Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

Mon Amie


Ikaw, kaibigan, ang itatampok ko ngayon dito sa blog ko at pasasalamatan.

Habang tinitipa ko ito ay nakikita kong magkasabay nating inaakyat ang malalaking bato sa bundok at tinatawid ang mga ilog. Magkasabay nating nilalakbay ang tila walang hanggang mga kalsada. Magkasabay nating pinagmamasdan ang ginintuang kulay ng paglubog ng araw. Magkasabay nating binabaybay ang ilang dalampasigan. At magkasabay tayong napapatunganga ganda ng kalikasan.

Magkasabay nating ginagasgas ang ating mga lalamunan sa bawat concert ni Lola Regine. Magkasabay nating pinanoood sa Festival ang Harry Potter. Magkasabay tayong nakikipagsisikan sa bookfair sa MOA. Magkasabay nating pinupudpod ang suwelas ng ating mga sapatos sa paglilibot sa Ayala, SM, Festival, at Divisoria. Magkasabay nating pinagsasaluhan ang sandwich ng Isaac, ang Zagu pearl shake, at nilalantakan ang ice cream at cake.

Ngunit higit pa sa lahat ng iyan ay ang magkasabay nating pagsasalo sa kuwentuhan, sa saya, sa problema, at sa marami pang seryosong bagay.

Salamat, kaibigan, dahil sa loob ng napakaraming taon, walang isang araw na lumipas na hindi ka nag-text at nangumusta. Oo, record-holder ka sa lahat ng mga kamag-anak at kaibigan ko. Gusto kitang putungan ng korona dahil dyan πŸ™‚ Salamat, dahil sa loob ng maraming taon ni minsan ay hindi mo ako iniwanan at tinalikuran.

I am truly, truly honored, blessed, and awed to have known you. Mmmmmmmmmwah! Happy birthday!

Posted 6 years, 4 months ago at 10:30 pm.

36 comments

36 Replies

  1. true friends are really treasures. hapi bday sa best friend mo πŸ™‚

  2. nortehanon Jun 9th 2011

    Maraming salamat daw, Blogging Puyat. I hope di ka naman masyadong puyat ngayon πŸ™‚

  3. Happy birthday to her and cheers to many more! πŸ™‚

  4. nortehanon Jun 9th 2011

    Ate Becca! Tenkyu, tenkyu po πŸ™‚

  5. wow naman, ikaw na ang may kaibigang makakasabay sa lahat ng bagay, happy birthday sa kanya πŸ™‚

  6. nortehanon Jun 9th 2011

    haha! CM, di ko po ngayon masyadong nakakasabay ’yang friend ko na yan kasi malayo siya sa akin. At kung may time ako, siya naman ang walang time, or vice versa. Salamat.

  7. what a nice “tribute.” napatawa ako sa gusto mo syang patungan ng corona. marami tayong ganyan sa buhay natin. at singer ka pala ha; kaya mo mga kanta ni regine? he he!

    maswerte ka at may kaibigan kang katulad nya [in the same way na swerte sya at may kaibigan syang tulad mo.] naway tumagal pa ang inyong pagkakaibigan! sabi nga nila, one true friend is worth more than a thousand acquaintances. so treasure your friendship. πŸ™‚

  8. nortehanon Jun 9th 2011

    Yes, Ms. Grace, gusto ko siyang putungan ng korona. Ang problema lang wala pa akong pambili ng korona hehehe.

    Ay, di po ako singer. Ganito po yun: tuwing concert, si birthday girl po ay nagagasgas ang lalamunan sa pagkanta. Kasi po, talagang marunong po siyang kumanta, sumasabay siya kay Lola Regine. Ako naman po, nagagasgas ang lalamunan sa pagsigaw lang, hindi sa pagkanta hehehe

    Opo, masuwerte nga po talaga ako. Sana nga po ay tumagal pa ang aming pagkakaibigan. Maraming salamat.

  9. ayos! magkasama kahit saan. happy birthday kay kaibigan mo, ms n. πŸ˜€

  10. nortehanon Jun 9th 2011

    πŸ™‚ Maraming salamat, Marco!

