Go, celebrate the gift of life!

You are currently browsing the archives for May, 2009.

Apologies

I haven’t been visiting your blogs lately because I have been sifting through the spam queue. I have found several valid comments which were treated as spams. I am not finished going through all the comments in the spam folder. Although I think there were two valid comments which when I approved just went pffft. Hindi ko nakita sa comments section ko 🙁 I was sure I hit the approve button and not the spam button. But I don’t know why they got lost.

After attending to the spam problem, I will try to update my links. Marami pa pala sa inyo ang hindi ko pa nailalagay sa links ko. Pasensya na po. Hindi ko basta-basta magagawa ang mga ito sa isang araw lang dahil sa kasalukuyan ay napakaraming kailangang asikasuhin sa trabaho. After all these, iisa-isahin kong tumambay sa mga blog ninyo. Salamat po sa pag-unawa.

Posted 8 years, 1 month ago at 5:45 am.

12 comments

Drowning In Spams

One of my posts has been a favorite of a spam bot recently. This post. I noticed it has received more than 20,500 spam comments from a single spam bot in only a few hours. The annoying thing is whenever I delete a batch of them, another 10 or 15 immediately come in, all on the same post. I hope I can delete them in just a click or two but I don’t know how 🙁

I have reread the said post trying to find if there’s any particular word which could have triggered the spam bot to index it. Pero wala naman akong makitang pwedeng suspect na word.

I have installed a new anti-spam plugin to combat the deluge of spams. I am not sure if it’s the right plugin to fight this particular bot but I am hoping that it is. I am also hoping that it will not treat as spam any valid comments from people who have previously commented here. Kung dati na po kayong nagkakapag-comment dito tapos biglang naging for moderation ang comment ninyo, please let me know. I will sift through the spam queue and look for your comment. Salamat.

Posted 8 years, 1 month ago at 5:13 pm.

27 comments

LP3: Alam Mo Ba?

(Kamakailan lamang ay naaprubahan ang aking aplikasyon bilang miyembro ng Litratong Pinoy (LP). Maraming salamat sa admin ng LP. Ang post na ito ang aking unang lahok bilang opisyal nang kasapi ng Litratong Pinoy.)

Ilang buwan na rin pala akong nagba-blog. Sa aking pagiging bahagi ng patuloy na lumalaking populasyon ng mga blogger, mayroon dalawang bagay na inuulit-ulit ko dito sa aking blog: una, na ang kaligayahan ay makikita rin sa simpleng mga bagay; ikalawa, na ang mga simpleng bagay na minsan ay hindi na natin pinapansin ay maaari pa nating maibahagi sa iba.

Katulad halimbawa nito.

Ito ay aluminum pull tab na makikita natin sa mga de-latang inumin tulad ng Coke, Sprite, o kaya naman ay pineapple juice. Kinokolekta ko ang mga ito.

Hindi ako mahilig uminom ng softdrink dahil sa aking pangkalusugang kundisyon. Hinihingi ko lang ang mga yan sa kantina sa opisina o kaya naman ay sa mga kaibigan.

Alam mo ba na ang mga mumunting aluminum pull tab na ito ay maaaring makapagpagaan ng buhay ng ilan nating kababayan? Ang mga ito ay ginagawang tubing at sheet na maaaring gawing mga parte ng wheelchair at iba pang pantulong sa paggalaw ng mga taong may kapansanan.

Ipinadadala ko ang mga naipon kong aluminum tab sa Tahanang Walang Hagdanan. Mas malaking tulong sana kung ang maipadadala ay mga lata mismo ng inumin. Ngunit sa tulad kong napakaliit lang ng tirahan at walang ekstrang espasyo na pag-iimbakan nito, mumunting aluminum pull tab lang ang maaari kong ipunin.

Kung sakali at magkakainteres kang mag-ipon din para makatulong, maaari mo itong ipadala sa sumusunod na address:

Tahanang Walang Hagdanan
175 Aida Street
Marick Subdivision, Barangay Santo Domingo
1900 Cainta, Rizal, Philippines

Malaking tulong ang mga aluminum pull tab sa mga kapatid nating may kapansanan na nasa pangangalaga ng Tahanan. Sa susunod na uminom ka ng de-latang softdrink o kaya’y juice, sana ay maalala mong may iba pa itong hatid bukod sa pagpatid ng uhaw at pagpawi ng init ng panahon.

Posted 8 years, 1 month ago at 5:35 am.

