Go, celebrate the gift of life!

You are currently browsing the archives for September, 2010.

Superhero


(This is NOT an entry to the Pinoy Expats/OFW Blog awards (PEBA) 2010, kundi bilang pakikiisa sa mithiin ng patimpalak at pagsuporta sa mga OFW. For the official entries, click here. The person in the photo is a former OFW. Let’s call him, Mike. Ito rin ay isang pagpupugay sa lahat ng hirap na dinanas niya sa pangingibang-bayan.)

Anak,

Naalala kita kanina nang gumuhit ang isang matalim na kidlat. Takot ka pa ba sa kidlat? Noon kasi, takot ka kapag kumikidlat. Hahagilapin mo agad ako, tatakbo papunta sa akin, at magpapakarga. At pag nakakapit ka na sa bisig ko, maglalaho na ang takot mo. Pakiramdam ko, nagiging superhero ako. Tagapagpayapa ng loob mo. Taga-alis ng takot mo. At sa oras na nangyayari iyon, nananalangin akong patuloy akong maging superhero ng buhay mo.

Pero malayo na ako ngayon. Milya-milya ang ating pagitan. Maraming dagat at bundok ang naglalayo sa ating dalawa. Kung kikidlat man diyan, nag-aalala ako. Sapagkat walang malakas na bisig na kakarga sa ‘yo. Kaya maging matapang ka sa kidlat, Anak. Huwag kang magpapakarga sa Inay mo. Paminsan-minsan kasi, sumasakit daw ang likod niya sa paglalabada.

Pasensya ka na, Anak. Ang iwanan kayong mag-ina ay isang malakas na suntok sa dibdib ko. Ngunit ang mangibang-bayan na lang ang huling baraha ko. Maniwala ka, Anak, nagsikap ako habang nandyan sa isla. Kahit ang gabi ay ginawa kong araw sa pangingisda. Ngunit lumuwa man ang mga mata ko, lumawit man ang dila ko, at maubos man ang lakas ko sa pagsagwan, kumukurot sa puso ko ang katotohanang hindi ko kayo madaling maiaahon sa kahirapan.

Mahimbing kang natutulog sa duyan nang umalis ako. Nakatulog ka sa kaiiyak nang malaman mong aalis ako at hindi ka kasama. Ang akala mo’y sa bayan lang ako pupunta. Umiiyak ang iyong Inay. Umiiyak din ako. Parang pinipira-pirasong papel ang puso ko. Tumututol ang mga paa kong humakbang papalayo sa inyo. At habang bumabaybay sa payapang dagat ang bangkang maghahatid sa akin sa bayan, papaliit nang papaliit sa aking paningin ang ating dampang malapit sa dalampasigan. Ipinangako ko sa sarili ko, ipaaayos ko ang giray-giray na dampang iyon para pagbalik ko, buo na ang bahay ko, buo na rin ang pamilya ko.

Mainit dito, Anak. Mainit ang disyerto. Subalit kahit masakit sa balat ang silahis ng araw ay ginagapang ng lamig ang puso ko. Parang laging may hamog sa loob nito. Siguro dahil miss ko na kayo. Dalawang taon na ako rito pero hindi pa rin ako nasanay sa ganito, na mamuhay nang malayo. Kung noon ang paboritong libangan ko sa isla ay magduyan sa tabing-dagat kasama kayong mag-ina, ngayon ang tanging libangan ko’y maglaro ng usok ng sigarilyo at titigan ang mga larawan ninyo.

Anak, hindi pa rin natatapos ang aking pagsagwan. Araw-araw, patuloy ang pagsagwan ko sa mga pagsubok dito sa disyerto.
Pangungulila.
Bisyo.
Mabigat na trabaho.
Klima at temperatura.
Sakit.
Mga kasamahang hindi marunong makisama.

Pero magtitiis ako, Anak. Magtitiyaga ako. Alang-alang sa mga pangarap ko para sa inyo ng Inay mo. Binibilang ko ang bawat araw na dumadaan, na parang mga dahong nalalagas at kumakawala sa pagkakakapit nila sa mga sanga ng puno. Hihintayin kong muli kayong makasama. Kahit matagal. Kahit mabagal. Kahit mahirap. Basta’t nariyan kayo. Basta’t alam kong kahit magkalayo ay iisa tayo. Binibigkis ng iisang pangarap. Binibigkis ng iisang damdamin. Binibigkis ng pagmamahal. Kahit ano kakayanin ko para sa inyo.

Magpapakabait ka, Anak. Ang tanging lakas ko sa pagsagwan sa disyerto ay nagmumula sa iyo, sa inyong mag-ina. Sa bawat pagsagwan ko sa buhay dito, sumasandal ako sa bawat hello mo sa telepono, sa bawat ngiti mo sa webcam, sa bawat halik na ipinalilipad mo sa camera, sa bawat larawan mo habang lumalaki ka. Dahil sa mga bagay na ito ko hinuhugot ang aking lakas. Ang mga bagay na ito ang nagdudugtong sa aking hininga. Dahil baligtad na ngayon, Anak. Dahil ngayon ikaw na ang superhero ko. Ikaw na ang tagapagpayapa ng loob ko. Ikaw na ang tagapag-alis ng mga takot ko.

Nagmamahal,
Itay

Posted 6 years, 7 months ago at 1:37 pm.

49 comments

Puzzle Pieces


When I think of stories, I think of me.
And you.
And my family.
And your family.
And the people I pass by.
And the guard at the grocery store.
And the stranger I met at the park.
And the OFW.
And the child laborer.
And the gasoline boy.
And the fisherman who sold a kilo of fish to me this morning.
And that woman I heard about in the news, who lost her legs in a recent bomb explosion.