  11. Blessed bday po kay friend mo.
    =)

  12. nortehanon Jun 9th 2011

    Tenkyu, tenkyu, Pong! Ingat ka palagi dyan. Be blessed always.

  13. i am equally honored and blessed… napakabuti ng pagkakataon sa akin sapagkat ibinigay niya sa akin ang karangalang makilala ka… ang swerte ko talaga… salamat sa pagbati…

  14. nortehanon Jun 9th 2011

    Naks, ang drama naman, parang hindi ikaw πŸ˜€

  15. hindi naman drama yun… tagalog lang kasi… di ko kayang inglesin… ha ha ha ha… salamat sa isang pahinang inilaan sa akin… sa sunday, treat mo ko ah…

    salamat po sa lahat ng kaibigan ng kaibigan kong bumati sa aking kaarawan…

  16. salamat sa treat at sa book!

  17. another gift of life celebration yan ah Miss N! waahahaha pareho lang tayong bisibisihan hehehe! God bless!

  18. di mo talaga matatawaran ang halaga ng isang kaibigan sa buhay mo. lalo pag ganyan ang dami nyong pinagsama and experiences together. you are so nice to make a tribute like this for your friend.:D

  19. napakabuting kaibigan.
    kapatid, ihalik mo nalang din ako sa kanya.hehe at ibati ng maligayang kaarawan.

  20. Wow! You did a lot of travels na! Amazing, I just travel back and fort to Manila most of the time. Thanks for dropping by my site. Can we be friends? I will subscribe na lang through e-mail. πŸ˜€

  21. happy birthday sa bestfriend mo Ms. N….

    Mahirap magkaroon ng tunay at laging nanjan na kaibigan… Napaswerte mo at maswerte ang kaibigan mo dahil magkasama parin kau till now… Hope ur friendship will last…

    ingats …..

  22. nortehanon Jun 30th 2011

    Thanks, khyshelle! Ingat ka rin.

  23. nice tribute nortehanon. happy birthday to her

  24. nortehanon Jun 30th 2011

    Thanks, eds!

  25. this tribute applies to you as well. you’re such a good person that everyone wants to be your friend. but, of course, most aren’t fortunate. it’s like winning in the lotto. as emily dickinson said, “the soul selects her own society…”

  26. nortehanon Jun 30th 2011

    Hmn, I’m starting to have this feeling that I personally know you haha!

  27. belated Happy Birthday kay Mon Amie!

  28. nortehanon Jun 30th 2011

    Salamat daw, Hoshi!

  29. medyo late na ang comment ko pero magkocomment pa rin ako kasi makulit ako. πŸ˜€

    naaalala ko yung best friend ko habang binabasa ko to. ang sarap magkaron ng mga loyal at matiyagang kaibigan na hindi nag-iiwan no?

    magandang araw sayo. πŸ™‚

  30. nortehanon Jun 30th 2011

    Talying! Na-miss kita dito, iha πŸ™‚ Kumusta naman you?

    Pinatawa mo ako dito >>>>> “medyo late na ang comment ko pero magkocomment pa rin ako kasi makulit ako.” Sige lang, comment lang. Welcome na welcome dito ang makukulit πŸ˜‰

  31. ang sweet mo naman. Happy birthday sa friend mo. πŸ™‚

  32. nortehanon Jun 30th 2011

    Jeanny, salamat daw sabi ng friend ko.

  33. sphere Jun 28th 2011

    ang kaibigan daw ang regalo ni papa Jesus sa mga mababait na tulad mo πŸ™‚

    Happy Birthday sa frend mo…

    musta kna?

  34. nortehanon Jun 30th 2011

    Hello, Binibining Sphere! Okay lang po ako, salamat sa pangumusta ha. Na-tats ako πŸ™‚

    Ako, mabait? Hmn, kelan ka babalik ng Pinas? Ililibre kita ng ice cream dahil sa pambobola mo hahaha!

  35. so sweet… Glad that you meet each other ^_^

  36. nortehanon Jul 21st 2011

    Thanks, MJ! It’s a blessing to have a friend like her.

    Welcome dito sa blog ko at maraming salamat sa iyong pagdaan at pagkomento.


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.