47 comments

Ang Sagot ni Miss N kay G (Part 2)

Mayaman ka po siguro kasi may pictures ka ng ibaibang places saka marami kang pictures sa blog mo.Saka nasabi ko na mayaman ka kasi magaling ka po magenglish.Halos lahat ng post mo English. Sana dagdagan mo po ang picture mo yung where you are taking a picture. Am sure po marami dyan waiting for your picture na makita ang mukha ninyo.Pati na po ako.Sana po maging friend kita.

As I have told you in my previous post, nawindang ako sa sinasabi mong mayaman ako hehehe. But somehow, ikinatuwa ko ito because what you have said provided me another view to my Johari window. Nalaman ko that some people may see me as “sossy” and mayaman. That is something new to me and that is something I want to correct.

Let’s talk about the pictures first. Sabi mo kasi mayaman ako dahil meron ako pictures ng iba-ibang places. Ganito kasi yun, iha. Talagang  mahilig ako magbiyahe. I enjoy traveling especially in the countryside. The incredible blessings promised by countryside trips are hard to resist—the warm smiles of the people, the serenity, the fresh air, the incredible landscape views, the interesting cultures and traditions.  Traveling for me is like being in a classroom: when you pay attention to the things that unfold before you, you go back home with new learnings. This is what I enjoy most about traveling.

Most of my trips are the results of planning ahead so I can avail of fare discounts and promos. The earlier you book flights, the cheaper. Yung regular fare na almost 4,000pesos, nakukuha ko ng 788pesos na promo 😉 I am also patient in piggy-banking. Meron akong piggy bank for a particular trip na target ko. I don’t drink, I don’t smoke. Yan siguro ang bisyo ko, magbyahe hehehe. But I can’t say that I am a frequent traveler. Most of the time, nakapako ako sa upuan ko sa work ko. Speaking of work, I am also lucky that sometimes I am sent by my office to some places. Yung ibang trips ko, courtesy of my work 😉

Let us now go to the issue of my posts being in English. Bilib naman ako sa pagiging observant mo, pati ‘yan ay napansin mo pa. Pang-mayaman lang ba talaga ang pagpo-post ng English?hehehe. I post in English to practice writing in English. ‘Yun lang yun hehehe. Also, I write in English because I have some friends who do not understand Filipino. Meron kasi akong mga “kapatid” lalo na in three countries in Africa who are lurkers here. They read my posts but they are shy to comment. And when my posts are in Filipino, nag-i-email sila at nagtatanong kung tungkol saan ang post ko.

So there, I hope I have satisfied your curiosity, iha. Pasensya na kung hindi kita napagbigyan dun sa tanong mo tungkol sa name ko. I believe a name is not important in this context because it is not what defines a person. Pakiabangan na lang ang susunod ko na post. I will be writing about my beginnings in the hope that some people will learn from it or will feel blessed with their life.

Syempre, I can be your friend, iha. Email mo lang ako anytime, okay? Wag kang mahihiya.

Posted 8 years, 1 month ago at 4:49 pm.

37 comments

Ang Sagot ni Miss N kay G (Part 1)

Yesterday, I posted G’s email. It is actually not the first time I received an email inquiring about my real identity. To be honest, nagtataka ako why an ordinary blogger like me will arouse the curiosity of some people.

Here’s my reply to G’s email.

Hello po Miss N,

Good day po sa yo.

Nakapagpadala na po ako ng ilang lapis. Sensya na po kasi hindi yun marami e. Student pa lang po kasi ako at galing sa baon ko lang pinambili ko ng mga lapis. May post office sa loob ng school namin at mabuti may summer class ako. Summer class=baon 😀

Hello rin sa yo, G

Naluha ako sa unang bahagi ng email mo. Ang mga lapis na ipinadala mo ay galing pa sa baon mo. Maraming salamat sa pagbabahagi mo. Ngunit hindi mo kailangang ihingi ng pasensya ang bilang ng lapis na naipadala mo. Wala sa bilang ang pagbibigay, nasa puso ito. Give your self a pat on the back, iha.  I want you to feel proud of your self. I am sending you a warm hug.

Pwede po bang mag-ask ng personal question? Ano po true name mo?pero po if u don’t tell me ok lang po. Curious lang po kasi ako. Ang lolo ko po ay tagasamar pero di ko po alam saan dun e.

