Go, celebrate the gift of life!
  Next Post:

Textmate, Anyone?

It always amuses me whenever I receive a text message like this:

“Hi, pwede bang makipag-textmate?”

For one, iniisip ko, hindi ba sila nanghihinayang sa load? Siguro naka-unlimited sila hehehe.
Pangalawa, hindi ba sila nanghihinayang sa time spent in looking for textmates? Siguro bored sila hehehe

Last night, kakaibang text naman ang natanggap ko:

“Hi, I’m Norberto. 15 years old. Single. Pwede ba kitang maging girlfriend?”

Naisip ko, “Aba, dapat ay talagang single pa siya at his age” hehehe

At dahil naka-unlimited ako, sinagot ko naman siya. Heto ang sagot ko:

“Sige, iho, kung ok lang sa yo na maging nobyo ng 60 years old na lola.”

Hindi na ako sinagot. Naisip ko, siguro hindi ok sa kanya hehehehe.

Posted 8 years, 4 months ago at 1:01 am.

24 comments

24 Replies

  1. well, una sa txtmate nagsisimula ang anupaman..siguro’y paraan lang mga pinoy talaga ang txt para maibsan ang hirap ng buhay..ganon pa man e yung 15 anyos na yon malamang nagsisi dahil ang natapatan nya e kunwari 60 yrs old..ehehehehe, malas nya lang..

  2. nortehanon Feb 1st 2009

    hehehe baka nadala na ‘yun 😉

  3. Hahahah.. Ang galing sumagot ni Miss N! Kakabilib. Ganyan din ako eh.

    Texter: Care to be my text mate? ASL please?
    Ako: 69 F Catbalogan, 5 kids, 12 grand children. Kaw?

    Wala ako lagi natatanggap na reply sa ganun. Note: Di pa ako nakarating sa Catbalogan. ^^

  4. nortehanon Feb 1st 2009

    Ako nakarating na dun! hehehe. So sige, next time meron magtext sa akin nang ganun, gagayahin kita hahaha!

  5. Nakakagulat naman siguro kung 15 years old and married haha.. at talagang 15 years old pa yon kasi kung hindi, makipag bolahan yon sayo… award na lang kita at pick-up mo sa Blog Header Award. Just contact me if you want it removed.

    God bless you and have a wonderful day.

    Elyong

  6. nortehanon Feb 1st 2009

    Wow, salamat, Elyong at pinagkaabalahan mo pa palang mag-ikot ng mga blog para pagmasdan mabuti ang mga header. Salamat at napansin mo ang aking blog header.

    Sinusubukan kong i-grab ang picture ng award ngunit hindi ko magawa. I must be doing something that’s not right. Hmn, aaralin ko pa hehehe. Pag wala na ako pera, isasangla ko lahat ng award na matatanggap ko dito hehehe

    Salamat po uli!

  7. he! he! katawa naman itong post na ito ;p

    naku paano kung type nya pala talaga ay oldies YAY! *LOL* j/k. 😀

    TGIF sis!

  8. nortehanon Feb 1st 2009

    Ay, oo nga ‘no? Paano nga kaya, ‘te? hehehe.

  9. Si Norberto, naghanap lang ng katunog na pangalan – Nortehanon, hehe.

  10. nortehanon Feb 1st 2009

    Malamang nga, Dfish. Malamang! hehehe

  11. LOL! hahaha. uso pa pala ang textmates!
    aaminin ko, i also had a textmate before, pero yun ay nung bago palang iniintroduce ang cellular phone.

    funny and cute post =)

  12. nortehanon Feb 1st 2009

    Friends come to us in may ways. Hindi naman siguro masamang magkaroon ng kaibigan sa text. Basta mag-iingat lang dahil marami ring salbaheng tao ang may modus operandi 😉

  13. oi oi baket wala ka yata disclaimer ngayon na this entry is far from being inspirational… pero on second thought inspirational nga din pala sya. ibig sabihin nyan hija nagpaparamdam na si kupido. matuto ka na daw mamansin ng mga alagad ni adan.. masyado ka kase busy, kelangan mo na daw ng inspirasyon. ayan kita mo panay text na sayo.. baka naman maya e feeling bagets lang yan.. pero yun pala ay tangahanga.. este tagahanga mo na nanjan lang sa tabi2.. wahahha! 😀

  14. nortehanon Feb 1st 2009

    Aba, at ang salbahe naman pala niyang si kupido eh. Alam naman niyang my heart is full na for someone else at wala nang space tapos may gusto pa siyang isiksik. Tsk. tsk. Nasaan ba ‘yang kupido na ‘yan? Sisermunan ko hehehe

  15. pero you’ve got to admit, bata pa lang eh love na agad ang hanap. medyo clumsy nga lang at napaka-naive pa.ü

    kung minsan, nagugulat din ako sa mga bata ngayon, bukod sa may cellphone na eh may laptop pa talaga! dati eh magka-game and watch lang eh parang scion of a sugarcane baron ka na. ngayon, kung magtapon ng load, maryosep ang mga batang ito!

  16. nortehanon Feb 17th 2009

    hahaha, oo nga, Brother Utoy. Bata pa lang siya ay puno na siya ng pagmamahal ahihihihi

    I agree with you. Sa pananaw ko, maraming sinasayang na resources at time ang mga bata ngayon.

  17. whew! sobrang lakas ng tawa ko nung nabasa ko itong post na to! nagtuon ako ng 15 minuto para lang sa pagtawa. i can relate. minsan nga, may mga nagsasabi ng higit pa sa mga ganyang proposisyon. minsan, medyo tempting ang offers. hahaha!

  18. nortehanon Feb 17th 2009

    rchrd, how tempting? hahaha! hala, indecent proposal ba ang dating? 😀

  19. hatag an ak number ‘daaay. hahahah. charing lang

  20. nortehanon Feb 17th 2009

    hahaha! hala, niyan kuhaon ko im number tapos ihahatag ko kun magtext utro 😀

  21. ang standard reply ng hubby ko sa ganyan, happily married with 3 kids, he he. usually di na nagrereply 🙂

  22. nortehanon Feb 17th 2009

    hehehe Dina, pag may nagtext uli, gagawin ko na ring standard answer yung answer ko sa batang ‘yun 😀

  23. Very witty reply.

    Kung ako man ang maka-receive ng reply mo, aba e hindi na rin ako sasagot. O kaya naman, sasabihin ko: “Lola, tulog na po… bawal sa inyo ang mapuyat!”. Ha ha ha!

  24. nortehanon Feb 25th 2009

    hahaha! tawa ako ng tawa sa comment mo, Rev. Mabuti na lang hindi ako sinagot nang ganun hehehe


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.