Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

Friendly Daw Ako…

‘Yan ang sabi ng ilang mga mambobola sa internet tulad nina Quinnie, AC, Hukombitay, at Duchess. Pruweba? Kailangan ninyo ng pruweba na binola nila ako? Heto, they gave me this 1-million-dollar-worth na award.

friendlyblogger

Ngunit, may catch pala itong award na itetch. Kailangang magpakita ako ng piktyuraka ko! O siya, siya, dahil nag-enjoy naman ako sa pambobola ninyo, heto, you can have a piece of me. Huhubaran ko na nang konti ang pisikal na anyo ni Miss N dito sa post na itetch. Pero konti lang ha? Wag nang humirit pa at wala nang ihihirit pa si Miss N πŸ™‚

Mahiyain kasi talaga si Miss N, lalo na in person. Dito lang siya madaldal. Baka kapag nakita ninyo siya in person, hindi na ‘yan makapagsalita. Ang sobrang pagiging mahiyain ni Miss ang dahilan kung bakit hindi siya mahilig magpakuha ng kanyang litrato. Hanggang ngayon, bilang na bilang pa rin ang mga litrato niyang nakatago pa sa baul at ni hindi nakalagay sa photo album.

Ironically, she enjoys taking pictures. She may not be a good photographer but she enjoys playing with the camera. Mas gusto niyang nasa likod siya ng camera kaysa nasa harap nito.

O siya, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa nang husto, heto na si Miss N.

sa_ilog

Satisfied? πŸ˜€

Ang sabi sa rules, bawal magpalit ng damit. So hayan, ginaw na ginaw na ako at kaahon ko lang ngayon mula sa ilog na ‘yan πŸ˜€

Bawal din daw magpagupit ng hair kaya hayan at nakalugay pa yang wild and wiry hair na yan. May sariling buhay yan, ayaw sumunod sa galaw ko.

Ang huling rule ng tag na ito ay ang mag-tag din ako ng iba pang friendly bloggers. So I am tagging, you, you, you, you, and you. Yes, all of you. Dahil kayong lahat na mga dumadalaw dito ay friendly sa akin, ipinapasa ko sa inyo ang 1-million-dollar-worth na award na ito. Bow πŸ˜€

Posted 8 years, 2 months ago at 9:57 pm.

34 comments

34 Replies

  1. nakakabitin naman ang litrato na ito…

  2. nortehanon Apr 29th 2009

    hahaha, baka sa susunod ganahan akong magpakita sa ibang anggulo naman hehehe

  3. ok na ako dyan kase ganyan din ako..di ako mahilig mag pose sa pix kaya ala din ako litrato dun sa site ko..

  4. nortehanon Apr 29th 2009

    haha, pareho pala tayong shy type, payatot πŸ™‚

  5. huwaw ms. friendly!

    dapat ms. photogenic ka sa picture.. para lahat ng award meron ka!

  6. napadaan lang po!

  7. nortehanon Apr 29th 2009

    Salamat sa muling pagdaan, Ax. Natutuwa ako sa totoo lang.

  8. nortehanon Apr 29th 2009

    Yes, Ax, photogenic ako pag nakatalikod hehehehe

  9. huwaw huwaw huwaw!

    im soooo tats naman miss N!

    di na po ako nagrereklamo sa picture. parang nakikini-kinita na kita. haha! tsaka ang ganda ng shot ha. pramis panalo.

    post ka pa ulit ng ibang mga ganyang anggulo. wahahhaha! πŸ˜‰

  10. nortehanon Apr 29th 2009

    LOL!
    Sige, AC, try ko mag-post ng iba someday tapos pagdugtung-dugtungin mo na lang hehehehe

  11. ay ako din nga pala miss N hindi mahilig magpose sa harap ng camera! wahahahah! (ayan humahaba na nose ko sa kasinungalingan na ito haha)

  12. nortehanon Apr 29th 2009

    hahaha oo nga, pansin ko super shy ka nga rin eh πŸ™‚

  13. bitin nga miss n. low profile ka pala. nung ginawa ko tag na yan ni AC lumabas bigla ang kakapalan ng mukha ko. hehehe πŸ™‚

  14. nortehanon Apr 29th 2009

    Hahaha! Kasi naman iyong mga tag-tag-tag na ito eh. Pahamak πŸ˜€

  15. mysterious effect ha!

