June
Buwan ng Hunyo nang una akong makipagsapalaran sa Maynila. Trese anyos lang ako noon. Naglakas-loob akong lumuwas ng Maynila dahil nanghihinayang ako sa isang magandang opurtunidad. My uncle had offered to help out with my schooling. In return, I was expected to help with the household chores. Naging katulong ako ng kanilang kasambahay sa paglilinis, paglalaba, pag-aalaga ng bata at pamamalantsa, at kasama-kasama ako ng auntie ko sa pamamalengke. Bale, all-around ako hehehe, maliban sa pagluluto.
Life away from home was hard, especially that I was only thirteen. I was living with relatives but it felt like I was living on my own. Ang mag-asawang tinirhan ko kasi ay hindi katulad ng nakasanayan kong nanay at tatay na pwede mong kausapin tungkol sa lahat ng bagay, Most of the time, they were stiff and strict. I can not remember being asked, even once, how my day in school was. Bagay na madalas kong ma-miss kina Nanay at Tatay. Madalas kasi sa probinsya, tuwing pagkakatapos ng hapunan, ay tinatanong kami nina Nanay at Tatay kung kumusta sa school, kung meron bang lesson na nahihirapan kami. Pagkatapos nun, tuturuan na nila kami sa mga assignment namin.
Pagtuntong ko ng Maynila ay walang ganun: walang nangungumusta sa akin, walang nagtuturo sa assignment ko, walang nagtuturo sa mahirap na lesson. Ako lahat ang gumagawa para sa sarili ko.
Dalawang aspeto ng buhay ko ang nangailangan ng major adjustment: sa school at sa bahay.

Sa school, araw-araw ay nakikibaka ako sa mga classmate kong kung hindi valedictorian ay salutatorian o kaya naman ay accelerated sa elementary. Natanggap ako sa isa sa mga public school sa Manila na may malaking populasyon. Noong unang araw ng pasukan ay nagimbal ako sa dami ng mga estudyante. Ang first year ay umabot ng section 33 at bawat section ay may average na 50 students. Sa first year pa lang ay umabot na kami ng mahigit 1,650 na estudyante. Sa pagdaan ng mga taon, unti-unti itong nabawasan.
Pinalad akong mag-qualify sa tinawag nilang star section o Section One. Sa probinsya kasi, wala kaming star section noon sa eskwelahan namin, sapagkat iisa lang naman ang section sa bawat grade level. Haluhalo ang miyembro ng klase namin noon sa probinsya. Magkakasama ang slow learner at fast learner. Magkakasama ang mga nasa tamang gulang at mga 16 at 17 gulang na ngunit nasa Grade 6 pa lang. Ang iba nga sa kanila, pagka-graduate ng elementary ay agad nang nag-asawa.
Balik tayo sa mga kaklase ko dito sa Maynila. Lahat sila ay marurunong. Lahat yata ay gustong mapunta sa honor roll, parang mga kandidatong nag-aagawan sa pwesto. Ako’y madalas tahimik lang sa klase. Ito ay sa dahilang madalas nila akong bansagang promdi at bisaya. Palibhasa’y bata pa noon kaya kahit paano ay dinamdam ko ang ganung mga panunukso. Ngunit nang lumaon ay hindi ko na rin ito pinansin. Ang tanging nasa isip ko lang ay makatapos ng high school. Unti-unti rin namang nag-mature ang mga kaklase ko at hindi na lang puro honor ang iniisip nila.
Nasa high school ako nang pumutok ang Mt. Pinatubo (O, wag ka ng magkwenta ng edad ko. Alam ko nag-Google ka agad kung kelan pumutok at Mt. Pinatubo hahaha ). Nasa high school din ako nang maganap ang pinakaseryoso at huling coup d’etat laban sa Aquino administration na pinangunahan ng Reform the Armed Forces Movement o RAM (O, sinabi nang wag mag-Google eh!) At the time, hindi pa uso ang celphone. Walang landline sa bahay. The fastest way you could communicate with people far away from you was through telegram. Letters from Manila took 2 to 3 weeks to arrive in Samar. And letters from Samar took the same length of time to arrive in Manila. Madalas, kapag may problema ako sa school o sa tinutuluyan kong bahay, sa simbahan ang takbo ko. Doon ako iiyak, nang iiyak, nang iiyak at magdadasal, magdadasal, at magdadasal. Kung ikaw ay taga-Maynila at mapapadaan ka sa simbahan ng Sto. Niño sa Pandacan, ingiti mo ako sa simbahang iyan na naging kanlungan ko sa loob ng maraming taon.
Sa high school ko natutuhang makibaka sa buhay. Sa high school ako maraming beses na sinubok ng tadhana. Sa high school din ako natutong maging matatag. Sa high school, lalo kong pinagtibay sa sarili ko ang kagustuhan na makapagtapos ng pag-aaral para naman hindi mabalewala ang lahat.
Sa PICC ginanap ang graduation namin nung high school.Mula sa 33 sections noong first year ay naging 28 sections na lamang kami. Kasama ko sina Nanay at Tatay nang umakyat ako ng entablado. At sa araw na iyon ay tuwang-tuwa ako.
Ikinuwento ko ang episode na ito ng buhay ko para kapulutan ng kahit na munting aral, lalo’t kasisimula pa lang ng pasukan.
Una, sa mga magulang at mga taong nagpapaaral, I hope you will take time out para kumustahin ang mga estudyante ninyo after a day in school. I tell you, it matters A LOT to them. Sana’y wag kayong tumigil sa pagtaguyod ng inyong mga mag-aaral
Sa mga mag-aaral na hindi na kinakailangan pang mahiwalay sa pamilya para lang makapag-aral, I hope you’ll feel grateful for that. Hindi madali ang mawalay sa pamilya.
Sa mga mag-aaral naman na katulad kong nawalay sa pamilya, sana’y matutuhan ninyo ang patuloy na pagtitiis at pagpapasensya. Patuloy kayong magsikap.
Alam kong may magtatanong kung nandyan ako sa picture, opo, nandyan ako, pakihanap na lang. Ang makakahanap ay may premyong trip to Boracay Davao Palawan Jerusalem hehehe.





















