Go, celebrate the gift of life!
  Next Post:

LP2: Simula Pa Lamang

simula

Minsan, inagaw ng munting tanim na ito ang atensyon ko habang ako’y namamasyal. Ito ay dahil ang munting tanim ay tumubo sa gitna ng tuyong mga ugat at mga baging. Hindi karaniwang dinadaanan ng mga tao ang lugar na pinagkakitaan ko sa munting tanim. Ni hindi siguro naranasan ng halamang ito ang diligan man lang ng mapagkalingang kamay ng isang tao. Tanging ang kamay ng langit ang nagpapala sa kanya sa simula ng kanyang buhay.

Taliwas ang kapalaran ng munting tanim na ito sa kapalaran ng mga punlang itinamin kamakailan ng mga empleyado ng isang kumpanya na naglunsad ng tree planting.

1_422214929l 1_805504136l
1_589043782l 1_417838832l

Ang mga punla ay maingat na itinanim at nilagyan pa ng pangalan bawat isa, at sa ngayon ay patuloy na nakatatanggap ang mga tanim ng pag-aalaga. Nakatutuwang isipin na may mga kumpanyang tulad nito na patuloy na nakikibahagi sa pagsisikap na muling dumami ang puno sa paligid.

Sa nalalapit na bukas, ang mga punong ito naman ang magpapala sa atin. Sana’y lahat tayo ay makiisa sa pagsisikap na ito, dahil ang pagtatanim ng puno ay simula pa lamang ng paghahanda para sa isang malusog, mayaman, at ligtas na buhay para sa susunod na henerasyon.

Posted 8 years, 2 months ago at 3:38 pm.

35 comments

35 Replies

  1. huwawwwwwwwww!!!! i love the first photo! πŸ™‚ bago camera mo noh? hehe. may epek bang ganito sa point & shoot cam? πŸ˜€

    ay, gusto ko rin yang mga tree planting achuchu na yan. tutal di naman ako afraid sa sikat ng araw. hehehe. πŸ˜€

  2. nortehanon May 7th 2009

    Salamat, AC gurl. Anong epek? Cause and epek? hehehehe

    Sige, minsan naman tree planting naman ang gawin kong project…dun tayo magtanim sa desert tutal hindi ka naman afraid sa sikat ng araw hehehehe

  3. magtanim tayo…

    di lang ng mga punong namumunga at nagbibigay lilim…
    kundi mga gawang mabuti na ang bunga ay mas lalong higit…

    tulad mo…

    marami nang naitanim…
    sa lupa man o sa puso ng bawat taong nagkapalad…
    mahawakan ng iyong mapagmahal na mga kamay…

  4. nortehanon May 7th 2009

    waw, pinahanga mo naman ako sa Filipino mo. Sana nga ay totoo ang tinuran mo. Sana nga ay marami pa akong binhing itanim tulad ng kamatis, luya, upo, ampalaya, etc, etc, etc, hehehehe

    Salamat!

  5. galing naman ng unang photo…

    tama..kung tayo magtatanim, tayo rin naman ang makikinabang nito. at sana bilang pasasalamat sa ating tirahan, seryosohin ng bawat isa ang pagtatanim ng puno.

  6. nortehanon May 7th 2009

    Salamat po!

    Tama po ang sinabi mo tungkol sa pagseseryoso sa ipagtatanim ng puno. Alam mo bang ang naging inspirasyon ko para maisip ang post na ito ay ang iyong latest na graphics? πŸ˜‰

  7. medyo nakakaawa ang unang photo sa taas kase di sya nadidiligan talaga at di masyadong naaalagaan ng tao pero maswerte sya dahil ang may kapal ang lumikha sa kanya..sana lang matuto tayong magpahalaga sa likas na yaman, di dapat sinisira

  8. nortehanon May 7th 2009

    I agree with that you said, Payatot. Sana nga ay matuto tayong magpahalaga sa kalikasan para na rin sa ating kinabukasan.

  9. i love the first photo too πŸ™‚

    magandang simula yan πŸ™‚

    eto naman po ung akin πŸ˜€

    officially unemployed

    HAPPY HUWEBES KA-LP πŸ˜€

  10. nortehanon May 7th 2009

    Happy Huwebes din sa iyo, Yeye. Salamat at napadalaw ka rito. Congrats sa graduation mo at good luck sa board exam ha. Susubaybayan ko sa blog mo ang resulta πŸ˜‰

  11. hello po miss norte, ganda naman ng post nyo about sa kalikasan, wag lang siguro tayong susuko para gumawa ng tama para sa kalikasan at yun ay magtanim ng bagong puno

  12. nortehanon May 8th 2009

    Hi Jodi,
    Salamat po sa pagdalaw and for your generous words. Yes, hindi tayo dapat sumuko para sa kalikasan dahil at stake ang buhay ng susunod na henerasyon.