  16. nortehanon Apr 29th 2009

    Yes, blu. Misteryosa kasi ako, parang ang babae sa balete hahaha!

  17. Friendly ka na, Angelic pa! πŸ˜‰

    Thank you sa pag-bisita my dear sis. Have a blessed weekend as well. Ingat ka lagi.

  18. nortehanon Apr 29th 2009

    hahaha Ate, sobrang lumaki ang heart ko sa sinabi mo. Sana wag pati ulo ko lumaki hehehe

    Ingat din lagi, Ate. God bless!

  19. congrats po ms. friendly nortehanon πŸ™‚

  20. nortehanon Apr 29th 2009

    Thanks, Sandi!
    God bless!

  21. uhmm eh bakit nakatagilid… excited pa naman ako makita ka… anyway… nive shot sino kumuha sayo nyan… ?

    magkakasundo po pala tayo… mahiyain din ako eh..”kuno”haha! πŸ™‚

  22. nortehanon Apr 29th 2009

    Hi Joy!
    Nakatagilid yan kasi para makita ang wiry hair hahaha.
    Kuha yan ng isang kaibigan ko na makulit na nakasama ko sa pamamasyal sa ilog na yan πŸ™‚

    Naku, dumadami na tayong mahiyain sa mundo ng blogging hehehe

  23. Wow naman! Parang nagkaron na ako ng idea kung anong itsura ni Miss N. Thank you po dito!

    Pareho po tayo Miss N. Dati camera addict din ako pero simula nung nagkaroon ako ng sarili kong camera mas gusto ko na na ako na lang ang kumukuha ng pictures kesa ako ang kinukuhaan. Hehe.. Ganun pala talaga ang selfless love ng mga photographer. Harhar.. May ganun eh noh?

  24. nortehanon Apr 29th 2009

    hmn, okay yun ah, selfless love πŸ˜‰

    hahaha pero baka sa susunod hindi mo na ako makilala kasi magpapakalbo na ako harharhar

  25. thankies thankies! πŸ™‚ hhhmmm.. pangarap ko may pic ako na ganyan na angle. πŸ˜‰ waits, ako din, parang si AC, shy ako sa cam. πŸ˜›

  26. nortehanon Apr 29th 2009

    pwedeng-pwede kang magpakuha ng ganyang pic kay AC πŸ˜‰ lalo na’t nakit ako sa blog niya na napakaganda at nakakainggit ang camera ng mahiyaing gurl na yan πŸ™‚ I am sure your picture will turn out way much better πŸ˜‰

  27. hindi kami mambobola, masama magsinungaling, hindi pa ko abogado eh.. ahehehe nice pic.. ang daya nga lang talaga…

  28. nortehanon Apr 29th 2009

    hahaha madaya ba? Sige, subukan kong magkaroon ng ibang anggulo next time πŸ˜‰

  29. kapag nakakita ako ng kahawig ng likod mo..iisipin ko, baka ikaw na yan. hehe

  30. nortehanon Apr 29th 2009

    hahaha! Natawa ako sa sinabi mo, eli. Sa isang artist na tulad mo, pagdating sa image, alam kong madali lang sa ‘yo mag-connect the dots hehehe. Magaling kayo sa visualization eh.

  31. more miss n… sobrang misteryosa naman ang nasa likod ng kamera… heheh

  32. nortehanon Apr 29th 2009

    nakow, sorry, yhen, pero sa ngayon ay wala pa akong lakas ng loob na magdagdag pa at baka mawala na sa akin ang titulong ang misteryosang babae sa balete hehehe

  33. haha. mysterious.. πŸ™‚

  34. nortehanon Apr 29th 2009

    hehehe, trying hard kamong maging mysterious πŸ™‚


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.