesy post…hehe $,$

    [Reply]

  19. aba…natuwa ako…tama lng na pagpahingahin mo na xa…

    RIP, cp…

    bsta rhyme xa, tapos! hehe ^_^

    [Reply]

  20. haha. nice one.

    THUMBS UP :) )

    [Reply]

  21. ang galing. ang nokia ko, more than 7 years an, awa ng Diyos, galing pa ito ng pilipinas, gamit ko pa rin..

    [Reply]

  22. akala ko ay nagpapaalam ka sa isang minamahal…na tao! hehe.

    [Reply]

  23. akala ko magpapaalam kana sa blogospero..sad naman..pero di pala :-)

    ehem..bagong cp ang ibig sabihin nyan.

    [Reply]

  24. Hahaha! Joshko, naloka ko.. kala ko mawawala ka na sa blogosphere… hindi ako papayag….!!!

    Buti na lang cellphone lang.. haaayy!! Tinakot mo ko..

    Nga pala, di ko pa na-i-me-mail yung mga lapis – - grabe. Ilang linggo ko ng pinaplano…..hmmff.. kailangan ko yatang ibalot na para wala ng excuse…

    Ingat lagi!

    [Reply]

  25. goodbye old one, hello new one!

    hay, akala ko kung ano na…

    habang nagbabasa ako ng pag-e-emo mo, ang sumasagi sa isip ko ay baka aalis ka na sa blogosperyo…

    hehehe cp pala…

    [Reply]

  26. Akala ko, ako na yung Nokia 6610i -_-

    meron akong cellphone 50 50 lukimia bigay ko na lang sayo tutal iniwan ka na ng Nokia 6610i

    may load pa yan unlisex

    baydaway! ngayon na lang ulit ako nakabasa dito ahaha

    oxax bb na !

    [Reply]


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

Spam Protection by WP-SpamFree