Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

“Barya Lang”

I can’t help but recall a conversation I overheard from a mother and her 9-year-old son while I was in a jeepney on my way to church yesterday morning.

Son: Ma, may piso, oh. (Mother, there’s a one-peso coin)

Mother: Saan? (Where?)

So: Ayun po, malapit sa driver. Kunin ko. (Near the driver. I’ll get it.)

Mother: Wag na, anak. Barya lang yan, piso lang yan. (Never mind, son. It’s just a 1-peso coin.)

Then I remembered a post I have written about how some kids in my province risk their life for a few peso coins. Please click HERE. I hope it will change the way many of us see the value of a 1-peso coin. Salamat.

Have a blessed week!

Posted 8 years, 1 month ago at 8:26 pm.

39 comments

39 Replies

  1. minsan hindi nararamdaman ang halaga ng piso kung titingnan lang ito bilang piso.

    i like your idea..you’re trying to teach us how to value little things. claps..claps..

  2. nortehanon Apr 2nd 2009

    You nailed it, Eli πŸ™‚ Minsan kasi, we take for granted the little things around us without noticing that these little things are the ones that really matter.

  3. how true! another value laden post from you!

    you know when i was in high school my BFF and I realized the importance of 25 centavos. without it, you can’t have 1 peso and so on.

    we were so thirsty but we couldn’t buy a drink just because we lacked 25 centavos.

  4. nortehanon Apr 2nd 2009

    Naku, meron din akong ganyang karanasan, noong college naman ako hehehe. i coudn’t go to school kasi kulang pamasahe ko. so inikot ko lahat ng sulok ng bahay at hinanap ko yung mga singko at diyes sintemos πŸ˜‰

    Salamat, Quinnie.

  5. minsan nakakalimutan na ang kahalagahan ng mga maliliit na halaga.. wina walang bahala na lang. Ang maliit na halaga na ‘to kapag pinagsama- sama ay lumalaki. πŸ™‚

    salamat po sa paalala..

  6. nortehanon Apr 2nd 2009

    Tama ka, Sandi. Maraming maliliit na bagay ang hindi napapahalagahan sa pag-aakala natin na sila ay hindi mahalaga.

  7. People will realize the value of one peso when they don’t have any in their pocket… πŸ™‚

  8. nortehanon Apr 2nd 2009

    yep, so true Elyong.

  9. awwwww… madami talagang mga taong ganyan eh.. sana pinulot pa din nya tapos kung ayaw nya keep e di bigay nya sa makita nyang bata sa kalye. haaay.

  10. nortehanon Apr 2nd 2009

    Sana nga ‘no? O kaya ay ibinigay sa driver. But what worries me is that how that mother sees the value of a peso will rub off to her son. tsk tsk.

  11. sabi nga nila, kung walang piso, di mabubuo ang isan daan di ba? baka naman nahihiya ang mommy na pulutin ang piso na yon kaya di nya ipinapulot yon? pede di ba? o kaya naman e ganun talaga ugali nya…

  12. nortehanon Apr 2nd 2009

    tama ka po. hindi mabubuo nang 100 pesos kung walang piso.
    wala naman po sigurong nakakahiya sa pagpulot ng piso πŸ˜‰

  13. grabe naman si mother. kung ganun lahat ang nanay, kawawa naman ang mga bata. πŸ™ hindi matututong magpahalaga sa mga maliliit na bagay. tsk.

  14. nortehanon Apr 2nd 2009

    yes! precisely po. hindi magandang example ang nakita ng bata.

  15. nalala ko tuloy ang gokongwei story: minsan daw sa isang board meeting ay dumukot si gokongwei ng kung anung bagay mula sa bulsa niya, sa di sinasadyang pagkakataon ay nalaglag na piso mula sa kanyang bulsa. yumuko siya ng lamesa at kinuha ang piso sa kalagitnaan ng meeting. at natigilan ang lahat. matapos ay pinakita niya sa mga board members ang piso sabay sinabi niya, “every peso counts!

    moral lesson: ang mga taong marunong magpahalaga sa piso ay mga totoong naghirap at nagsumikap para magkaroon ng piso na yun.

    pero iba-iba naman ang ways natin para magpahalaga sa piso eh. oh sadyang hindi naman ito tinuro kasi sa eskwela. maging mga magulang ay hindi napapangaralan ng tama ang kanilang mga anak ng hindi sinasadyang pagkakataon dahil hindi sila maalam sa kahalagahan nga ng piso.

    myth: pagka nakakita ng piso sa daanan, wag mo daw pupulutin kasi mayroon ka pang makikita na susunod na mas malaki pa daw na halaga kaysa dun sa unang piso na nakita mo.

  16. nortehanon Apr 2nd 2009

    wow, that gokongwei story is really good. it is also very humbling. Thank you for sharing, hukombitay.

    at naaliw naman ako dun sa myth hehehe.

  17. tama ka PISO LANG….pero para sa iba pangtawid na ng gutom…..minsan dahil a piso lang di na ininda ang disgrasya sa buhay…..
    may mga bagay sa mundong ito…bagamat maliit lamang ipinagwawalang bahala lang natin….pero para sa iba kayamanan na ito…
    salamat kaibigan sa entry mong ito…..espesyal na piso.

  18. nortehanon Apr 2nd 2009

    Salamat din, blu. Tama ka, para sa iba ang piso ay pinaghihirapan. Marami ang itinataya ang buhay para sa piso na sa tingin ng iba ay hindi mahalaga.

