Go, celebrate the gift of life!
Previous Post:   Next Post:

sa panahong masarap magtampisaw


isinisilang sa aking balat
ang butil-butil na pawis
kapag dumarating ka.

naninindigan ka’t
di mapatid-patid
ang pagsuyo sa akin
ng mainit na hangin.

ngunit sa gitna ng Mayo,
nagbabadya ang maagang pag-alis mo.
tangkain ko man na pigilan
ay hindi ko kayang gawin ito.

at ang tanging matitira sa akin
ay mga nakangiting anino sa paanan
ng aking alaala.

magpapaalam na naman ba ako sa iyo,
tag-araw?

Posted 6 years, 3 months ago at 6:30 pm.

22 comments

22 Replies

  1. very relaxing spot! gusto ko dyan sa duyan. πŸ™‚

    Btw, I hope all is well with you and at your place by now. Ingat lagi! Miss you too, Sis N!

  2. nortehanon May 19th 2011

    Pag umuwi ka ng Pinas, hahanap tayo ng duyan, ‘te πŸ™‚

    Salamat sa concern, Ate Becca. Okay na kami, nakapag-dry na ng mga gamit hehehe. Ingat ka rin lagi.

  3. may hirit pa ang tag-araw. hindi raw muna. para sa kagaya kong di pa nakakapag swimming. hehe!

    sumingit lang muna ang sungit ng panahon. ako, i just take it positively. baka kasi ibig sabihin nun, walang sobrang mahabang tag-init at tag-ulan sa taong ito.

  4. nortehanon May 19th 2011

    Hi Duking! Mukhang hhindi pa nga siya aalis. Ikaw lang ang hinihintay niyang makapag-swimming. Wag ka munang magsu-swimming ha, sa last week na ng May o first week ka ng june mag-swimming hehehe

    Sana ay magdilang anghel ka, na sana ay hindi masyadong mahaba ang tag-init at tag-ulan, yung tama lang πŸ˜‰

  5. dito naman, parating pa lang ang tag-araw πŸ™‚

  6. nortehanon May 19th 2011

    Hurrah sa pagdating ng araw dyan, Kayni πŸ™‚

  7. Sana may “like” button din dito πŸ˜†

    Lalo ko namiss ang beach dito sa post mo. Gusto kong mag-Boracay!!!! :p

  8. nortehanon May 19th 2011

    Hehehe Sige, ganito na lang: pag may nagustuhan kang post o picture dito, isulat mo muna ang “Like” bago ka mag-proceed sa comment mo hahaha!

    Miss mo ang Bora? Gora na!

  9. ang sarap naman humiga dyan sa duyan!

    naku miss N! ayoko ng tafulan, pero ayoko din ng sobrang init. gusto ko yung makulilim lang! he he!

  10. nortehanon May 19th 2011

    Hi Ms. Grace! Welcome kang humiga dyan sa duyan. My brother owns it πŸ˜‰ Binitbit lang namin dyan sa beach πŸ™‚

    Ako, gusto ko yung tag-ataw. Pero hindi naman yung sobra ang init. Dati naman kasi, kahit matindi ang sikat ng araw, hindi masyadong mainit at masakit sa balat eh. Ngayon, somobra na talaga ang global warming.

  11. Oh tag-araw bakit ka lilisan? Darating na naman si tag-ulan na may dalang bagyo at hanging nakagiginaw.

    Hehe…basta ang ganda ng tula na ito. πŸ™‚

  12. nortehanon May 19th 2011

    Naku, Ginoong Ahab, sana naman ay walang dalang bagyo ang tag-ulan. Ang hirap kasi kapat may bagyo eh.

    Natuwa naman ako at nagustuhan mo ang tula.

  13. Ang ganda ng tula Ms. N. I feel like gusto ko siya hiramin sayo! hehehe! parang paalis na nga po si tag-araw, darating na si mahal kong tag-ulan. pero wag naman bagyo! hehehehe!

  14. nortehanon May 19th 2011

    Hi Sey! Hiramin talaga ha. Sige, puwede mong hiramin kung gusto mo. Isoli mo na lang pag tapos ka na hahaha! Naku, tama ka, sana naman ay huwag bagyo. Nakaka-sad pag bagyo.

  15. Ms. N, may ipinadala po akong email sa inyo tungkol sa Pens of Hope.

    Salamat po. πŸ™‚

  16. nortehanon May 19th 2011

    Got it! Salamat nang maraming-marami!

  17. Ay, hindi raw muna siya aalis, Ms N. Dumaan lang saglit si Bebeng, pero pag alis nya, balik sa dating gawi si Tag-araw.. Hehe.. Kahapon daw, umulan sa Manila? Dito sa Iloilo, wala.. kahit ambon man lang, wala. Sobrang init.. ang srap lang magbabad sa water.. :))

    Simple at maganda na tula, Ms N.. And I LOVE the picture. ^^,

  18. nortehanon May 19th 2011

    Sa Samar ay hindi naman umulan, Leah. Tama ka, sarap magbabad sa tubig πŸ™‚

    At salamat sa iyong nakakataba sa puso na komento tungkol sa tula at sa litrato πŸ™‚

  19. Ganda ng kuha mo dito pare…landscape din favorite kong kuhanan… hirap talaga ako sa portrait. Salalmat din sa comment mo sa blog ko. Follow kita!

  20. nortehanon May 26th 2011

    Inhenyerong Moks, naku sorry at napunta itong comment mo sa spam. Now ko lang nakita. It pays din pala to visit the spam folder.

    Salamat sa pagdalaw. Kape ka muna πŸ™‚

    Maraming salamat sa komento mo. Pero “mare” po ako at hindi “pare” πŸ™‚ Mahirap talaga ang portrait lalo’t kailangan ng specialized lens ay marami pang konsiderasyon sa lighting. Salamat sa pagfollow, parekoy πŸ˜‰

  21. Hello my dear friend! πŸ™‚ Now it’s a long time since I visited you here in your blog..

    And the first I get to see.. this gorgeous picture!! What a night it must haave been, so fantastic!!!! =)

    And your second picture– oh, I would like to rest there.. :))

    I hope you are doing fine!

    Best wishes from me! πŸ™‚
    and thanks so much for your lovely comments! πŸ™‚

  22. nortehanon May 25th 2011

    Hi Viola, I am doing good. Thank you. I hope you are, too!

    Well, hope you can visit my country someday. I would love to take you there πŸ™‚


Feel free to comment. You share, I share. We both learn. It's all good.

This blog is kept spam free by WP-SpamFree.