Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:  

LP6: Lakad


Ewan ko kung bakit madalas sa dagat ang lakad ng dalawang paa ko,
gayung hindi ko naman kayang languyin ang tubig nito,
gayung ako ay nanatiling dayuhan sa dalampasigang nito,
gayung ang puso ko ay nasa kabilang ibayo ng dagat na ito.

Dahil ba sa tuwing lalakad ang mga paa ko sa dalampasigan nito
ang bawat bakas ng aking paa ay pilit nitong binubura?
Dahil ba sa tuwing nasa dagat ako ay parang hangin na malaya
ang aking diwa at aking haraya?

Marahil, marahil nga.

——————
Ang larawan ay kuha sa Bohol.

Posted 7 years, 6 months ago at 12:26 am.

68 comments

68 Replies

  1. Lalim ng sinabi mo. Gandang kuha!

  2. nortehanon Sep 4th 2009

    hahaha malalim ba? Ngunit sana’y maipapaabot naman nito ang mensahe sa mga bisita ko dito. Salamat, Mitch!

  3. ang lakad papuntang dagat ang lagi ko ring inaasam lalo na kung ganyan kaganda tulad ng Bohol!

    salamat sa komento sa aking lakad πŸ™‚ natuwa ako sa header mo!

    Happy Hwebes! πŸ˜€

  4. nortehanon Sep 3rd 2009

    Tama ka, shie, masarap lumakad papunta sa isang magandang lugar!

    Salamat sa pagdaan, sana ay makadaan ka uli dito. At salamat din sa magandang puna sa header ko.

  5. ganda ng litrato mo – sinamahan pa ng magandang tula.

  6. nortehanon Sep 3rd 2009

    Salamat po. Nakakataba ng puso ang sinabi mo. Dangan nga lamang at hindi ko sigurado kung iyan nga ba ay tula sapagkat hindi ko naman nagawang isipin pa ang sukatin pa ang kanyang tugma πŸ™‚

  7. feel na feel ko ang tula mo…mahilig din kasi ako maglakad sa tabing-dagat. i love the photo, feel ko ang longing ng subject mo.:P

  8. nortehanon Sep 3rd 2009

    Nakakatuwa kapag ang mood na nakikita at nararamdaman ng isang litratista habang kinukunan ang larawan ay siya ring mood ang nakikita at nararamdaman ng mga taong nakakakita ng resultang litrato.

    Maraming salamat, LM πŸ˜‰

  9. ang ganda ng komposisyon mo pati ang larawan. Happy LP. Wla pa kaong entry for this week. Masyadong busy lang πŸ˜‰

    Anyway, Happy LP!

  10. nortehanon Sep 3rd 2009

    Maraming salamat, jeanny. Happy LP din, too! Sige lang, take your time. Bawi ka na lang kapag nakabalik ka. Ako nga rin ngayong lang nakapag-LP eh.

  11. masarap nga maglakad sa dalampasigan. nakakatanggal ng stress.

    Happy LP

  12. nortehanon Sep 3rd 2009

    Tama ka dyan! Mabisang pantanggal iyan ng stress πŸ˜‰
    Happy LP rin! Salamat sa pagdalaw.

  13. Ang dagat at ay nagsisilbing paala-ala din sa ating ng Diyos na mahain ang kanyang mga nilikha.

    Ganda πŸ™‚

  14. nortehanon Sep 4th 2009

    Napakagandang pagmumuni tungkol sa dagat, Ms. Julie. Salamat sa pagbabahagi.

  15. Sa tutuo lang, ang tabing dagat ang pinakagusto kong puntahan sa panahon ng kalungkutan…dito nakakapag isip ako ng malaya, nailalabas ko ang lahat ng aking nararamdaman, napapawi ng kahit sandali ang mga problema…nakakagaan ng kalooban, kahit isang saglit lang…

    Kanta ata yun huli? lolzz nice post pre

  16. nortehanon Sep 3rd 2009

    Salamat po, Kuya Charlie.
    Pero correction lang po, ako po ay gurl! πŸ™‚ Hindi po ako “pare” kundi “mare” πŸ™‚

    Sadya pong may panghalina ang dagat sa mga pusong nahahapis at nalulumbay.

  17. Hahaha “pre” na naman pala nailagay ko, xensya na, bihira kasi talaga sa girls ang gumagamit ng black na background πŸ™‚

  18. nortehanon Sep 3rd 2009

    hahaha, ok lang, Kuya Charlie. No problem.
    Sinubukan ko na kasing gawing lighter ang background nitong blog ko pero hindi naging maganda ang resulta kaya ibinalik ko na lang po sa black. Nakumbinsi na rin ako na black na talaga ang gamitin kasi marami-rami na rin namang girl bloggers ang gumagamit ng itim sa blog nila πŸ˜‰

  19. ganda ng tula mo tsaka ang tanawin sa litrato. Mahilig din akong maglakad sa dagat, ewan ko rin ba khit mainit, masarap pa rin:) dahil siguro sa tubig. maligayang LP!

