Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

LP6: Nakakakilabot

Bigas at ulam. Ayon sa mga magulang sa paaralan kung saan ay katatapos ko lamang mamigay ng lapis ng Pens of Hope, ang dalawang ito ay una sa listahan ng mga bibilhin sa araw-araw.

Saka na lamang bibili ng lapis, papel, at notbuk kung may matitira sa badyet. Kung may matitira. Ngunit paano kung wala? Kadalasan ay kulang pa nga ang badyet sa pagbili pa lamang ng bigas at ulam.

Habang nag-aabot ako ng mga lapis at tinitingnan ang mga ngiti sa mukha ng mga bata, iniisip ko kung ilan sa halos isandaang batang nasa harap ko ang magkakaroon ng pagkakataong mapabuting lalo ang kanilang buhay. I could only hope and pray that it will be all of them.

Kung magpapatuloy na ganito ang sitwasyon sa maraming liblib na bayan, tayo ay nahaharap sa isang nakakakilabot na katotohanan: na parami nang parami ang mga batang maaaring hindi magkaroon ng magandang kinabukasan. This appalling truth is looking at us right in the eye, but not too many of us, especially those who have the power and capacity to help alleviate their situation, can see. Or perhaps we can already see it but we just choose to turn a blind eye.

I hope you’ll all feel blessed realizing that you have so much more than what other people have. Maligayang Huwebes sa inyong lahat!

Posted 8 years ago at 11:03 am.

34 comments

34 Replies

  1. nakakakilabot talaga isipin ang kinabukasan ng mga batang mahirap. an eye-opening post.

  2. i agree… paano na silang mga musmos na dapat ay may karapatan sa edukasyon?

    edukasyon na tutulong sana sa kanila upang mabago ng kahit bahagya ang kalagayan ng kanilang buhay sa hinaharap?

    haaay… paano na sila?

  3. Korek! Paano na ang kinabukasan nila? Thanks for sharing this very touching post.

  4. Sang-ayon ako at kailangan nating magtulung-tulong para naman maibsan ang kanilang kahirapan.

  5. ganyan talaga sa bukid lalo na nga kung medyo liblib pa ang kinalalagyan ng kanilang pamumuhay, uunahin talaga nila ang pagkain kesa sa mga lapis o pangangailangan ng bata sa skul…

  6. dito sa olutanga island, hirap rin ang maraming kabataan. ung iba kong students sa cetechism, podpod na ang mga lapis, as in podpod na talaga. salamat sa mga taong katulad mo. pagpalain ka ni Bro!

  7. Hindi lang nakakakilabot, nakakapanlumo pa na malaman na libong bata na ang hindi nagaaral sa kasalukuyan.

    tama ka Ms. N kahit papaano maswerte pa rin ang iba sa pamumuhay kumpara sa mga kapus-palad na mga batang nasa larawan.

  8. magandang entry. unique πŸ™‚

    salamat po sa pagbisita. Happy Huwebest kaLP:)

  9. awwwwwwwww…..

    God Bless you more. πŸ™‚

  10. as always, very nice post!

    on a brighter note, katuwang pagmasdan ang mga batang nabiyayaan ng mga lapis. you are truly a blessing to those kids πŸ™‚

  11. Our church is collecting school supplies for Catholic Charities. I have been putting this off. Seeing the faces of the little children here…made me decide to buy some supplies today and take them to church.

  12. Mag-a-add lang po ako sa post mo, Ms. N. Sa ibang probinsya, ang ginagawa ng ibang magulang, pinag-a-alternate ang mga anak sa pag-aaaral. Pagkatapos ng isang taon sa school ng panganay, yung kasunod naman while the panganay helps in farming. Salit-salit sila until everybody finishes a year level. Sulit nga naman ang bayad ng magulang for books and uniforms. Sa 4 na anak, iisang year level, the same amount of things went a long way. Yun nga lang, after grade 6, kanya-kanya na…

    I just thought I would share. πŸ™

  13. this is very true miss n. nakakalungkot pero sadyang bulag ang mga nakaluklok sa gobyerno sa kalagayan ng mga musmos na ito.

