Go, celebrate the gift of life!

You are currently browsing the Monochrome Joys category.

One Monochromatic Day

monochromatic_day
It was a day with sporadic drizzles. The sky was overcast, not deep blue. There isn’t much going on in this photo, but lately I am having this fascination for monochromatic pictures. Hence this post.

Looking at the photo, the bare scene struck me. Somehow I was reminded once again of the beauty of this thing called simplicity.

Posted 4 years, 2 months ago at 6:02 pm.

12 comments

Missing…


Perhaps we can meet again under the shade someday and recognize the soulful exchange we had somewhere along the way.

Posted 6 years, 5 months ago at 10:51 am.

32 comments

And the Journey Begins #14


Not all that glitters is gold. Well, take it literally from this photo 🙂

—————
Roof of the Esplanade Mall, Singapore, converted into sepia.

Posted 6 years, 5 months ago at 5:26 pm.

20 comments

And the Journey Begins #10


And I wonder: What do the trees think about as they stand like sentinels? Are they wishing for rain or the warmth of the rays of the sun? They stand still, they wait, and watch..but they won’t share their dreams with us….

——————–
Read about the “And the Journey Begins” series here.

Posted 6 years, 8 months ago at 9:33 am.

34 comments

Bisperas ng Pasko ng Batang Lansangan


madalas, mahimbing ang mundo at hindi pansin ang sipag ng isang musmos sa lansangan.

hindi pa man isinisilang ang araw,
gising na siya’t nilalambat na ng kanyang mga daliri
ang kanina pa makukulit na langaw.

ang kanyang mga butuhang daliri
paminsan-minsang sinasapo
ang sikmurang umuungol sa hapdi.

agahan: sinimulan na niyang kumayod—
nag-usisa sa mga kalawanging basurahan,
munting minerong sabik sa mailap ng yaman.

tanghalian: sa palengke tumakbo
nag-alok ng serbisyo,
“ale, mama, ako na po ang magbubuhat ng bayong ninyo.”

hapunan: tinungo ang karinderya,
sa amoy ng pagkain nagdiwang ang ilong niya, at nilunod pansamantala
ng mabangong amoy ang ungol ng kanyang sikmura.

sumilip sa loob, inaninag ang mga aninong busog ang tiyan
at pinangarap na sana’y tumagos ang sarili sa salamin
na nasa pagitan niya at ng mesang hitik sa laman.

bigo at walang nakuha ni latak ng pinagkainan,
kaya’t balik basurahan
nanimot ng mga mumo at buto na kung di panis ay pinagsawaan

gabi, bisperas ng pasko, bago matapos ang misa de gallo,
muli ay inangkin niya ang munting espasyo;
muli ay itinayo niya ang kanyang bahay sa malamig na semento—
langit ang bubungan
at ang mga dingding, walang hangganan.

abalang-abala sa pangangaroling ang ibang bata,
ang hangin, kung hindi amoy hamon ay amoy pulbura,
inilatag ng musmos ang pagal na katawan sa malamig na kalsada.

sa di kalayuan, may mga bahay na pinagpala—
may nagkikindatang mga ilaw na nagpapanggap na mga tala
at may mga mesang sa dami ng noche buena ay di magkanda-ugaga.

ngumiti ang musmos at masayang ipinikit ang mga mata.
bukas, araw ng pasko, tiyak nang may pagkain siya:
nasa loob ito ng itim na bag ni santa.

Posted 6 years, 8 months ago at 11:53 am.

53 comments