  20. nortehanon Sep 3rd 2009

    Maraming salamat po!
    Naku, ganyan din ako lalo na nung maliit pa ako. Madalas akong tumatakas sa nanay ko noon para lamang magpunta sa dagat kahit na sobrang init πŸ˜€

    Maligayang LP rin po!

  21. ammm,,

    dapat iniiwan na ang nakaraan ganun siguro..

    kasi masmaraming dapat pag focus-an sa hkasalukuyan
    at sa hinaharap!!!!

  22. nortehanon Sep 3rd 2009

    hahaha, nakakatuwa naman at talagang pinagtuunan mo pang gawan ng interpretasyon ang tula. Salamat, Jason. Sana isinama mo si Mais dito πŸ˜‰

  23. naalala ko tuloy

    yung kwento ng

    Footprints on the Sand

  24. nortehanon Sep 3rd 2009

    Sobrang gustung-gusto ko yun. Sa probinsya namin noong maliit pa ako, may nag-iisang radio station at tuwing magbubukas ito sa umaga ay iyan ang tugtog tapos merong narrator.

  25. Ang ganda ng tula at ng litrato. Masarap mamasyal sa tabing dagat… napakarefreshing kasi.

  26. nortehanon Sep 4th 2009

    ..at nakakawala ng worries kahit saglit lang, sabi nga sa komento ni LordCM πŸ™‚

    Salamat!

  27. wow, ganda ng kuha. napakamadamdamin πŸ™‚

  28. nortehanon Sep 3rd 2009

    Maraming salamat, Dinah!

  29. hindi lang may haplos ang dalampasigan… ito rin ay may tinig… may sinasalita at kumakanta… sino man ang makarinig sa kanyang musikang duduyan sa puso… mababago ng kanyang mahihinhing kamay ng indayog nito…

    marahil, marahil nga…

    salamat po sa pagbahagi nito.

  30. nortehanon Sep 3rd 2009

    Amen, Kapatid πŸ™‚ Salamat sa muling pagdaan at sa pagbabahagi.

  31. Napakaganda pero ng litrato at tula. Senti trip tuloy ako. πŸ™‚

    Eto naman ang lakad namin nitong nakaraang long weekend: http://www.maureenflores.com/2009/09/litratong-pinoy-lakad-walk.html

  32. nortehanon Sep 3rd 2009

    Tamang senti trip ba, Mauie? lolzz πŸ™‚

  33. ang ganda ng pagkakuha, bagay ako diyan πŸ™‚ senti….

    heto po ang aking lahok, dalaw k po ha…

    http://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/09/lp-73-lakad.html

  34. nortehanon Sep 3rd 2009

    Pareho pala tayo lolz πŸ˜€

    Maraming salamat sa pagdalaw, Christina. Welcome sa blog ko. Sana ay makabalik ka.

  35. Ms. Nnnn! Ang ganda dyan… sama naman ako. Dito puro man-made yata lahat ng dagat. πŸ™

  36. nortehanon Sep 4th 2009

    Sige, sa susunod sama ka. Pupunta ako dun…bukas lolz Joke lang po.

    Okay na yang man-made, Enjoy. Pwede na pagtiyagaan. Tapos pagbalik mo sa Pinas, saka ka na lang magbabad sa beach!

  37. love bohol πŸ™‚
    at ang ganda pa ng tula. hehehe

    eto naman po ung akin πŸ˜€

    Lakad. Lakad πŸ™‚

    HAPPY HUWEBEST KA-LP πŸ˜€

  38. nortehanon Sep 4th 2009

    Maraming salamat, Yeye. Happy LP!
    Sige, pasyalan ko ang entry mo sa Litratong Pinoy.

  39. Wow ang ganda Ms. N!

    naku parang gusto ko ulit bumalik ng bohol ah? hehe.
    Nice shot! πŸ˜€

    Take care always!

  40. nortehanon Sep 4th 2009

    Salamat! Sige, balik ka ng Bohol! Sama mo ako hehehe

    Take care din! Kelan nga ang uwi mo? Para ipasalubong kita sa banda hehehe

  41. dumugo ilong ko. sobrang lalim ng tagalog. hehee.

    nice one! πŸ™‚

  42. nortehanon Sep 4th 2009

    lolz! dumugo ba? Naku, kawawa ka naman, sinisipon na nga at inuubo ngayon naman ay dumugo ang ilong mo. Hala, bad itong blog ko. Pinadugo ang ilong mo. Teka, at mapalo nga ito hehehe

    Salamat, AC gurl!

  43. nawala comment ko πŸ™

  44. nortehanon Sep 4th 2009

    Kuya, hindi po nawala. Sadya lang pong hindi nag-appear agad yung naunan ninyong mga komento kasi po for moderation pa. Makikita mo na po sa itaas πŸ™‚ Salamat sa pagbisita! God bless po.