    God bless miss n and more power to Pens of Hope πŸ™‚

  14. What a very noble cause. Great post!

    Happy LP!

  15. yeah, nakakakilabot..

    gusto ko din makatulong..sama ako sa pamimigay ng pens of hope

  16. totoo ka N, nakakapangilabot na isipin kung ano ang magiging kinabukasan ng mga batang ito. at mapalad ako at kaya ko pang ibigay ang mga pangangailangan ng aking mga anak. salamat muli sa pagbibigay ng pagkakataon sa akin para makatulong.

  17. i remember na once naranasan ko ang sitwasyon ng mga batang yan
    talagang kahit umiyak ka ng maghapon para lamang maibilhan ako ng bagong lapis dati ay walang mangyayari
    paano ba naman e talagang uunahin ng nanay ko dati na ibili na lang ng pangkain ang kakarampot na pera

  18. keep on being a blessing to those kids Ms. N:D

  19. nakakakilabot talaga, but in a postive way! would you believe i bought pencils a month ago to be sent to you pero andito pa rin sakin? hu! hu! yes, shame on me! do you have a manila address miss n? πŸ™‚

  20. just dropping by again

  21. Nakakikilabot at nakalulungkot. Lalo na kung may nakikita tayong mga “taong” lantarang “nagnanakaw” para sa sarili nila.

  22. Hi Ms. N πŸ™‚ Nice post!
    I must say, You’re such an inspiration!
    Godbless πŸ™‚

  23. ay, kinilabutan nga ako. congratulations at sana dumami pa ang tumulong at matulungan ninyo. God bless!

  24. wow. a different take po ito sa LP theme.. πŸ™‚

    nakakatakot na nga po ang nangyayari ngayon lalo na sa mga batang dapat eh nakukuha ang lahat ng kailangan… tsk.

    now i really do feel blessed. πŸ™‚

  25. Ang ganda nito. Mahirap din misan kapag mismong parents na ang ayaw ipapasok sa school ang mga anak nila.

  26. Hello Miss N…

    I apologize for not being able to visit your site in the past few days… Now, I have seen the previous entries and this…

    There was a time in my elementary years that I have to save for a one-peso pencil whose brand is “Swallow”. This pencil is the most inexpensive pencil before. However, it will only last for a week due to the fragile graphite and the soft wood encasing it. Mongol 2 or Mongol 1 was a joy to behold then. Thankfully, I moved soon to using ballpen. And Panda was such a loyal friend, until its ink is all bleeded out.

    I did not expect that some things will not really change. I have been blessed since then and I am happy to have been given the opportunity to be somehow a part of your noble project…

    I have long accepted the fact that most of those in power are affected with myopic vision. Although I believe that there are some good improvements that have been implemented, the pool of poverty is so wide that the ripples started at the center by all those good efforts of those in power take too long a time to reach the pool’s edges.

    And so, we must take our share of disturbing the pool and start the ripples at the edges. And this is one of them….

    Maraming Salamat Miss N!!!

    May you be blessed more and more….

  27. Hi, I enjoyed reading your post. May you have a blessed Sunday tomorrow. πŸ™‚

  28. Hi! ngayon lang ako nakabalik dito..nag besi-besihan lang.haha!
    Nakakatuwa talaga kapag nakikita mo ang ngiti ng mga bata..nakakawala ng pagod!

    God bless at sana ay marami pang matulungan ang pens of hope!

  29. Ei very nice advocacy and I like the idea of giving out pens to those under privileged children, gives them something to look forward to in the future…

  30. happy to see happy faces of children……today, july 27….is happy pencil day…go na sa blog ko…

  31. padaan ulit

  32. πŸ™

    Ayoko na magcomment. nalulungkot ako, i feel helpless. mag advocacy na lang kaya ako uli to the max?

  33. ang galing talaga niyan… i want to be part of that!

  34. ito ang reyalidad ng ating buhay ngayon.. paano makapag-aaral ng maayos ang mga bata kung wala naman laman ang kanilang tiyan


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.