You see, everyone has a story. We all have our stories. Our stories are interwoven like the tapestry of life. They are woven together for a reason. At one point in this tapestry, our lives intersect.

It should make us proud that we are part of such a beautiful, colorful, and interesting tapestry. At the same time, it should humble us to realize that looking at the whole thing, we are just a speck of it, just another piece of the puzzle. That even if our story is not completed or it is lost, the tapestry of life will continue.

Posted 6 years, 7 months ago at 11:42 am.

15 comments

And the Journey Begins #4

Posted 6 years, 7 months ago at 1:51 pm.

29 comments

Professor Grace Estela Mateo

May dalawang bagay sa post na ito ang hindi ko karaniwang ginagawa tuwing nagba-blog: mention a specific name and not post a picture. Ang una ay bilang pagpupugay sa isang napakabuti, napakalambing, at napakamapagbigay na kaibigan. Ang ikalawa ay bilang pamamaalam sa kanya.

Si Prof. Grace Mateo ay assistant professor at associate dean for academic affairs ng College of Arts and Sciences (CAS) sa U.P. Manila. Nagtapos siya ng AB History sa UP Diliman, MA Asian history sa Northern Illinois University, at Ph.D. history sa University of Hawaii.

Maraming beses siyang ibinoto ng mga mag-aaral ng U.P. Manila bilang guro ng taon. Libu-libong guro ng Pilipinas ang kanyang sinanay mula Batanes hanggang Jolo bilang consultant ng Teacher Education Council ng DepEd. Ito at marami pang ibang accomplishment ay nagawa niya sa loob ng 45 taon ng kanyang buhay. It was a short life. But it was a wonderfully-lived life.

Ang buhay ni Doc Grace ay ginugol niya sa pagsisilbi sa pamilya, sa mga kaibigan, at sa bayan. Kung minsan, kahit masama ang pakiramdam niya, pinipilit pa rin niyang magbiyahe para mag-train ng mga guro, magturo sa U.P., at mag-attend ng mga meeting na may kinalaman sa pagpapaganda ng curriculum sa pampublikong paaralan.

Natatandaan ko noong minsang gumagawa kami ng isang proyekto, ilang buwan din kaming halos walang tulog. Malaki na ang aming mga eye bag. Sa lapag lang kami natutulog, sa malamig na semento, gamit ang manipis na kutson. Ngunit kahit kelan ay hindi ko siya kinakitaan ng ere. Sa hirap na dinaanan namin para lang matapos ang proyekto, naaalala ko ang sinabi niya sa akin, “N, para ito sa batang Pilipino.” Kaya sa tuwing nakararamdam ang buong team ng sobrang pagod at pressure, we would always quote her, “Para sa batang Pilipino.”

Salamat, Doc Grace. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Posted 6 years, 7 months ago at 9:18 am.

16 comments

The Printed Words


I used to love typhoons. I did when I was very young. Typhoons did not scare me. I actually welcomed them. I suspect, my brothers and my sister welcomed them, too. Because typhoons provided opportunities for us to get hold of very interesting books, not at home but in another person’s home.

We used to live in a small nipa hut. On days when the weather is rough, we would huddle in one corner of the hut and listen to an old radio that loses its reception from time to time. Alerts of a strong typhoon ripping into Northern Samar would make our parents prepare us for “evacuation.” They would worry our small hut might not withstand the battering of strong winds. So amid heavy rain, our family would troop to my uncle’s concrete house. My father would leave us there and go back to our humble hut to guard it. (To this day, I wasn’t sure what he was guarding it against. Thieves? We really didn’t have any valuable thing in our house. No furniture pieces. No electronic appliances. No jewelries. No money.)

We loved being in our uncle’s house. His wife, a teacher, was a very generous woman. She would always prepare snacks for us. Snacks were already a luxury because we were not used to having snacks at home. But the best thing about being in my uncle’s house were his wife’s books. She had lots of very interesting books. We were allowed to borrow them and bring them home any day, but to sit down and read near a shelf full of books was a different experience. I remember looking up at the shelf and dreaming of having my own shelf filled with books.

It was from my aunt’s bookshelf that I met the classics. I enjoyed the Greek epics. The Roman mythology. Some of Shakespeare stories. I may not have had understood them as a reader should understand these masterpieces, but I was glad to have been acquainted with the characters. I’m sure I’ve learned a thing or two from reading them.

I have recollected these memories last Sunday when I visited the Manila International Book Fair. I watched as people went in and out of the venue and I was happy to see children asking their parents to buy them books. “The printed words will live,” I thought to myself.

But my thoughts wandered to various places in the Visayas and Mindanao whose children don’t have access to events like this or to libraries. If the source of my data is correct, there are only 688 public libraries in the Philippines. I was told that the ideal number is at least 1,851—one for each congressional district, city, and municipality. Still a long way to go, I guess.

For now, nagtitiis na lang muna ang maraming bata, lalo na sa ilang public school, with the small number of books they have in their library. Or perhaps they’re whiling away time in “bookless” and shabby space like the photo of a reading center I posted above.
————————————————————–
And, speaking of books, Tsinelas, an award-winning group of young people in Cebu needs your help. They have lunched a project called Their Books. They’ll be selling books to fund various projects for the children of Cebu. So if you have books you no longer want, don’t let them rot away on your shelves. Click the hyperlinks above and see how you can help. Big, big thanks!

Posted 6 years, 7 months ago at 12:31 pm.

44 comments