  45. wow ang ganda ng kuha at napaka talimhaga ng nakasulat… πŸ˜‰

  46. nortehanon Sep 4th 2009

    Matalinghaga ba? πŸ™‚ Salamat Yhen! Ingat sa mga lakad.

  47. baka dahil dun ka po at home.

    ms n! kamusta ka po??
    stay safe po πŸ™‚

  48. nortehanon Sep 4th 2009

    Hi tsenn!
    Napaka-sweet and thoughtful mo naman, iha. Okay naman ako, pasensya na at medyo matagal akong nawala dito. Ang iyong lingkod ay nagbabalik po πŸ™‚

    Stay safe din, iha. God bless!

  49. Hmmm… Pwedeng makidugtong Miss N? Hehehe…

    “Dahil ba … ang bawat bakas ng aking paa ay pilit nitong binubura?”

    Marahil nga. Marahil nga…

    Hindi kaya dahil sa ang dalampasigan ay pampalakas-loob,
    Nagpapa-alalang ang nakaraan ay tapos na at dapat nang limutin,
    Mga nakaraang parang tanikalang pumipigil
    Sa ating patuloy na pag-usad sa tunay na dalampasigan ng buhay?
    Hindi kaya dahil habang malambing tayong pina-paalala,
    Sinasalamin din nito sa ating mga yapak ang mangyayari
    Sa maikling buhay natin, na sadyang mabubura,
    Kaya mas dapat higit na namnamin ang hanging
    May malamig na dampi sa pisngi at
    Buhanging may maginhawang halik sa paa?

    Marahil nga. Marahil nga…

  50. nortehanon Sep 4th 2009

    Mark!
    Na-miss kong makaikot sa blog mo ah.

    Maraming salamat sa pagdugtong sa naisulat. Ang sabi nila ay tula ang gawa ko pero tila hindi naman yata dahil hindi naman sukat ang tugma hehehe. Maganda ang iyong naidugtong.

  51. Salamat Miss N… Tula yun, free verse category… πŸ™‚ Maganda kasi ang gawa mo… Napakatagal na rin akong hindi nakagawa ng ganito in Filipino, kay sinubukan kong dugtungan… πŸ™‚

  52. masaya ang maglakad sa dalampasigan.

    ngunit mas masarap ang maligo! kung kasama mo ako, andon na ako nagsiswimming…hehehe.

    weakness po talaga ng isang pisces ang tubig…

  53. nortehanon Sep 4th 2009

    lolz! Father naman, napatawa mo ako dun ah! Naimagine kitang nag-dive agad sa dagat hehehe

  54. masarap talaga sa piling ng tubig!

  55. nortehanon Sep 4th 2009

    Korek ka dyan, Joyce!

  56. love the poem. Love the pix. i mean, malayang malaya ang pakiramdam mO..

  57. nortehanon Sep 4th 2009

    Salamat, Jenniffer. Na-miss kita ah. I will find some time this week para tumambay naman ako sa blog mo πŸ™‚

  58. i love the beach as well. pinakamasayang kuhanan ng litrato ang tubig talaga. πŸ™‚

  59. nortehanon Sep 4th 2009

    Lalo na po kapag ito ay hindi nagpapakita ng pagiging masungit πŸ˜‰

    Salamat sa pagdaan, Iris!

  60. hang ganda ng kuha, ate!

    tingin ko kaya gusto naten (nakisali?! ^,^) sa dalampasigan at sapagkat dun tayo nakakadama ng kapayapaan at sa tingin ko sa lalim ng ating dinadala, nais nating maghanap ng MAS malalim na paliwanag ukol d2..may sense ba cnsbi ko? hehehe..

  61. nortehanon Sep 9th 2009

    salamat, precious!
    aba, oo naman, may sense po ang sinabi mo πŸ™‚

  62. ang ganda talaga ng dagat..nakakarelax..parang hinahangin ng mga problema..^__^

  63. nortehanon Sep 9th 2009

    sinabi mo pa, superjaid!
    gusto ko yang linyang ‘yan: parang hinahangin ang problema πŸ˜‰

  64. probably the waves don’t want us to hold grudges. πŸ™‚ nice pic πŸ™‚

  65. nortehanon Sep 9th 2009

    Probably, Kikit πŸ˜‰
    Thank you!

  66. kasi the horizon offers so much relief and hope… the sound of waves has its soothing effect that the only you can do is sigh and thank God for the magnificent reminder of His presence…

  67. nortehanon Sep 9th 2009

    Well said, IFM. Well said πŸ™‚

  68. “ang bawat bakas ng aking paa ay pilit nitong binubura?”

    Nature has a lot to teach us about forgetting ourselves, our achievements, our ego, about being unknown, about emptying ourselves with all the illusions we cemented ourselves with…Salamat ulit Miss N…


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.