Waray din pala ang lolo mo. Sayang at hindi mo exactly alam kung saan siya sa Samar. Tatlong provinces kasi ang Samar: Northern, Eastern, and Western. Some people do not know this. Some people even confuse Samar as part of Leyte. Minsan naman, akala nila ang Leyte at Samar ay iisa.

Back to your question. Pasensya na, iha, pero ang gusto ko talaga ay makilalang si Miss N. Miss Nortehanon. Kasi parang contestant sa beauty pageant ang dating, di ba? hehehe. Kidding lang, iha. Pero alam mo, sa sandaling pagtatago ko sa pangalang Miss N, napatunayan ko ang isang napakagandang bagay: na merong mga taong may magandang kalooban na nakahandang magtiwala sa kabila ng aking pagiging anonymous. And this beautiful truth will forever be etched in my heart.

Yung classmate ko po ang talagang nagkokoment sa blog mo. Pero po ako nagbabasa din. Pati ate ko na adik din sa internet nagbabasa din ng blog mo.Ewan lang kung naintindihan niya ang post mo kasi di naman yun magaling sa english LOL! Nahihiya po ako minsan minsan magkoment e. Nahihiya ako sa yo kasi para kang sossy.

Nalaglag ako sa hot air balloon na sinasakyan ko nang mabasa ko ang part ng ito ng comment mo hehehe (joke lang yung hot air balloon ha. Baka maniwala kang may hot air balloon nga ako hehehe). Noong una, akala ko ay typo error lang ang pagkakasulat mo ng “sossy.” Ang akala ko ay “bossy.” But when I realized it is really “sossy,” ayun, nalaglag na ako nang tuluyan sa upuan ko hehehe

Minsan, narinig ko ang isang comment tungkol sa isang artista: “Wow, ang sossy naman niya Louis Vuitton ang bag tapos yung shoes niya ay Jimmy Choo.” Ako naman po ay hindi pa nagkakaroon ng LV na bag kaya hindi po ako “sossy.” Ang ginagamit kong bag sa tuwing pumapasok ako sa trabaho ay dadalawa lang. Pareho silang nabili ko nang mas mababa sa 400 pesos. Ang isa pa nga sa kanila ay butas na ang lining. At yan ay totoo at hindi joke.

Sa sapatos naman, dadalawa lang ang sapatos ko at gawang Marikina pareho: isang flat shoes at isang may 1.5 inch na heels. Yan lang po ang tanging possession ng mga paa ko maliban sa dalawang pares ng tsinelas na nabili ko sa palengke.

Hindi ko alam kung bakit inakala mong “sossy” ako hehehe. Wala rin akong sasakyan, kung ‘yan ang akala mo. Araw-araw ay isa akong commuter na nakikibaka sa kalsada–nag-aabang ng jeep, nalulublob sa baha kung minsan kapag umuulan, sumasakay sa tricycle at padyak. Sa tuwing umuuwi ng bahay galing trabaho, ako ay nagpupunas ng sahig, nagluluto, naghuhugas ng pinggan, naglalaba. Yan ang dahilan kung bakit hindi ko magawang mag-post dito sa blog ko araw-araw at kung bakit hindi ko nadadalaw lahat sa isang araw ang mga nakalista sa links ko. Pero natutuwa naman ako na naiintindihan ito ng mga kapwa blogger ko. Email mo ako na lang ako uli kung bakit mo nasabing ako ay “sossy.” 🙂

Siyanga pala, pakisabi sa classmate mo at sa ate mo na maraming salamat sa kanilang pagbisita dito. Sana ay may naibabahagi ako sa kanila sa pamamagitan ng blog ko. At paalala ko sa yo, wag na wag kang mahihiyang mag-iwan ng komento. I welcome everyone here and I appreciate the time and effort spent in leaving comments.

Mayaman ka po siguro kasi may pictures ka ng ibaibang places saka marami kang pictures sa blog mo.Saka nasabi ko na mayaman ka kasi magaling ka po magenglish.Halos lahat ng post mo English. Sana dagdagan mo po ang picture mo yung where you are taking a picture. Am sure po marami dyan waiting for your picture na makita ang mukha ninyo.Pati na po ako.Sana po maging friend kita.

Dito sa parteng ito ako nawindang hehehe. I will elaborate on this in my next post. Medyo mahaba na itong post ko na ito kaya pansamantala kong tatapusin idito. Sa susunod ay kukwentuhan kita ng buhay ko….simula nang ipanganak ako hehehe. Salamat sa email mo, G. God bless.

Posted 8 years, 1 month ago at 8:05 pm.

16 comments