Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

Pasakalye sa Tag-araw


Summer na!

Nagbubunyi ang langit sa masiglang kulay na asul habang mahinhin itong sinusuyod at kinikiliti ng malabulak na mga ulap. Sa lupa, ramdam ng mortal na balat ang kakaibang init ng halik ng haring araw. Hatid ng init na ito ang daluyong ng masasayang mga alaala–mga maliliit na piraso ng langit–sa panahon ng tag-araw:

Ang maingay na panahon ng taguan, patintero, at habulan na sumubok sa kakayahan ng tsinelas na goma.

Ang masiglang pagtatampisaw sa mga ilog at lawa, at pamimingwit, at ang pamamangka.

Ang maigting na pag-aagawan sa lumang duyan na kahit butas na ay kaakit-akit pa ring sakyan.

Ang masuyong paghalik sa paa ng alon at malambing na paghampas nito sa dalampasigan.

Ang namaos na lalamunan sa pagkanta sa videoki sa mga reunion at pistahan.

Ang matatamis na ngiti at maiinit na yakap na pasalubong sa mga nagbabakasyon na balikbayan.

Ang matiyagang paghihintay sa pagdaan ng mamang sorbetero sa kanto, at ang pananabik na matikman ang sorbetes bago pa matunaw ito.

Ang paghimlay ng araw sa kanluran, ang pagsalisi ng gabi, at ang pagdiriwang ng mga tsismoso at tsismosa sa labas ng bahay, sa ilalim ng kahaliling liwanag. Kuwentuhang walang humpay hanggang lumalim ang gabi, kasabay ng pag-awit ng mga kuliglig sa gabing pangko ng punong mangga ang buwan.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga larawang kaakit-akit na iginuguhit ng panahon ng tag-araw, mga larawang patuloy nating minamahal, binabalikan, ipinagdiriwang, at iniingatan. Dahil ang summer sa Pilipinas ay panahon ng pagtatampisaw sa saya, ng pagtupad sa mga pangako at pagtanaw sa pag-asa, ng mga paglalakbay, ng pagsalubong sa buhay, ng pakikipag-isang dibdib sa kalikasan, at ng muling pakikipagniig sa lupang pinagmulan.

(published online last summer at the Kablogs Journal.)

Posted 5 years, 7 months ago at 1:23 pm.

54 comments

54 Replies

  1. i miss summer in da pilipins!

  2. Nami-miss ka na rin g Pinas, AC! πŸ™‚ Balik ka na raw muna ng Pinasfor summer at magtampisaw sa Bora o sa Calaguas πŸ™‚

  3. Awan ti kwarta… Hihi

  4. Asus, parang ayokong maniwala sa sinabi mo hahaha! Ikaw pa! πŸ™‚

  5. na miss ko ang tag-araw sa pilipinas, at na miss ko ang mga sulat mo Miss N!

  6. At Na-miss din kita, sir Kiko πŸ™‚

  7. The Beach! Whew! Sarap!

  8. Swim ka na! πŸ™‚

  9. beach!kaso may ojt ako this summer

  10. Di puwedengtumakas sa ojt? Haha! Oo, oo, ako na ang BI hahaha

  11. Summer na summer na dito sa iyong lugar Ms. N pero dito sa Manila, isang maulang summer yata ang magaganap, haysss! πŸ™

  12. Di po ito sa Samar, kagalang-galang na Pinay Wanderer. Sa Camiguin po kuha ang larawang ito hehehe. Sa Samar din po ay panaka-naka ang pag-ulan sa ngayon πŸ™

  13. namiss ko tuloy ang maglaro ng patintero twing summer!

    ang ganda ng kuha ng larawan! ang husay!

  14. Maraming salamat po sa pambobola, Doc Gelo haha!

    Hmn, ipauso mo dyan sa bansang kinaroroonan mo ang paglalaro ng patintero. Why not, di po ba? hehehe

  15. Walang sawang laro ng taguan at patintero, ang pahihintay sa mamang sorbetero at ang mga pagkain sa fiesta, hay summer na nga talaga. Ms. N. parang gusto ko tuloy umuwi samin. Kakamiss ang home.