  19. Hello.. pumasyal at tumambay saglit.

    naalala ko naman yung kwento…

    “IMISHU….”

    “IMISHU…”

    ang sabi ng dalawang ngo-ngo nang makakita ng piso sa sahig.

    PISO rin yan ah… pang yosi. Kung ako nga naghahalughog ng 25 cents pag wala na akong pera eh… πŸ™‚

  20. nortehanon Apr 2nd 2009

    Hi! Salamat sa pagtambay. Mamaya tatambay din ako sa bahay mo.

    Yes, piso rin yan. Napakahalagang piso πŸ˜‰

  21. napaka-noble talaga ni norty..hehe..bilib ako πŸ˜€ tama ka, bawat PISO mahalaga..yung iba nga diyan sobrang hirap ang pinagdadaanan para makaearn ng barya barya lang…we won’t know unless we’ve learn it ourselves, and i did.. 😐

  22. nortehanon Apr 2nd 2009

    hmn, mukhang may maganda kang natutuhan sa buhay hehehe. ‘yan ay isang magandang pangyayari sa buhay natin–yung ma-recognize natin the lessons that life presents to us.

  23. he hano nman kung piso lang yun… hindi ba nila alam na naghihirapa ang mundo. haizzz, ang hirap kaya kumita ng pera ngaun, kahit singko pinaghihirapan yan. πŸ˜‰

    di naman ako galit, naghehexpleyn lng.

  24. nortehanon Apr 2nd 2009

    hay, tama ka dhyoy. nahihirapan ang mundo tapos sad nga dahil merong mga taong hindi marunong magpahalaga sa piso πŸ™

  25. Ang isandaan ay binubuo ng isang daan na piso.

    Ang isang milyon ay binubuo ng isang milyon na piso.

    Pag nawala ang isa, Kulang.

  26. nortehanon Apr 2nd 2009

    Tumpak, Ax! Tumpak na tumpak! *Clap, clap clap!* πŸ˜‰

  27. hehe.

    *bow, bow bow.*

  28. nung nasa Pinas pa, i used to collect 25 cents. medyo madalang na rin kasing magamit ‘yun at pati mga bata sa amin eh ayaw na rin tumanggap ng apat na beinte-singko kaya itinatago ko na lang sa isang jar. hehehe…

    the collected coins come in handy every Christmas para sa mga kiddie carolers. at least sa ganung pagkakataon ay tinatanggap naman nila πŸ™‚

    marami na rin akong nakitang mga bata na sa mga kanal at imburnal pa nagkakalkal just to find a few coins, to feed their hungry stomach. i get teary-eyed pag nakakakita ako ng ganun.

  29. nortehanon Apr 3rd 2009

    Pwede bang mangaroling sa inyo sa susunod na Pasko? πŸ˜€

    Yes, nakakalungkot sobra na makita ang mga bata sa kalsada na hindi alintana ang hirap, init, at gutom sa paghahanap ng kaunting barya.

  30. baka milyonaryo sila? hay nako ang mga tao nga naman. sa simbahan nga namin kahit 25 cents iniipon at dinodonate eh!

  31. nortehanon Apr 3rd 2009

    hahaha, baka nga po milyonaryo sila. But, even then, I think walang karapatan ang kahit sinong milyonaryo to treat a peso that way.

    Yeah, yung mga naipong 25 cents ay malaking tulong para sa maraming programa para sa mahihirap.

  32. sa totoo lang Ms. N mas gusto ko ang barya kaysa sa libo totoo un parang ang tingin ko kasi mas marami kang pera mas madumi kang tignan para sakin balanse dapat ito….

    o xaxa ayoko na mag comment ng marami pa wooo πŸ˜€

  33. nortehanon Apr 3rd 2009

    hahaha oo nga ano, mas barya ang pera, “mas marami” in terms of quantity hehehe.

  34. para sayo miss..

    http://awefullworld.com/?p=1950

    enjoy! πŸ™‚

  35. nortehanon Apr 2nd 2009

    This is challenging, AC. This is really challenging. πŸ˜€ Quinnie tagged me with this one also. Isipin ko pa paano ko diskartehan without compromising the lady behind this blog hahaha!

  36. Siguro depende pa rin talaga yan sa tao Miss N. Personally ako kasi masinop pa rin ako sa mga barya barya. Kung nakita ko yung piso pupulutin ko tapos bigay ko na lang sa driver kasi sigurado sa kanya naman yun. Sayang.

    I read your post about those kids. I admire them for their skill. At least they use their talents to earn a little. I should say I would cry if I was at your position that time. Good thing you were able to find a nice view to hold the tears.

  37. nortehanon Apr 3rd 2009

    Wow, masinop si Emilayskie! Ang mga masinop daw na tao ay madaling yumaman πŸ™‚ Pag rich na rich ka na, sana wag mong kalilimutang dalawin pa rin itong blog ko hehehe

    Yes, nakakaiyak nga yung eksena na yun. Pero magaling ang mother nature na comforter πŸ˜‰

  38. grabeh tagos na naman sa buto yun ah… bawat barya mahalaga… lalo na sa taong may matinding pangangailangan…

  39. nortehanon Apr 3rd 2009

    Tama ka, Yhen. Bawat barya talaga ay mahalaga. yung barya sa ibang tao ay maaring pantawid buhay na ng iba.


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.