  13. ang galing ng iyong unang litrato..ala na akong ibang nasabi…

    go green hehe..,mahilig din ako sa halaman..di ko lang alam kung mahilig sila sa akin

  14. nortehanon May 8th 2009

    hahaha, thanks Mai. Salamat din sa pagdalaw. Tiyak mahilig naman siguro sa iyo ang mga halaman. Try mo minsan magpalago ng halaman dyan hehehe

  15. dati may ganyan kasi sa la mesa dam kaso di nayata tumobu yung seedling sa laki ng talahib πŸ™

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista πŸ™‚
    Salamat sa pagbisita πŸ™‚

  16. nortehanon May 8th 2009

    Minsan kasi, namamatay ang seedling dahil mas malakas sa competition yung malalaking talahi. Kawawa naman yung seedling na yun πŸ™

  17. Hope captured. Isang dilig sa natutuyong isipan, mula sa isang munting halaman.

  18. nortehanon May 8th 2009

    hahaha, natawa ako sa “natutuyong isipan”, Dfish. Parang ganyan kasi ang state ng isipan ko ngayon πŸ˜€

  19. maganda yan! plant a tree to save mother earth! πŸ™‚

    maligayang biyesnes sayo!

  20. nortehanon May 8th 2009

    Salamat, kg! Tama ka, planting trees will save the earth.

  21. ganda naman ng mga pictures. napahanga mo na naman ako sa ginawa mo kapatid! πŸ™‚

  22. nortehanon May 8th 2009

    Maraming salamat for your kind words, kapatid. At good luck pala sa iyo.

  23. enjoy May 7th 2009

    ms. n! nag-LP ka na rin pala. hindi ko na nga nasundan ang unang entry ko e. lomo cam ba ang gamit mo? o sa lens yan kaya gnyan ang effect ng 1st pic mo? πŸ™‚

    gusto ko rin sumali sa tree planting project pero hindi ako nagkaron ng pagkakataon. lalo na ngayon dito sa SG dahil mukhang di uso dito dahil natural nang mapuno ang bansang ito. sayang nga eh ’cause i’m blessed with a green thumb pa naman πŸ˜‰

    nakakatuwa ang post mo. english or tagalog, you write with eloquence. hindi nakakasawang basahin ng paulit-ulit πŸ™‚

  24. nortehanon May 8th 2009

    Opo, Ms. Enjoy. Katuwaan lang. Magpapa-apruba pa nga ako sa kanila. Hindi po lomo cam yan, wala po ako pambili ng lomo cam eh.

    Napaka-swerte naman ng SG kung ganun. Sana ganun din dito sa Pinas. Di bale, magagamit mo rin ang green thumb mo someday. Malay mo, magkaroon ka ng plantation πŸ˜‰

    Maraming salamat sa compliments mo. Coming from a MassCom graduate (MassCom ka nga ba or Journalism?), nakakataba ng puso.

  25. enjoy May 9th 2009

    Sana nga ay nagpursige akong makatapos Miss N. Eh di sana nasa hanay na ako nina Korina Sanchez at Che-Che Lazaro o di kaya ay ni Louie Beltran. Mahirap talaga pag maagang nagtampo sa buhay. πŸ™‚

  26. ganda nung unang photo..

  27. nortehanon May 8th 2009

    Salamat, Sandi!

  28. wow ang GANDA! piktyur pa lang nakakamangha na….salamat dito ha….
    pano at paano nangyaring kasing ganda ng piktur mo ang natura?

    congratz!

  29. nortehanon May 8th 2009

    Hindi ko po alam, blu hehehehe. Salamat sa nakakataba ng puso na mga salita. Na-inspire ako to take more pictures hehehe

  30. Ito ang hindi naiintindihan ng ibang tao, ang kahalagahan na alagaan natin ang kalikasan! Nice take on the theme.

    Salamat sa pagbisita at happy weekend sa iyo πŸ™‚

  31. nortehanon May 8th 2009

    Salamat, Thess.
    Sana nga ay dumami pa ang mga taong magpahalaga sa Inang Kalikasan.

    Happy weekend din.

  32. Hi.

    I like the first shot. Maganda ang effect and maganda din ang mensahe na may halamang tumutubo kahit na ang iba sa paligid ay tuyo na. Parang sign of hope.

    And oo, dapat talaga nating alagaan ang kalikasan para meron pang maiiwan sa kinabukasan.

  33. nortehanon May 8th 2009

    Hi Dee,
    Salamat sa pagdalaw. Natutuwa ako na nagustuhan mo ang litrato.

  34. tumpak! ako ay mahilig sa halaman..! at sabi ko sa sarili ko, paparusahan ko ang mga taong maninira sa mga puno at bulaklak. dahil ako ay tagapagtanggol ng kalikasan..!

    bow.

  35. nortehanon May 17th 2009

    hahaha! Ax, hindi ko alam superhero ka pala πŸ˜€


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.