  16. Uwi ka na agad, Sey! πŸ™‚ Tapos makipaglaro na sa mga bata ng patintero at mag-abang na ng sorbetero sa kanto πŸ™‚

  17. Ang sarap balikan ng mga alaalang ito. Itong mga larong ito ang syang humubog sa akin. Wala pang cellphone noon, at walang pang masyadong TV — kaya ang mga panahong bilog ang buwan ay tila fiesta sa buong barangay. Ngunit ngayon ala na..unti unti nang nilamon ng makabagong panahon ang mga dati nang nakagawian…mabuti na lang at may blog…nababalikan pa rin natin kahitr minsan, kahit sa literatura man lang.

    Slamat Miss N sa pagbisita at pag iwan ng iyong napakagandang komento sa blog ko.

    Si Enzo ito mula sa Enzo’s Point.

  18. Hi Enzo,
    Maraming salamat sa pagbisita. Natutuwa ako because this post also evoked happy memories of your childhood. Sa ngayon yata ay halos wala nang bata sa kalsada, bilog man ang buwan o hindi. Dahil ang mga bata ay nasa loob na ng kanilang bahay at naglalaro ng Angry Birds o kaya’y nasa Facebook.

  19. awwww. lalo tuloy akong na-atat sa summer. spring pa lang dito kaya hindi pa rin pwedeng magpunta ng beach at maligo…. miss ko na ang pinas!

    Spanish Pinay

  20. Uwi na muna kayo dito! Haha!

  21. aninipot Mar 24th 2012

    Naexcite tuloy ako. Binilang ko tuloy kong ilang araw nalang at makakauwi na ako. Tampisaw na sa dagat πŸ˜€

  22. Go, go, go, Ms. Ani! Uwi na! πŸ™‚

    See you in Zanorte haha!

  23. Excited na ako mag beach! πŸ™‚

  24. Me, too, Roxanne! Got to rekindle my love affair with the sea πŸ˜‰

    Thanks for the visit, She-bom, este, Roxanne πŸ™‚

  25. Thanks for visiting my blog again. I have visited your blog din before and I was actually inspired by this blog before. Natuwa kasi ako sa ajax header mo, ang ganda.

    By the way about your remark on my Baul ni Noel, yung subdomain na photoblog. It was actually made possible kasi yung domain ng baul ni noel ko ay from third party. Pero if you have bought your domain at Blogger ay di yata possible yun. Hope this gives more light. Ingat and thanks again.

  26. Hi Noel, thanks for visiting my blog and for your kind words. WordPress po itong blog ko. Titingnan ko nga if it’s possible to also have a subdomain at my blog para yung collection ko ng photos sa blog ko na rin ilalagay.

    God bless!

  27. nalula ako sa lalim ng tagalog, pero maganda ang dating. nakakantig (?) ng damdamin tulad ng nobelang dandelion wine ni ray bradbury.

  28. Naks, napaghahalata po ang wide reader πŸ˜‰ Pero sorry po di ko pa po nababasa ang gawang ‘yan ni Ray Bradbury πŸ˜€

  29. What a wonderful beach with white sand!! WOW!! =)

  30. We have lots of them here, Viola πŸ˜‰

  31. SUMMER, the best time of the year! Lalo na pag dito ka gumala sa Pilipinas!

  32. I very much agree, Olan. Keep exploring Pinas and keep safe in your travels.

  33. Ang saya ng summer.. kaya lang mukhang uulan ngayon dito sa amin. πŸ™

  34. Hi Orville, tiyak akong sisikat din ang araw para pasayahin ka ngayong summer πŸ˜‰ Kung ngayon ay umuulan diyan, tiyak din akong may dahilan ang nasa Itaas para patuloy na magdala ng ulan diyan sa inyo πŸ˜‰

    Maraming salamat sa muling pagdaan.

