Go, celebrate the gift of life!

You are currently browsing the Litratong Pinoy category.

LP6: Lakad


Ewan ko kung bakit madalas sa dagat ang lakad ng dalawang paa ko,
gayung hindi ko naman kayang languyin ang tubig nito,
gayung ako ay nanatiling dayuhan sa dalampasigang nito,
gayung ang puso ko ay nasa kabilang ibayo ng dagat na ito.

Dahil ba sa tuwing lalakad ang mga paa ko sa dalampasigan nito
ang bawat bakas ng aking paa ay pilit nitong binubura?
Dahil ba sa tuwing nasa dagat ako ay parang hangin na malaya
ang aking diwa at aking haraya?

Marahil, marahil nga.

——————
Ang larawan ay kuha sa Bohol.

Posted 7 years, 8 months ago at 12:26 am.

68 comments

LP5: Dito Lang


Dito lang,
kung saan unang humakbang ang munti kong mga paa

Dito lang,
kung saan nagkapakpak ang lagalag kong diwa

Dito lang,
sa ilalim ng bughaw na langit

Dito lang,
kung saan ako ay nangarap pilit

Dito lang…
…sa kapirasong lupang ito,
…sa lupang hinaplos ng biyaya Mo,
…dito’y hahakbang pabalik ang mga paa ko.

Posted 7 years, 10 months ago at 12:01 am.

60 comments

LP4: Imposible Ba?

Tatawid sa mga streams.
Maglalakad.
Maglalakad sa mga bato.
Maglalakad sa halos walang katapusang lahar.
Gagawin ang lahat ng ito nang halos tatlong oras.
Kakayanin ko ba ito?
Kakayanin ba ng payat kong mga tuhod?
Imposible.
‘Yan ang nasa isip ko nang kamakailan ay umakyat ako sa Mt. Pinatubo.

Sa una ay kampante ako. Dahil ang usapan ay 45 minuto lang ang gagawing lakad. Ngunit nang dumating ang iba pang kasamang aakyat sa bundok na dating naging sanhi ng malaking trahedya lalo sa mga kalapit na probinsya, halos lahat ay ginusto nilang doon sa rutang mas mahaba ang lakaran. Sa labing-apat na tao, dadalawa lang kaming may gusto sa 45 minutong ruta.



Tatlong taon na akong walang praktis sa mga mga pisikal na gawain. Matagal na mula nang mga araw na naglalaro ako ng badminton o kaya ay madalas mag-jogging. Kaya alanganin ako sa aking kakayahan. Ni wala akong warm-up bago ang araw ng pag-akyat.

Sumikat ang araw. At umulan. At sumikat uli. At umulan na naman. Mukhang lalong pinahihirap ng panahon ang aming pag-akyat.


Ngunit salamat naman at sa kabila ng lahat ay nagawa rin namin na matagumpay na akyatin ang Mt. Pinatubo. Hindi naman pala imposible para sa payat kong mga tuhod ang marating ang tuktok ng bundok.


Posted 7 years, 10 months ago at 5:47 am.

69 comments

LP2: Simula Pa Lamang

simula

Minsan, inagaw ng munting tanim na ito ang atensyon ko habang ako’y namamasyal. Ito ay dahil ang munting tanim ay tumubo sa gitna ng tuyong mga ugat at mga baging. Hindi karaniwang dinadaanan ng mga tao ang lugar na pinagkakitaan ko sa munting tanim. Ni hindi siguro naranasan ng halamang ito ang diligan man lang ng mapagkalingang kamay ng isang tao. Tanging ang kamay ng langit ang nagpapala sa kanya sa simula ng kanyang buhay.

Taliwas ang kapalaran ng munting tanim na ito sa kapalaran ng mga punlang itinamin kamakailan ng mga empleyado ng isang kumpanya na naglunsad ng tree planting.

1_422214929l 1_805504136l
1_589043782l 1_417838832l

Ang mga punla ay maingat na itinanim at nilagyan pa ng pangalan bawat isa, at sa ngayon ay patuloy na nakatatanggap ang mga tanim ng pag-aalaga. Nakatutuwang isipin na may mga kumpanyang tulad nito na patuloy na nakikibahagi sa pagsisikap na muling dumami ang puno sa paligid.

Sa nalalapit na bukas, ang mga punong ito naman ang magpapala sa atin. Sana’y lahat tayo ay makiisa sa pagsisikap na ito, dahil ang pagtatanim ng puno ay simula pa lamang ng paghahanda para sa isang malusog, mayaman, at ligtas na buhay para sa susunod na henerasyon.

Posted 7 years, 12 months ago at 3:38 pm.

35 comments