  35. Wow! when my summer started, It’s quite a bit boring. but when I read this, My mind started to say, hey after all I think I am just dumb to appreciate the smallest details of the season.

  36. Hi iho, natutuwa naman ako at narealize mong there are so many things to appreciate about summer.
    Thank you for dropping in at my blog.

  37. Kaya pala pamilyar ang mga titik, nailathala pala ito sa Kablogs Journal.

    Summer na ulit kahit na tag-ulan.

    Magandang araw din. πŸ™‚

  38. Magandang araw din.
    Opo, inulit ko lang i-post dito kasi swak na swak uli sa panahon hehehe.
    Kumusta, Ginoong Kulisap?

  39. that is a lovely photo up there miss n. it is really summer and nothing is stopping it. it is very hot too! i wish you enjoy this season to the fullest!

  40. Thanks so much, PM. Yes, it is very hot and I’m enjoying it πŸ™‚

  41. hello… nortehanon…napadaan si diarynigracia dito…sa iyong palasyo.

    Dito naman sa Kuwait…halos di ko na matandaan ang makalanghap ng alimuom.. ‘di ko na alam anong tunog ng kidlat… hmmm.. ayan na-miss ko na sila.. dahil dito sa Kuwait mas mahaba panahon ng tag-init na umaabot sa 45 degree pa nga… =) Anyway,,, let us still thank God.

    Salamat.

  42. Hi Gracia,
    I can only imagine kung gaano kainit dyan sa Kuwait. Tuwing nakikita ko ang imahe ng mga disyerto, naiisip kong kung ako ang nasa bansang iyan ay hindi ako tatagal, lalo na’t mahina ako sa init. Madalas siguro akong magma-migraine dyan πŸ™

    Good luck sa ‘yo at salamat sa pagdaan.

  43. naks naman daleng-dale ng post na ito ang mga nakaka-excite na bagay sa summer. Hay lalo siguro akong bubungisngis nito noong estudyante pa ako.

    pero ano pa man masaya ang summer sa Pilipinas, daming events!

    mabuhay!

  44. Mabuhay din, Hoshi! Sana ay nag-i-enjoy ka ng summer mo.

  45. Napaka-matalinghagang mga salita, haha. Thanks for posting this, I think I should practice my native tongue, so I could write a post like this one. Galing!

  46. Hi Sheng! Salamat, di naman sa matalinghaga pero minsan masarap lang talagang mag-express ng sarili sa sariling wika haha! Subukin mo rin minsan πŸ˜‰

  47. san yang beach na yan?

    kagagaling lang namin sa San Juan Batangas last week. Beach na kung beach ako dun kasi nasunburned talaga ako, pero ganun pa man, hindi ako titigil mag swim hanggat may magyaya sa akin na mag beach hahaha…

    It’s more fun to swim in the Phils di ba?

  48. Hi Jeanny!
    Ito yung White Island sa Camiguin hehehe. Nakarating na rin ako sa San Juan, Batangas, sa Laiya. Dun sa Sibuyan Beach yata yun, can’t exactly recall the name of the resort. I heard, maganda raw yung Kabayan resort dyan. Sana makabalik uli ako ng San Juan. Yes, it’s definitely more fun to swim in Pinas!

  49. Anak, Happy Easter! Hari nawa ay dulutan ka ng biyaya ng Maykapal. Nangangamusta lang iha.

    God bless!

  50. Inay! Miss you, miss you, miss you! *hugs, hugs, hugs*
    Maraming salamat sa pagdalaw. Mabuti naman po ako, Inay. God bless din po at mag-iingat lagi dyan sa malayong lupain.

  51. summer na maulan kapatid πŸ™‚

  52. Ay, maulan dyan? Dito naman ay nabibitak na ang anit namin ni Guyito sa init ng araw haha!

  53. enjoyin ang summer!

    salamat nga pala sa pagdalaw:)

  54. Yep, kailangan talagang i-enjoy ang summer. Sooner, rainy season na naman, sana lang walang baha.
    Salamat din sa pagdaan mo.


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.